THREE
It's Monday and late na ako sa klase ko.
Nag madali talaga akong lumabas sa kotse ko ng nai-park ko na yun ng maayos. I need to pass this final report pa. I looked at my watch, Damn it. I'm 30 minutes late for my Psychology class. Better yet wag na lang pumasok pa. I pa-pass ko na lang siguro itong final report ko sa Microbiology class ko.
Since I decided na umabsent sa first subject ko binagalan ko na nag pag lakad ko, nagulat ako nung biglang may umagaw ng folder ko sa kamay ko. Sino naman ang aagaw nun?
"As expected from you" he said habang iniscan ang ginawa ko. Saktong nasa harap kami ng cafeteria
"Hindi ka rin pumasok?" I asked.
He looked at me and smiled.
"Master ko na ang Psychology Aly." Halos ipag malaki niya saakin yun. Napailing na lang ako. Ewan ko ba kung bakit niya ako kinakausap. I can't say na he's my friend tho he's really nice to me, Business partners rin kasi ang parents niya at parents ko. But pareho kami, we're not interested sa business ng mga magulang namin kaya hindi kami sumunod sa mga yapak nila.
"oo nga nakalimutan ko..." I smiled. Bihira lang kaming mag kausap piling subjects lang kami mag kaklase eh
"I see, so nag gram staining ka pa pala" He said habang tinitignan yung gawa kong report
"Don't read my report Chester!" sabi ko at pilit na inagaw sakanya ang folder ko.
Hindi ko napansin agad na unti-unti na kaming tinitignan ng ibang babae dito. I'm nobody pero itong kasama ko is a somebody. He's every girls dream in our building.
"I should've done what you've done Aly, mas okay yung kinalabasan nung experiment mo sa bacteria samples mo" HE said na parang wala lang paki alam sa mga babaeng naka titig saamin, or sakin lang? nakakatakot ang mga titig nila.
"a-ah, Just give it back to me Chester, Look! Anjan si Poleen!" I lied para mahablot ko ang folder ko sakanya. I smiled dahil naniwala siya sa sinabi ko.
He gave me death stares dahil sa ginawa ko, sa totoo lang wala naman talaga yung Poleen na laging napa-padpad dito sa building namin. I used that opportunity para makawala na sa atensyong binibigay ng mga tao saakin. Narinig ko pang tinawag ako ni Chester pero hindi na ako lumingon pa.
Sa kamamadali kong maka alis duon hindi ko nakitang may nasa harapan pala ako, huli na nung napansin ko at ngayon ay basang basa na ako ng juice na natapon sa damit ko. Muntikan ng mabasa yung report ko!
"Ano ba! Tumingin ka nga sa dinadaanan mo, ang lampa mo naman!" She said, and as I looked at her gusto kong bawiin ulit yung tingin ko. It's Tricia with her friends, and with Aries at her side.
Napalunok ako, anjan siya sa harapan ko, I'm glued on the floor
"i-im sorry, hindi kita nakita" I said, ngayon ko lang naalala, NatSci class nila ngayon kaya sila andito sa building namin. Lumingon ako saglit sa kung saan nakatayo si Aries, ang layo ng tingin niya. Wala naman yang paki-alam
"papansin ka lang siguro kasi andito sila Aries" She said. Her friends laughed together. Ngayon ko lang napansin marami pala sila, kasama nila halos lahat ng seniors sa Swimming team. I totally forgot.
"n-no. hindi ko talaga kayo nakita, I'm really sorry" I said kahit na naiirita na ako sa tono ng boses ni Tricia.
"Oh c'mon Alyana, since highschool ganyan ka na, ga-graduate ka na ng college ganyan ka pa din? Papansin ka lang e" She said.
I took all my courage not to talk back. Ayaw ko. Ayaw kong masigawan mamaya ni Aries ng dahil kay Tricia. The last time na ginawa ko yun he said so many hurtful words to me.
