Chapter 4

42 1 0
                                        


FOUR

"Hala Aries! Ibalik mo yan sakanya!" pakiusap ko sakanya nang kinuha niya sa kaklase

ko ang drawing book nito. Masamang tingin ang ibinigay niya saakin, nagusot na nang

tulayan ang pahina kung saan naka laan para sa activity namin para ngayon.

"Yana, she bullied you and you think I'll just let it pass?" iritado niyang sabi saakin. Hindi

rin naman maka pag reklamo yung kaklase ko dahil nakakatakot naman talagang magalit si

Aries. Kanina kasi habang recess namin bigla nalang akong inabangan ni Allison para lang

hingin sakin ang krayola ko dahil naiwan niya daw yung sakanya.

"Aries, hindi naman eh. Hiniram niya lang yung krayola ko dahil naiwan niya yung sakanya" pag papaliwanag ko dahil konti nalang iiyak na si Allison at mapapagalitan nanaman si Aries kapag nag sumbong yun sa teaher namin.

"huh! Eh kaya pala okay lang sayo na ikaw nalang yung walang output?! This is freakin'

insane Yana! Kung naiwan niya yung krayola niya hindi mo na kasalananan yun!" sabi niya

sabay punit sa output ni Allison ngayon. Hindi na ako nagulat sa ginawa niya, parati niya naman ginagawa ang mga bagay-bagay na makaka pag gulat saakin like what he just did.

"i think this is fair!, next time bring your own Crayons Allison!" he said at tinapon pabalik

kay Allison ang drawing book na binawasan na niya ng pahina. Hindi na nakaimik si Allison pero kinabahan naman ako sa mga titig na ibinigay niya saakin habang si Aries ay lumabas na ng classroom namin para pumasok na sa klase niya.

Hinihintay ko ang sundo ko sa waiting area habang abala ako sa pag so-solve ng assignment namin sa Math. Maaga kaming pinauwi dahil may faculty meeting.

"tch. Get a rest for a while. Aral ka nalang nang aral eh" he grabbed my book and notebook. My ballpen fell on the floor. Ilinapag niya ang libro at notebook ko sa tabi niya.

"Aries, give it back" I said pero parang wala lang siyang narinig.

"No. Mamaya mo na 'to gawin. I still have my notes regarding this. Pare-pareho lang naman ang ibinibigay na assignment ni Ma'am every year." ahead siya sakin ng isang taon. He's in Grade 7.

"yan naman ang maling gawain Aries, mag laro ka nalang sa PSP mo habang sinasagutan ko 'to." i said at kinuha ko sa gilid niya yung libro at notebook ko inabot niya na rin saakin yung ballpen na nahulog.

"tch. hindi ka na kasi sakin nakikipag laro ng S.O.S"

"You're too old for that, Aries!" I joked. Ayaw niya kasing sabihan ng ganon

"isang taon lang naman! Basta bukas, akin lahat ng oras mo at mag lalaro tayo ng S.O.S"

napangiti nalang ako sa sinabi niya.

"Miss Peralejo, Hello! Si Chester ba eh nakita mo?" I looked at the girl who's in front of me

right now. She's taller than me, singkit at maputi. She's like a model, and she distracted me

from being nostalgic of my childhood memories.

"uhm. Ang sabi niya, mag lalagi daw siya ngayon sa Animal house" I said a matter of fact.

"hindi naman dahil iniiwasan niya ako?" she asked na para bang linoloko ko siya kung

nasaan ang kaibigan niya.

Missing Reality [SLOW UPDATE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon