𝙘𝙝𝙖𝙥𝙩𝙚𝙧 2

406 15 0
                                    

Na stress ako sa nangyari kagabi. Nag walk out ba naman yung leader nyo? Sino ba naman yung hindi mababadtrip dun?

Binaling ko nalang yung atensyon ko sa pagsusulat ng kanta ng mga gabing yun. Yep, kaya ko rin magsulat ng kanta. Bachelor of Arts major in singing and dancing kasi ang tinapos ko. I can sing and dance too. Nahihiya nga lang akong ipakita to sa ibang tao.

Nagising nalang ako sa walang tigil na pagdodoorbell.

Ganito ba talaga ka brutal ang mga tao sa Seoul?

I lazily get up from the bed habang naka pj and messy hair pa ako. Dali dali akong pumunta sa pintuan at binuksan ito.

Pagbukas ko agad naman sumalubong saakin ang mukha ni kuya at ang 8 nyang kasama.

"Yah! Jae Yeon-ah! Ikaw ba yan? Lumaki ka na ah!!" Sigaw ni Seungri at mas lalo pang ginulo ang buhok ko.

"Akala ko baby ka parin hanggang ngayon." Singit naman ni Daesung at niyakap ako.

"Tumangkad ka na ah." Sabi naman ni Top at pinisil pisngi ko.

Ay oh. Napaka monggi talaga netong si Top oppa.

Pinigilan kong tumawa pero bigla kong nakita si Taeyang na may dalang foods.

"Taeyang? Taeyang oppa!" Sigaw ko at niyakap sya.

"Ay? Sya lang ba naalala mo Jae Yeon?" Ani ni Daesung.

"Aba. Eh wala nga yang tinulong nung baby ka pa." Singit ni Seungri.

Agad naman syang binatukan ni Taeyang at umupo kami sa sofa.

"Jae Yeon. Naaalala mo pa ako? Ako si Sandara Park eonnie, ako yung taga ligo mo nung baby ka pa." Lumapit saakin si Dara eonnie with her signature puppy eyes.

"Eh ako Jae Yeon, si Minzy eonnie mo. Ako yung kalaro mo nung baby ka pa." Minzy.

"Jae Yeon, ako hindi mo maalala? Ako kaya yung taga timpla ng gatas mo." Sabi ni CL with matching wink pa.

"Yah! Jae Yeon-ah! Ako yung pinaka maganda mong eonnie. Ako yung taga dala sayo sa park." Sabi naman ni Bom eonnie habang kumakain.

"Eh ako Jae Yeon? Ako yung taga karga sayo nung umiiyak ka palagi." Sabi ni Top oppa.

Ang baba parin ng boses nya.

"Jae Yeon-ah, naalala mo pa? Ako tagapalit sayo ng diaper nung baby ka pa." Tumabi saakin si Taeyang oppa at ginulo ang buhok ko.

"Ako yung palaging nagpapatahan sayo. Impossibleng makalimutan mo ako." Sabi ni Daesung oppa with big smile.

"Ako ang pinakaimposible mong makalimutan. Ako ang pinaka gwapo mong oppa. Tignan mo, nakuha mo ang features ko. Mas kamukha kita kesa kay Jiyong." Sabi ni Seungri. At agad naman kaming napatawang lahat.

Kumuha si kuya ng bottle of wine at linagay sa lamesa habang kumukuha naman ng wine bottles si ate Dara.

I gave them all a warm smile. It's been so long before ko ulit silang nakasama.

You guessed that right. Sila nga ang nagbabantay saakin nung mga panahong busy si kuya. Sila lang yung kasama ko lumaki.

"Of course naalala ko kayo lahat. Hindi ko kayo kaya kalimutan no." I spoke up.

Hindi ko naman talaga sila nakalimutan, being around them when I was young felt surreal. Lalo na't ang successful nila sa Kpop industry at sa buong mundo. Just the thought na sila nagbantay sa akin when I was young is really magical.

G-Dragon's Dongsaeng Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon