Ang Pasimula
Ang Pasimula ay napakalaking katanungan sa lahat. Kung saan nga ba nagsimula ang Buhay, kung san ito nanggagaling o paano nagkaroon ng buhay.
Isa Ako sa mga nagtatanong tungkol dito.
Maraming daang taon na rin ang naglaon at maraming mga bihasa na rin sa ibat ibang larangan ang naghanap ng kasagutang patungkol dito ngunit wala niisa ang nakatuklas ng wastong kasagutan sa tanong na "Paano nagkaroon ng buhay?" dito ko na inilaan ang aking buhay sa tanong na ito gusto kong ako ang unang taong makakatuklas ng pinanggalingan ng buhay.
Nagtungo ako sa ibat ibang lugar para matuklasan ang ibat ibang lihim nito patungkol sa mundo. Sa bawat Tribo na aking mapuntahan ay may kaniya kanya silang pananaw patungkol dito. Ang iba ay nag sasabing ang mundo ay nag iisa lang sa lahat na ang mundo ay nabuo para lang sa tao at wala na. ang iba naman ay ang mundo raw ay nagsimula bilang isang patay na bato na nag lalaman ng mga maliliit na nilalang at nang di inaasahan mag kasalubong ang mga ito sila ay sumabog at hangang sa nagkaroon na nga ng mga bituwin at planeta.
Ngunit sa Lahat ng mga bagay o kuwentong ito. ako ay namangha sa isang Tribong aking na padparan ang HALAHAW.
Ang Halahaw ay isang Tribo sa dulong lupain ng Pa'lay na di agad-agad mapapasok ng mga ordinaryong tao. Sa bukana palang ng dalawang bundok na tila pinto sa kanilang tribo ay may mga nagbabantay na mga kalalakihang animo ay mga kawal ng kaharian. Nakapasok lang ako sa loob nito sa pamamagitan ng isa nilang katribo si Batuen. Dahil sa Halahaw na ito pinapasok ako ng mga bantay ngunit matapos akong makapasok sa loob ng kanilang balwarte di pa pala iyon ang daan patungo sa mismong tribo kinailangan pa naming magsusuot sa mga masusukal na kagubatan at pumasok sa isang napakadilim na kuweba. (pero may kutob ako na pinalayo lang talaga ni Batuen ang aming tinahak upang mailigaw ako at di ko matandaan ang daan patungo sa kanilang lugar.) nang naabot na naming ang tuktok na isang di kataasang bundok itinuro na sa akin ni Batuen ang kinalalagyan nang kanilang Tribo. Mula nga sa itaas makikita mo doon ang isang kulay dilaw na kubo iyon daw ang pangunahing tahanan kung saan naninirahan ang mga may katungkulan sa kanilang tribo.
Wala akong sinayang na oras. dali kaming bumaba at pumunta sa kanilang lugar at duon nga ay aking na kita ang entrada ng kanilang kaharian dito ay sinalubong kami ng mga kabataan at mga kababaihan na saakin ay mga namamangha sapagkat bago ako sa kanilang paningin. Dinala ako ni Batuen sa Pangunahing tahanan at pinakilala sa mga naruon. Nakilala ko ang kanilang Pungayan na ang katumbas sa atin ay ang Pinuno sya ay si Durungawen halos mag Iisang daang taon na siya ngunit kung titingnan ay nasa kabataan pa naman na may idad na Apatnapu. Naruon din ang kaniyang kabiak na si Malik na may kabataan pa rin kung tingnan.
Ang isa pa sa mga naruon bukod sa Punong pamilya ay ang Babalaon o ang katumbas nitong Babaylan. Ang Babalaon na si Yaong hamen (Hamen o Shia-man) ay tinuturing nilang mensahero ng maylalang kaya't sa kanya ako nagkainteres hindi naman ito tumangging ikuwento at sagutin ang aking mga tanong.
PAANO NAGKAROON NG BUHAY?
( lumakad siya at lumapit sa isang puno nagsalita siya ngunit may mga linguwahe akong hindi ko maintindihan kayat kinailangan pang isalin ito ni Batuen para sa akin )
"BUHAY.
Ang Buhay ay sadyang napaka misteryoso. Maraming pinagmulan ng buhay. Ang bata ay nagmula sa sinapupunan ng kaniyang ina na nagbigay sa kanya ng buhay katuwang ang asawa nito ganun din ang mga hayop. Ang puno naman ay nagmula sa isang buto na kumalat sa lupa at siyang tumubo dito dinaglaon ay lumakit namunga rin hangang sya ay magbigay ng panibagong buhay.
BINABASA MO ANG
The Guardians
FantasyLa guardia tara sa mundo nila at tuklasin ang mga lihim sa likod ng mga kababalaghan.