sibchil 십칠 || 17

200 10 0
                                    

"Jae. Lika, grocery shopping tayo." Aya ni Jiyong.

"Grocery shopping? Hindi pwede shopping nalang?"

"Masyado ka."

"Tska ba't ka andito sa unit ko?" Tanong ko habang kumukuha ng jacket. Medyo umuulan kasi sa labas at malamig.

"Bahay ko rin to. Ako bumili neto."

I rolled my eyes at him. Bumaba kami ang dumeretsong pumasok sa kotse nya. Medyo gutom narin kasi ako. Hihihi

Katapos ng ilang minuto nakarating din kami sa grocery. At umulan na. For pete's sake naman oh. Ayaw ata akong palabasin sa kotse na to.

I decided to get out kahit umuulan. At pag labas ko, chamba naman na lumakas ang ulan. Wow ha! Nang-aasar ba tong ulan? Di na nakakatuwa ah

Dali dali naman akong tumakbo papasok nang may humila sa kamay ko. Napalingon ako sa kanya. Medyo blurry paningin ko sa sobrang lakas ng ulan. Naka jacket syang black. Babae sya. Tinitignan nya ako straight to the eye.

"Nak?" Tanong nya sakin habang napapansin kong tumutulo luha nya.

T-teka.. Um-umma?..

Napansin kong nanginig ang buo kong katawan. Hindi ko maintindihan kung bakit ko ito nararamdaman.

"Eo-eomma?" Tanong ko sa babae. Hinawakan ko mukha nya kahit nanginginig ako. Sa takot ba to o sa kaba?

Agad ko namang naramdaman na may humila sa likuran ko.

"Jaeyeon! Let go of her!"

Rinig kong sigaw. Lumingon ako at nakita ko


si kuya.

"Kuya! Si e-eomma!" Pasigaw kong sambit. Hindi ko rin magawang bitawan ang babae. Eh baka kasi matagal tagal na panahon narin akong naghintay na hawakan ako ng eomma ko? Siguro ganon. Pero ngayon na hawak ko na sya hindi ko magawang bitawan kamay nya. Oo sabihin na natin di ako sigurado, pero what if naman sya na talaga umma ko?

"I said let go of her!"

For the second time hinila ako ni kuya. Ng malakas. At nagawa kong bitawan ang kamay ni eomma.

"What are you doing?! Si eomma!"

"Get in the car! Now!"

Utos nya. Halatang galit na galit sya. Why is he acting like this? Hindi ba dapat pati sya masaya din kasi nakita ko na ang hinahanap ko? Ang hinahanap ko para sa amin.

Sa sobrang hila sa akin ni kuya napapasok ako ng kotse.

"Kuya! Why are you acting like this?"

Hindi ko mapigilan ang pag iyak ko. Hindi lang sya sumagot at nagpaharurot ng kotse.

"For pete's sake Jaeyeon! Tinawag ka lang na anak nung babae naniwala ka naman agad? Fuck! Wala ka pang alam sa mga nangyayari!"

What? Anong walang alam sa mga nangyayari?

"Hindi ka ba naniniwala dun? Tinignan nya ako sa mata. Eye to eye kuya. Doon ko nafeel na parang sya talaga si eomma." 

"Paano mo malalaman na hindi mo nga sya nakita nung lumaki ka? Damn! Pumasok ka nalang sa loob."

Utos nya. Eh sa sobra na harurot nya di ko napansin na nasa bahay na nya pala kami.

Pumasok ako sa loob at agad dumiretso sa kusina para kumuha ng tubig.

"Sa susunod mag iingat ka sa kilos mo ah! Wag ka naman magpaka-tanga Jaeyeon!"

Mag paka-tanga? Ganun tingin nya sakin? Kasalan ko na ngayon? Ako lang naman tong naghahabol sa aruga ng isang ina at mga magulang.

"Alam mo, kung kasing tigas ng career mo yang puso mo, wala kang mapupuntahan! At hindi mo ako naiintindihan! Di mo ako masisisi kuya!" Sigaw ko.

"Talagang hindi! Iniwan tayo! Iniwan tayong dalawa Jaeyeon! Ako nag-alaga sayo, ako bumili ng gatas mo, ako nag palit ng diapers mo, ako nagpaaral sayo! Kung babalikan pa tayo nung bwesit na yon, mas gugustuhin ko pang mawalan ng magulang kesa bumalik yon sa buhay natin!"

Is this really him? Is this really Kwon Jiyong? Hindi ko alam na may galit pala syang tinatago. At tinawag nyang bwesit si eomma? Ba't sya ganyan umasta? Di ko talaga alam. Naguguluhan ako.

"Ako, ako na may kulang sa pagkatao ko, ako na hindi kumpleto kuya! You're lucky kasi nakasama mo sila! Pero ako? Hindi!"

"Lucky? Lucky ba yung pag gising sa umaga wala na sila, wala na ang mga damit nila, wala manlang silang iniwan na pagkain. Hinintay ko silang bumalik, pero di na sila bumalik. Lucky ba yon? Yun ba?!"

"Eh bakit ba kasi hindi mo nalang sabihin sa kin ang lahat? Ba't sa una palang di mo na sinabi? Hindi sana umabot sa ganito." At napatulo naman ulit ang mga luha ko.

Niyakap naman ako ni kuya.

"Pasensya na Jaeyeon. Hinihintay ko pa ang tamang oras. Tamang oras para sabihin ko sayo lahat lahat. I assure you, kapag nalaman mo, maiintindihan mo kung saan nanggagaling ang galit ko. Hindi muna ngayon pero maybe someday. You will find out. Don't worry. Malalaman mo at maiintindihan mo rin kung saan nanggagaling galit ko."

---

The heat is on! 🔥 enjoy reading! :)

G-Dragon's Dongsaeng Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon