아홉 yeodeolb || 8

257 10 0
                                    

SEOUL EMPIRE HIGH

Yes, nag-aaral na ako. Hindi ko nasabi sa inyo kasi ayoko masyado humaba ang kwento. Eh, sorna kasi. Hehe.

So ngayon nasa lobby ako, hinihintay ko mag bell. 8:30 na pero hindi parin time. First time ko mag aral dito. Well, kasi sa States iba ang aura at iba rin dito. Syempre nakakapanibago.

30 minutes at nag bell narin. Finally! Naglakad ako at hinanap ang bago kong classroom. I-A.

III-A

II-A

I-A

Boom! At nahanap ko rin. Pumasok ako at nagulat nang makita kong napakagulo ng klase. Tinignan ko ulit ang section. I-A. Tama, hindi ako nagkakamali, eto nga. Pero bakit napakagulo? May nagbabatuhan ng papel, nagtatakbuhan, nakikipag-usap, may kumakanta at sumasayaw.

Agad akong humanap ng bakanteng upuan, to my luck mayroon akong nahanap at agad naglakad. Hindi ko namalayan na biglang tumahimik ang klase at lahat nakatingin saakin.

"Annyeonghaseyo." Napabow nalang ako. Syempre di ko alam ang gagawin ko eh 

"Ohmygosh may bago tayong kaklase!" Sigaw naman nung petite na napakaputing babae at tumakbo sa akin.

"Ano pangalan mo?"

"Jae Yeon Kwon."

"Cool." She smirked at agad naman nya in-announce ito sa klase.

"Guys! We have a newbie. Jae Yeon Kwon. Isn't her name is cool!" Tawang tawa nyang sabi.

Baliw ba to o ano?

Napangiti nalang ako at napaupo sa upuan ko habang pinagmamasdan silang nagririot sa klase.

"Hindi na raw matutuloy ang klase."

"Huh?"

"Jinjja?"

"Waeyo?"

"I don't know. Lucky you, miss newbie."

Sabay tingin sa akin nang babae na may mahabang buhok at may bangs. Ilang minuto, agad namang tumunog ang bell.

Kinuha ko ang bag ko at lumabas ng room.

"Ah! Jae Yeon! Can we be friends?" Lumapit nanaman yung babae na nakipagusap sa akin kanina.

"Sure."

"Nice. I'm Jannah Choi." Pakilala nya while she offered a handshake. Syempre nakipagkamayan narin ako.

"I see transferee ka, saan ka galing? I mean, galing na bansa." Tanong nya.

"States." Ako.

"Oh, I see. What brings you here?"

"Ang kuya ko, pinauwi nya kasi ako dito." I stated. Isn't it awkward to tell someone a story na hindi ko naman masyado kilala?

"Kuya? Bakit kuya lang?"

"I seriously don't know who my parents are. Actually, hinahanap ko sila. Pero sadly, oppa won't let me to. Sad life eh?" Tawa kong sambit sa kanya. She giggles.

"Ano pangalan ng kuya mo? May I know?" She asked.

"Jiy------"

Babanggitin ko na sana ang pangalan ni kuya nang may tumawag kay Jannah. Lumingon naman sya sa kanila at nakipagkwentuhan saglit.

At dun ko palang naisip, muntikan na akong madulas! Hindi literal na dulas pero, muntikan ko na masabi ang pangalan ni kuya! Omg! Kapag nasabi ko yun, kakalat at masisira pangalan ni kuya. Thank the flowers hindi ko nasabi! Phew!

Napalingon naman si Jannah at nabaling ulit ang atensyon nya sa akin.

"So where are we? Sorry." Tanong nya.

Hindi. Hindi mo pwede sabihin ang pangalan ni Jiyong.

"It's okay." I smiled. Yes, naglalakad parin kami. Ngayon, papunta na ng main gate. Lunch break eh. Pauwi ako at pauwi narin sya.

"Ah, pangalan ng kuya mo. Hehe" Paalala nya ulit.

Better think of a good screen name Jae. "Timothy." I answered. Damn. Muntik na ako mabulol nun ah.

"Ow. Ang qtqt." Tawa nya. Syempre nakitawa narin ako.

Sa ngayon nasa main gate kami, naghihintay ng taxi. Hindi ako nainform na uulan pala. Buti nalang may dala akong payong so does Jannah.

Naghintay kami ng 5 minuto, hindi parin tumitila ang ulan. Kokonting estudyante lang umuwi. Siguro kasi doon narin sila sa school kumakain ng lunch.

I was playing with the teardrops nang may bumusenang kotse na nakaagaw ng pansin ko. Pumarada ito sa harapan namin mismo ni Jannah. 

Bumukas ang bintana sa shotgun seat. I tilt my head to see kung sino ito. To my surprise...

Si kuya!!!

Wearing shades!

Only shades! To hide his identity!

Damn it! Ano trip nito at sinundo ako dito?!!!!

"Jae Yeon? Is that your car? I think it is." Tinapik ni Jannah ang braso ko. Nanlalaki parin ang mata ko. Bat kasi nya ako sinundo rito?

Jannah tilted her head too. Pinigilan ko sya agad bago pa nya makita ang pagmumukha ni Jiyong.

"Ah. Oo eto na nga. I gotta go. See you later." Kumaway ako at agad pumasok sa kotse. Kinakabahan.

"You made new friends. How's your first day?" 

"Are you insane?! Ba't mo ako sinundo? I was planning to grab a taxi! Di ka manlang nagtetext? Baliw ka?!" Pagtatantrums ko.

Tinanggal lang ni kuya ang shades nya at tinarayan ako.

"Bakit tinetext ba kita? Hays. Ayaw mo nun? Bawas pamasahe! Wag ka ngang choosy!" Sigaw nya.

"Eh kung nakita ka ng iba?!" Protesta ko.

At agad syang tumahimik. Tumahimik ang buong sasakyan.

"I was just making sure that my dongsaeng should arrive home safe."

"I'm not a kid anymore, Jiyong." Ako.

"Oh yeah sure." Sya.

"Ah jinjja, next time kapag may plano ka namang sunduin ako, mag text ka. Don't you ever blame me if malaman ng ibang tao."

Hindi lang sya sumagot. Hindi ko alam kung ano ang naiisip nya. Baka magalit to. Pft. I am just a dongsaeng who is protecting his name. That's it. Nothing else. But burdened in search of my parents. It's been 19 years. Wala pa rin akong clue.

G-Dragon's Dongsaeng Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon