Chapter 6

14 0 1
                                    

Six - Emergency

Nagising ako sa init na nararamdaman sa aking mukha, ang sinag ng araw ay nakapasok na sa bukas na bintana sa kwarto ko. Nakakasilaw.

Narinig ko rin ang mga katuwaan ng mga bata sa labas at ang mga nanay nila na sinusuyaw sila dahil ang aga pa para mag laro. Masakit ang ulo ko dahil sa byahe kagabi.

"Yana, bilisan mo na mag asikaso at mag bibigay tayo ng consultations ngayon sa mga mamamayan." good shit. Muntik ko nang makalimutan kung bakit at nasaan ako.  Madali akong bumangon sa kama at nakiligo sa brgy. Hall kung saan kami tumuloy. Ghad, i am so tired na nawala sa isipan ko na first day pala ng community outreach namin.

"Nay, inumin niyo po itong irereseta ko sainyo na gamot ha, 'wag po kayo mag-alala at palagi tayong may generic na gamot na pwede mong bilhin. Sa ngayon po pagkatapos mo rito punta ka po duon sa kabilang tent at ipakita ito sa babaeng nakatayo, pharmacist po iyon at bibigyan kayo ng libreng gamot para sa ilang lingo, ipakita niyo lang po itong binigay ko sainyo." walang prenong sabi ko kay nanay. I am very passionate of what i am doing. I always participate in outreach programs organization based man o voluntary. Naging libangan ko rin sa ilang taon.

"Nako, doc! Marami pong salamat sa tulong!" natutuwang sabi ni nanay. It warms my heart that i can help people with the knowledge that i have, thankful that God gave me the opportunity to help.

My phone buzzes that it made me jump on my seat while writing a prescription.

Poleen: You got there safe? Chester isn't answering his phone. Are you guys so busy this early?

I smiled when i read her text. Anim na taon na ang lumipas pero ganyan pa rin siya kapag hindi mahagilap si Chester, saakin hahanapin. I looked at Chester on my far right. He's busy saying something to a kid. Binigyan niya rin iyon ng candy dahil umiiyak habang linalagyan ng bulak ang braso.

Mabilis akong nag tipa ng sagot.

Me: Yes, we're okay. He's currently giving vaccines to kids. 'di niya ata napansin ang cellphone niya.

"Malaking pasasalamat ko talaga sainyo at dito niyo napili na mag bigay ng medical mission! Nakakatuwa!" pasasalamat ng kapitan saamin sa tanghalian.

"saamin po ang karangalan, Kapitan." sabi ng kasama ko.

"Alyana Sandoval ang pangalan mo, hindi ba?" Ngayon, saakin naman nakatuon ang atensyon niya at nagulat ako sa sinabi niya. Hindi na iyon bago sa mga kasamahan ko but it made me glued on my seat again.

"Y-yes po." sabi ko. Sandoval. Yeah. I am still coping up okay, i filed the annulment years ago but guess what? Hindi yun naituloy. I don't know what happened, tumawag nalang isang araw ang lawyer ko at sinabing walang  gustong mag tayong judge para sa kaso ko. I was fuming mad. Hindi ko alam kung binayaran ba sila para tangihan iyon. Pag pasok ko ng Med School, Sandoval na ang apelyedong ginamit ko dahil iyon na ang mga nakasaad sa papeles ko though nothing has changed. I moved out to our house and moved back to my parents'. Wala na rin akong narinig tungkol kay Aries matapos ang araw na 'yun though our families were still business partners. Hindi lang ako dumadalo sa mga social gathering dahil na rin sa busy ako sa pag-aaral though wherever he is i hope he's happy with Tricia! At sana naman by the time na makabalik ako saamin pwede ng matuloy ang annulment kahit hindi ko alam kung nasaan siya! I want to be free!

"Nako! Sabi na nga ba! Nakita kasi kita sa TV nuon dahil sa kasal niyo. Ang ganda mo naman sa personal doktora!" Kapitan said amused. Wala akong maisagot.

"Hindi ba kayo nagkita ng asawa mo?" inosente niyang tanong, busy sa pakikipag usap ang iba kong kasama kaya siguro hindi naman nila naririnig itong mga tanong.

"P-po?!" ramdam ko ang bilis ng tibok ng puso ko, ang pagka taranta ko. Bakit kami magkikita?! Anim na taon ko na siyang hindi nakikita!

"Nasa unahang purok lang si Engr. Sandoval, doktora. Yung kompanya niyo kasi iyong gumagawa ng bagong building ng Community College namin dito. Akala ko nga sa hotel ka niya tutuloy kagabi at hindi rito sa brgy. hall."

