seumul 스물 || 20

204 11 0
                                    

"Alam mo ba kung anong magandang gawin ngayon?"

"Ano?"

"Mag shopping!"
Masayang sigaw ni kuya sabay hampas ng kutsara sa mesa.

"Wag ka ngang mag tantrums dyan! Ako maghuhugas! Yung kinainan mo nasa sahig na!" Galit kong bulyaw. Eh pano ba naman, yung cereals nasa sahig na. Mapapawalis ako sa ginagawa ng leader nyo eh.

"Di ako nag tatantrums."

"Eh di wag ka magalaw!" Sigaw ko ulit habang umiinom ng juice. "At isa pa, wala akong pera. Ano ipambibili ko dun."

"Ililibre naman kita. Mahar ko kaya dongsaeng ko."

"Ikaw, tigil tigilan mo ako sa pagiging clingy mo ah. Nakakakilabot! Para kang sinasaniban. Ano ba nakain mo? Sinagot ka ba ni Dara eonnie? Nag dadate na ba kayo? Tss, dami nang pictures na naglalabasan sa net. Ano? Kayo---"

Napahinto ako sa kadadaldal nang ilagay ni kuya ang kamay nya sa bibig ko.

"Ikaw kahit talaga kailan ang daldal mo. Shipper ka ba namin? Hardcore shipper? Tss. Wala. Wala pa."

Nanlaki naman mga mata ko nang marinig ko yun. "Wala pa? Malapit na pala. Okaaaaaay." Tawa ko.

He just rolled his eyes sa inasal ko. "Maligo ka na dun. Aalis na tayo katapos ko maligo."

"Teka, sino maghuhugas?"

"Eh di ikaw! Alangan ako? Mamaya nalang pag dating natin." Ani nya habang papasok sa kwarto nya. Aish, this guy. Napaka antipatiko talaga nang pangit na to.

Nilagay ko nalang yung bowls sa sink. Baka kasi kung malate ako maging dragon yun. Nakakatakot yung mabeast mode. Mas lalong pumapangit! Hahahaha.

Dumiretso naman ako sa kwarto at naligo na. Medyo excited na din ako sa sibling bond namin ngayon. Matagal tagal narin ang panahon bago naulit to.


Lumabas ako ng kwarto at nakita ko si kuya na nasa pinto at nakaabang sakin.

Tumingin sya sa relo nya. "Kanina pa ako naiinip kakahintay sayo dito."

Grabe naman sya. Para sa 8 minutes lang?

"Osya tara na. Mianhe." Sarcastic kong sagot at lumabas ng bahay.

Pababa na sana ako sa hagdan nang hinila ako ni kuya pabalik.

"Baliw ka ba? Aalis kang bare faced?"

"Ha?"

"Ang sabi ko, eto cap at shades! Kasama mo yung sikat at gwapo mong kapatid di ka manlang magtatago ng identity?" He sighed. Takte ang feeler nya.

Lumabas sya at pumasok sa Lamborghini nya. Sumunod naman ako.

fast forward >>>

Nang nakarating kami sa mall tinamad ako. Ang dami kong gustong bilhin pero alam kong aayaw to si gudo.

"Ano gusto mo? Givenchy? Dior? Chanel? Calvin Klein? Ano?" Tanong nya habang naglalakad.

"Hmmm. Ikaw bahala." Sagot ko naman.

"What if isa isahin natin?"

Nanlaki naman mata ko. Yiz naman. Perks of having a rich brother!

"Sounds good."

Una kaming pumasok sa Chanel at isa isang namili sa mga damit, nang tignan ko sa price tag, nakita ko ang price. Shete, ang mahal!

Tinignan ko si kuya at nakita kong kinakausap ang manager at tuwang tuwa sa mga bagong collection. I bet bibili to ng isang dosenang mga damit sa kada isang brand. -.-

Lumapit sya sakin. "You like that? Kahit ilan gusto mo sa lahat ng brand dito, bibilhin natin." He grinned.

"P-pero ang mahal."

"Mahal? Tss. Barya ko lang yan. Kaya mamili ka na, bago pa tayo mahuli ng dispatch." Ani nya.

Barya? Weh? Seryoso sya o nag jojoke? Kung sabagay.

Naglibot ako at nakapili ng limang mga damit kasama na ang sapatos. Napangiti naman ako in achievement.

Lumapit naman ako sa counter. "Yan lang ba?" Tanong ni kuya. I nodded. Nilabas nya ang credit card nya at katapos lumabas na kami sa store.

"Next stop, moschino!"

"Kuya, libre mo talaga ako? Baka singilin mo ako?" Naninigurado lang naman. Hahahahaha

He sighed. "Stop asking, arasso? Ako bahala." Tumango naman ako sa sagot nya.

Naglakad lakad kami, i hope walang dispatch dito sa mall. Fingers crossed.

Nakarating kami sa Moschino at ulit, pumili ako ng damit at binayaran nya ulit. Same routine lang ang ginawa namin every brand.

Katapos, bumili ako ng frappe sa Starbucks. Nagutom kasi ako.

"Where do you want to go?" He asked, naglalakad ulit kami, tinitignan ang mga stall baka sakaling may magustuhan kaming ulit pasukin. 

"I think, Maybelline?"

"Seryoso? Sa moonshot nalang!" Protesta nya.

"Gusto ko yun. Endorse yun ni Cl eonnie! At by the way, ba't wala kang binili?" I asked, just curious.

"I don't buy. They deliver supplies."

Sagot nya. Oh edi sya na, sya na mayaman.

Habang naglalakad kami may napansin akong isang fan na sigurong, nakilala si kuya.

Agad kong hinablot ang jacket nya. Napalingon naman sya sakin.

"I- i-think may sasaeng fan na nakahalata sayo." I said nervously.

He sighed. "Hurry, dapat makalabas tayo dito agad." At katapos nun, naglakad kami ng mabilis para makapasok sa kotse at makauwi na.

Nang makalabas kami, tinignan ko ang buong paligid. Nakita ko na parang walang tao kaya medyo kumalma ako. Nilagay ko ang mga binili ko sa likuran ng kotse ni kuya.

"Let's go? Punta muna tayong yg. May kukunin ako." He said at pumasok sa kotse, sumunod naman ako.

Sana nga, sana talaga di kami ma-dispatch. Ayokong may mabasa akong article samin dalawa. I don't deserve to be bashed. I guess.

-

G-Dragon's Dongsaeng Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon