E P I L O G U E

184 9 3
                                    

The whole family vacation was fun. Ang daming nangayari sa 3 days namin dun. Lahat kami namasyal sa Disneyland. Even sajangnim, kasama nya si Yoojin. Yung anak nya. Nakakatuwa yung buong experience. Buong family even staff at team, lahat kami nag-bonding. Although once in a blue moon lang mag bakasyon ang entertainment, sulit naman yun.

Ngayon, bumalik kami sa Seoul. Nasa isang kwarto ako kasama ang Bigbang sunbaenims. Katatapos lang nila mag-shoot para sa comeback nila, soon.

Si kuya at Dara eonnie, going strong sila. Halos di na sila mapag-hiwalay. Si Dara eonnie, palagi syang bumibisita sa set nila kuya. Si Taeyang oppa naman, going strong din sila ni Hyorin eonnie. Habang sila Seungri, Daesung at Top, hopeless romantic pa rin.

Kami ni Bobby? Okay kami. Ayun, nanligaw nga sya sa akin. Pero di ko pa sya sinasagot 'no. Hindi naman ako ganun ka easy to get. Oo, crush ko sya pero dapat mahirapan muna sya sa akin no. Pumupunta na sya sa bahay namin, which is so unusual. Halos pagkagising ko sa umaga, sya agad yung nakikita ko. Palagi kasi syang maagang pumunta sa bahay pero wala naman syang gagawin dun. Parehas sila ni Dara eonnie, sabay silang pumupunta sa bahay para ipagluto kami ni kuya.

Si Chaeyeon naman, we're besties na. Alam nyo bang kaka-debut nya lang? Soloist din sya. Sya yung ikalawang soloist dito sa Yg. Ngayon dalawa na sila ni Lee Hi. Lahat ng di pagkakaintindihan noon, kinalimutan na namin yun. Tinawanan nalang namin yun, para kasi kaming mga bata. Hahaha. But in the end, naayos na naming dalawa yun and now, we're bestfriends.

"Hoy!" Nagulat ako nang tapikin ni Chaeyeon yung balikat ko.

"Gosh, you're here." Sabay hug ko sa kanya.

"Of course. Di ko kaya mamiss 'to." She smiled.

May something exciting kasing mangyayari. Pero maya-maya ko pa sasabihin.

"Hey babe."

Para akong nakuryente nang marinig ko yun. Gosh. Bakit ba nya ginagawa 'to.

"Anong babe dyan? Ha? Gusto mo ba malasin ako sa ginagawa mo?" Pananaray ko.

"Ouch. Grabe ka naman." Sagot nya. Aba't umarte pa syang nasaktan daw yung heart nya. Tss

"Papangit ka mamaya, sige ka."

"Weh."

"Malay mo naman tama si Bobby." Tawa ni Chaeyeon.

"Bestfriend ba kita o hindi? Kinakampihan mo nanaman sya."

"Joke lang. Goodluck ah. Galingan mo." Ani nya sabay labas ng room.

Sige, aaminin ko na. Ngayon ay MAMA Awards. At andito ako ngayon sa backstage kasi ngayon, mag peperform ako. Debut performance ko kasi tapos si YG nag request na dito gawin yung first performance ko as YG Artist. Gladly pumayag naman ang coordinator.

Nasa backstage ako ngayon, hinihintay ko nalang na tawagin ako para mag perform sa stage. Kinakabahan ako. Of course hindi na 'to sa studio. Malaking crowd na ang kaharap mo at hindi ka sigurado kung magugustuhan ka nila.

Katatapos lang mag perform ng Blackpink. Narinig ko kasi na natapos na yung kanta.

"Ms. Kwon, it's your time." Sabi nung staff.

Kahit kinakabahan ako, tumayo at sumama ako sa kanya. Mag-isa nalang ako at back-up dancers lang ang kasama ko. Wala si kuya sa tabi ko para i-guide ako. Alam ko mahihirapan ako pero I have to do what kuya thought me to.

Ngayon nasa gitna ako ng stage ng MAMA, lahat ng audience nakatingin sa akin, pero nawala ang kaba ko nung nakita ko ang buong family na sumu-supporta sa akin. Nasa unahan ng sila ng stage.

G-Dragon's Dongsaeng Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon