Seven - Pissed
"Sa kabilang purok po kayo ngayon, doktora?" tanong ni Aling Mona na busy sa pag hahanda ng agahan namin para ngayon. Nauna akong nagising sa mga kasamahan ko. Hindi rin ako gaanong nakatulog kagabi dahil sa kakaisip.
"Opo." sabi ko sabay kuha ng kape at lumabas ng hall. Nag lakad-lakad ako, alas sinkgo y media na at nakikita ko na ang bukang liwayway mula rito sa kinatatayuan ko.
"May ibibilin po ba kayo, doktora? Pupunta po ako sa bayan mamaya para mamalengke ng tanghalian at hapunan." Hindi ko alam na sumunod pala siya saakin sa paglabas.
"Wala naman po, Aling Mona. Salamat." sabi ko.
"Ah, kung ganoon. Maiwan ko muna kayo at aayusin ko na ang almusal niyo." Tipid akong ngumiti at binalingang muli ang araw na unti-unting nag papakita.
"Hi, Apollo. It's nice to see you." I said to myself pertaining to the radiant sun. Apollo's the greek god for the sun and sometimes i call the sun by his name. Paminsan ramdam ko na ako'y isang Nymph na nahuhumaling sa taglay niyang presensya. Pero gaya ng Nymph, bigong mabigyang pansin man lang.
Alas otso ng umaga ng nag tungo kami sa kabilang purok, sa community college ang venue ng medical mission ngayon araw at pansin ko na rin ang medjo may kahabaan na pila. May mga bumati rin saamin na mga tao, nakangiti silang lahat, hindi alintana ang init na dala ng araw.
Wearing my casual polo shirt at jeans and my white coat - which i am proud of to wear with my stethoscope. Naupo na ako sa pwesto ko. Mula rin dito, tanaw ang building na pinapatayo sa kabilang dako. Nabasa ko rin ang tarpaulin na may pangalan ng kumpanya ng aking daddy. Peralejo + Sandoval Builders napaiwas ako ng tingin dahil sa pangalan na iyon, oo nga pala, kasali na pala ang pamilya niya sa kompanya namin.
"Magandang araw, doktora!" napalingon ako sa lalaking bumati saakin, ako lang naman ang babaeng doktor sa tent na ito ang iba'y nasa loob ng classrooms para sa ibang gawain. Babatiin ko rin sana siya pabalik ngunit umatras ang aking bibig sa pag bigay ng bati, behind him is Aries with his casual shirt and pants holding is hard hat on his right hand. I do not know how to react, ramdam kong lumapit sa likod ko si Chester.
"Aly, i think you should do the consultations, ako nalang mag bibigay ng bakuna." Chester said. I am also staring at Aries at the moment. Damn, the six years didn't affect him that much physically. Nag mature lang ng kaunti ang facial features at pangangatawan. Feelings kaya, nagbago?
"M-magandang umaga, Sir. Kamusta nga po pala si Willy?" agap ko. Hindi pinansin ang sinabi ni Chester. Siya na muna ang kumausap sa pasyente ko.
"Okay na po! Nag papagaling na po siya. Maraming salamat po talaga sa pag bigay ng first aid sa kapatid ko! Sige po at mauuna na ako."
Hindi siya nag tagal at umalis na, i don't know what to do since Aries is still standing in front. Ano ba kailangan nito? Andun sa kabilang dako ang building na pinapatayo!
"Sir, may kailangan po ba kayo?" nakangiting tanong nung isang volunteer sa kanya, hindi niya iyon liningon. Nakatitig lang siya saakin.
Ano ang kailangan niya? Baka iyong annulment? Baka gusto niya na ipag patuloy iyon? Well, okay nga kung ganoon."Hello baby, ang cute mo naman. Patingin po ako ng baby book niya." Hindi ko nalang pinansin na naandito siya, baka naman may kailanga siyang talaga. Tinuon ko nalang ang sarili ko sa pag basa ng baby book tinitignan kung anong vaccines na ba ang na kompleto niya.
"Mabuti naman po at kompleto naman sa bakuna ang baby niyo, misis Flu vaccine nalang po muna sa ngayon ang gagawin ko" pahayag ko.
