a friendly reminder. this story is PG 15 due to story content is not appropriate for younger ages. please read at your own risk.
-pricelessfeelings
TWO
[Alyana 'wag niyo kakalimutan ni Aries ha, bukas dinner.]
Napabuntong hininga ako at napatingin sa orasan sa kwarto ko. 11:00 PM na pala
Kakatapos ko lang ng Final report ko nung saktong tumawag si Mama. Mommy niya.
"Opo. Hindi po namin nakakalimutan" uuwi kaya siya ngayon? Ika-apat na araw na ha.
[kasama mo ba si Aries? Pakausap nga? Hindi niya sinasagot yung tawag ko sakanya] HALA!
Kinabahan naman ako bigla sa sinabi ni Mama
"ah, ma kasi po ano... uh.. tulog na po si Aries! Pagod po sa practice" palusot ko nalang. Jusko. Hindi pa naman ako magaling mag sinungaling.
[ganun ba, o sige baka nakaka abala na ako sainyo. Mag pahinga kana rin hija] kahit kelan talaga ang bait ng mommy niya.
"Opo ma. Good night po" I ended the call at napahiga sa kama ko.
"hays. How long can I do this?" sabi ko sa sarili ko habang naalala ko nanaman lahat ng nangyari 3 years ago.
Flashback
Nag mamadali akong umuwi saaming bahay ngayon. Walang kaso yun saakin dahil hindi naman ako malakwatsang tao. Tipong school-bahay lang. no friends at all. Pero nakakapag taka kasi tinawagan ako ng kasambahay namin sa bahay, mag madali daw akong umuwi
Pag dating ko sa bahay may mga hindi pamilyar na sasakyan ang naka garahe, may isang pamilyar pero imposibleng nandito yun.
"Manang, sino po ang naandito?" tinanong ko agad yung katulong namin pag ka pasok ko ng bahay
Narinig ko sa ang tawanan ng matatanda sa Garden namin pero hindi ako tumungo ruon dahil baka isa nanamang business matter iyon. Sakanila siguro yung mga sasakyan sa labas. Saktong paakyat na ako ng kwarto ko nung narinig ko ang pangalan ko.
"Aly, andito ka na pala" lumingon ako kay Daddy nung tinawag niya ako sa palayaw ko. Naka upo siya katabi si mommy. Nakita ko rin ang mga kaharap nila sa table. Why are they here? So sakanya pala talaga yung sasakyan sa labas?
Ngumiti ako kay daddy at bumaba ng hagdan. Naka uniform pa ako at medyo sweaty narin ang damit ko dahil sa ginawa namin sa laboratory kanina.
Lumabas ako ng Garden para tuluyang makita ang mga kausap nila Mommy at Daddy. Saglit akong napatingin sa lalaking seryosong nakaupo katabi ang daddy niya.
"Good afternoon po!" binigay ko ang napaka sweet smile ko sa lahat, humalik din ako sa pisngi ng mga magulang ko ang nag mano sa parents niya.
"Hi Yana" halos mapatalon ako nung nag hi siya saakin. Alam kong nag papangap siya.
"Aries" matipid kong sabi at naupo sa upuan katabi ni Mommy. Kaharap ko ngayon ang childhood friend ko – first love – unrequited love.
We're complete opposite. He's popular at school, a lot of girls adore him, he have a lot of friends.
Habang ako naman a nobody in school, binu-bully, and I don't have friends. I'm just considering him as a friend dahil sa mga parents namin at minsang naging close din kami. Elementary nga lang. bilog nga talaga ang mundo. He's so mean to me. Halos isumpa na niya na nabuhay ako dito sa mundo. Galit siya saakin. Kasi we're engaged. Fixed marriage. Political marriage na tinatawag ng iba. No emotions involve. Just for the sake na mapalago ang negosyo ng bawat isa. And he's so against with it habang ako naman eh masunuring anak. Wala rin naman akong magagawa. I'm just a nobody. Napipilitan siya. It's because my family is known worldwide dahil sa business na kilala at napapalago ni Daddy. Kilala rin ito bilang isa sa mga top payer ng tax sa Bansa. I don't care about that. Pero yun nga bata palang talaga naipagka sundo na talaga kaming dalawa, nung una wala kaming alam sa na ganon pala yung set-up kaya naging close kami. Pag may nam bu-bully saakin sa school siya taga pag tangol ko, kasama ko siya mag recess, gumawa ng assignment at projects lagi siyang tumatambay sa bahay. Nung highschool naman naging madalang na siya sa bahay, naging sikat na kasi siya sa school bilang isang swimmer. Marami narin ang naging kaibigan niya kaya hindi na niya ako pinapansin. Halos lahat din yun ang bumubully saakin pero never niya ako pinag tangol gaya ng dati yun yung panahong nalaman niya na we're gonna be married, simula nung nalaman niya hindi na niya ako pinansin pa. EVER. Papansinin lang ako niyan kapag nakaharap ang parents niya o parents ko.