"will you shut your mouth Patricia?!" nagulat ako nung may sumigaw ng buong pangalan niya mula sa likuran ko. Ghad.
Naramdaman ko ang pag lakad niya papalapit saakin. Hinablot niya ang folder ko, tinignan niya pa ang uniform ko na ngayon ay may mantsa na ng juice.
"pinapairal mo nanaman ang kabaitan mo Alyana" He said
"O'cmon Chester!" Hindi ko alam kung bakit hindi pa sila umaalis gayong success na si Patricia sa pang iinis saakin ngayong araw.
Hindi ko napigilan nung lumapit sakanila si Chester, pero bago pa man makalapit si Chester sa kinatatayuan ni Patricia humarang na si Aries. Napalunok nalang ako at tumingin sa malayo. Mabuti nalang at kami-kami lang ang tao dito sa part ng building.
"back off." Aries said firmly. Liningon ko siya, tinitigan ko pa. Aries just... please? One glance?
Lumapit ako sakanila para hablutin si Chester, masakit pa naman ito maka pag salita.
"Chester tara na" kabado ako nung sinabi ko yun, ang lapit kasi sakin ni Aries eh, gustong gusto ko siya sampalin, kurutin at sabunutan dahil sa sinabi niyang 'Back off' ganun niya ba kamahal yang Patricia na yan? Hindi niya man lang ako magawang tignan, look what you're girlfriend done to me! I'm still your fuckn wife!
"Patricia para kang bata, hindi naman sayo pero pinipilit mong agawin, you look pathetic. Dustin really took the right choice, look how happy he is now with Fritzie" Chester told her seriously.
"Ano bang pinag sasasabi mo?" tanong ni Tricia habang pulang-pula na ang mukha niya. Chester hit a nerve huh? Chester laughed sarcastically at her, I was startled when Aries grab Chester's uniform
"shut up your mouth Gao" He warned. Naiiyak nanaman ako. Buti pa kay Patricia nag kakaganyan siya.
"what Aries? Si Aly ang nasasaktan sa ginagawa mo, wala kang kwenta kahit kailan" hindi ko ini-expect na sasabihin yun ni Chester, bago pa man makasagot si Aries o maka react si Patricia o kahit sino sa mga kasama nila hinila ko na si Chester palayo sakanila.
"Chester naman eh!" I said nung makalayo na kami sakanila.
"what?" he said back to his normal cold self.
"y-you don't need to say that to him. W-wala naman yun paki alam" I said in a low tone na halos hindi ko na makilala ang sarili kong boses.
"it hurts isn't it? I don't know if enduring the pain will be rewarded with desirable feelings in the end Aly" seryoso niyang sabi saakin.
"Ches.." I lost all the words in my head sa sinabi niya. Bakit ba lahat ng sinasabi niya eh may point?
"He's in love with her Aly" yung mga salitang binitawan niya ang ayaw na ayaw kong marinig. Yung mga traydor kong luha eh lumabas nanaman sa mga mata ko.
"I-I know" kahit masakit tatangapin ko.
"then why the hell did you allow this marriage to happen then??" he ask me without hesitations. Napalunok ako sa tanong niya.
"wala naman akong magagawa, parents namin—"
"you have your own choices Aly. You're 20 when you got married to him. I know you love him pero hindi sagot yung fixed marriage para masuklian niya ang pag mamahal mo Aly.Sometimes our feelings can't get reciprocated the way we expect it to be." Hereally hasa point. Damn it. Aries was the one who proposed to me, kung hindi niya lang yun ginawa. Kung hindi lang ako nag padala sa damdamin ko. Why am I regretting now?
"I can't refuse, kahit na ibalik pa natin yung panahon hindi ako aayaw sa desisyon ko. Siya sana yung umayaw. Pwede siyang umayaw diba? Kasi kung ako talaga papayag ako" hindi ko na mapigilan ang iyak ko.
Damn my feelings!