"Alyana." Napasinghap ako sa tawag ng pangalan ko. I know who called me. But i don't want to be assuming alright! Baka naman nag kakamali lang ako and besides, baka guni-guni ko lang. Kahapon, nung tinawag niya ako sa pangalan ko napaatras agad ako sa likod ni Chester, hindi naman niya ako tinawag ulit kahapon at tumalikod nalang kasama ang worker. Naunahan ako ng kaba, hindi ko alam kung paano siya patutunguhan kahapon kaya ko iyon nagawa.
Pinunsan ko ang braso nung bata gamit ang bulak na may disinfectant. Pangiti-ngiti pa ako, kinakalma ang bata.
"Alam mo ba baby, ang mababait na bata kapag nag pa bakuna binibigyan ko ng candy atsaka ng laruan, gusto mo ba iyon?" patuloy na pag alu ko sa bata at sa sarili na rin fahil sa kabang nararamdaman. Saglit akong lumingon sa kinatatayuan kanina ni Aries, he's still there, both hands in respective pockets and looking at me intently. Tinaasan ko ng kilay na nagpa-iwas sakanya ng tingin saakin.
Distracted by the thought of him staring at me, i did what i need to do with the flu vaccine. In my peripheral vission, nakita ko ang pag lakad niya palapit saakin. Ramdam ko ang bilis ng tibok ng puso ko at nanlalamig na pawis. What the hell?!
"There! Hindi naman masakit!" maligaya kong sabi sa bata, ngumiti ito at yumakap sakanyang ina. How cute.
"Marami pong salamat!" gawad ng nanay niya at saka umalis. Bago pa man makaupo ang isang pang pasyente sa binakanteng upuan ng mag-ina, naupo na roon si Aries.
His stares are dangerous, clenched jaw at nag pipigil ng galit ang kaniyang mga mata."What are you doing here?" Casual kong tanong. Mahigpit ang hawak ko sa ballpen ko, pang pahupa ng kaba na nararamdaman ko dahil nasa harapan ko siya.
"I'm in pain, i need consultation." sabi niya. Parang gusto ko siyang tusukin ng 10cc na injection. My goodness. Really, Aries?
Tinignan ko siya ng mataman. Tinaasan ng kilay habang nakatingin pa rin saakin ng seryoso, agad namang napadpad ang mata ko sa iba't ibang dako ng mukha at katawan niya, checking if there's a wound. I internally rolled my eyes for me for checking up on him.
"May pila rito, duon ka sa likod pumila." sabi ko. His stares never left me. Tumayo ako saglit para tignan ang susunod sa pila.
"Nasaan ang magulang mo?" tanong ko sa bata na nasa likuran ni Aries. Mag-isa siya at halatang kabado.
"Nasa sakahan po ang magulang ko, gusto ko lang po mag pabakuna, iyong para sa flu po." she explained. Inayos ko ang takas na buhok sa mukha niya, the lenght of his hair is too long, hinimas ko rin ang magkabilang braso niya para mapanatag siya, and while i am doing that Aries is still staring at me.
"Sandali lang ha, kunin ko lang iyong vaccine." sabi ko
Bumalik ako saglit sa lamesa ko para kuhanin ang isang vaccine, ako na maga-adjust dahil wala namang balak umalis yata itong si Aries sa kinauupuan niya. Manigas siya! May pila!
"Bibigyan nalang kita ng chocolate hmm? 'wag ka kabahan, the doctor is good!" nababaliw na yata ako dahil sa narinig ko at nakita ko. The boy is now sitting on Aries' lap while he tries to comfort him dala siguro ng kaba kaya siya umiiyak.
Nagkatinginan kami ni Aries ng umupo ako sa nabakanteng upuan sa harap niya.
"Don't worry, i got him." He assured me, pinunasan ko na rin ng bulak ang braso nung bata at saka itinusok ang bakuna. He cried habang yinakap naman siya ni Aries. Nababaliw na yata akong tunay! Bakit nakikita ko lang siyang mabait sa bata e ang puso ko nag hihimutok na sa kaba!
"Thank you." sabi ko sabay talikod sakanya
I never thought that I can utter that words to him. Ghad. What is happening to me? Tandaan mo, Alyana! 6 years!!