Woah. What? He's here?! I don't know what our company is doing since i am not working there and chose other path but hell, talaga? Andito siya?

"Hindi po kapitan." sabi ko. Hindi siguro umabot dito ang balita nuon tungkol sa annulment? Kaya ganon ang tanong niya.

"Ah, edi mamayang gabi sakanya kana tutuloy? Mas komportable doktora kung duon ka sakanya tumuloy kesa rito sa hall" suhestiyon niya. Hindi ko na makain ang pagkain sa plato ko. Goodness. Why on earth will I do that?!

"Hindi na po kapitan, okay na po ako rito atsaka mas okay po kung kasama ko ang grupo kesa humiwalay. Komportable naman po ako rito matulog. H'wag niyo na po alalahanin pa." sabi ko. Nakita kong nakatingin saakin si Chester with his amused eyes and smirk. Tinaasan ko ng kilay. Narinig niya ang lahat! Sigurado ako!

"So your husband is here huh?" mapanuyang sabi ni Chester ng hapon na at nag liligpit na kami ng gamit sa tent.

"Wala akong pakialam." sabi ko

"I hope so." makabuluhang sabi niya na nagpainis saakin. Ugh, this guy sometimes annoys me.

Anim na taon, wala akong balita sakaniya kahit na sa kompanya lang naman namin siya namalagi. Bakit ko ba iniisip pa? Wala na iyon. Nakalipas na. Hayaan na. Pano sila mag papakasal ni Tricia kung kasal pa siya saakin though? Dapat talaga matuloy na ito na annulment.

"Anong nangyari?!" nagulat ako sa sigaw na narinig ko hindi kalayuan saamin ni Chester. Nung nakita ko kung ano ang komusyon, walang atubiling dinala ko ang mga gamit ko at tumakbo, sabay kami ni Chester.

"Sinabi ko naman p-po kasi na huwag niya na gawin iyon pero matigas ang ulo, nahulog sa hagdang gawa lamang sa plywood at dos por dos na kahoy, nahulog po siya sa may mga yero at bakal." i am in shock when i saw the man in front of me, full of blood on his right leg. Nahiwa ang kaniyang balat dahilan ng pag labas ng maraming dugo.

"Call an ambulance!" sabi ni Chester habang ako'y nag lalabas na ng mga gamit na pwedeng magamit sa pag first aid. Wala kaming dala na mga gamit pang tahi ng ganitong open wounds, hindi naman kalaliman ang sugat niya ngunit kailangan paring madala sa ospital.

"N-nako doc, hindi po yun makakarating agad, mahirap pong maka akyat dito iyon, mabuti pa iyong multicab nalang ng barangay, sandali ho!" agap nung kasama nitong worker.

"Sir, sabihin niyo po saakin kung ano pa ang masakit sainyo ng nabigyan ko kayo ng first aid." Tanong ko

"H-hindi po ako makatayo doc! Ang sakit rin po ng buong katawan ko!" histerya niyang sabi. Brace, right!

Ginawa ko na ang dapat kong gawin. Walang atubili kahit na medyo madilim na ang paligid. Kinakalma ko rin siya habang ginagawa ang first aid dahil iyak na ng iyak. Binatilyo pa ito, sa tingin ko 18 years old pa lamang.

"Ayan na ang multicab, doktora!" deklara ng isa sa mga nakikinuod ng pag gawa ko ng first aid. Pinahid ko ang nag babadyang pag tulo ng pawis sa nuo ko saka tumayo. Muntik pang malaglag sa sahig ang stethoscope ko kung hindi lang nasalo ni Chester.

"Ipasok niyo na siya, at please. Paki-samahan siya hambang tatawagan namin ang guardian niya." sabi ni Chester.

Napabaling naman ako sa naka-park na isang sasakyan hindi kalayuan saamin. Marahang nag lakad ang lalaki palapit saamin, at habang lumalapit siya, unti-unti ko ng nakilala kong sino siya.

"Engineer! Nabigyan na po ng first aid si Willy. Mabuti nalang at may nag me-medical mission ngayon dito, dadalhin na namin siya sa hospital ngayon." pahayag ng kasama nung Willy.

He look tired and stressed. Hindi rin maipinta ang kanyang mukha. Siguro dahil hindi niya inaasahan na mangyayari yun sa trabahador niya? He shifted his gaze towards me, he's staring madly at me while his jaw is clenched. Napalunok ako, anim na taon and dito kami ulit mag kikita?

"Alyana." madiin, may galit na tawag niya sa pangalan ko.

My heart skips a beat. O, God. Please.

Missing Reality [SLOW UPDATE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon