Ilma's story
Ako si Ilma ang Tungkong langit ng mga nilalang sa himpapawid iniatang sa akin ang tungkuling ito upang pamunuan ang aking pangkat. isa akong Piniks (Phoenix bird). iilan lang kami sa Gia, isa kami sa natatanging lilalang ni Bantala. kakaiba at nagliliwanag na parang Apoy ang kulay ng mga Piniks ngunit naiiba ako sa kanila pagkat ako ay may makulay na pakpak may kakayahan akong iguhit sa himpapawid ang aking kulay ang ibang nilalang ay tinatawag itong Arco iris ito nga daw ang sinasabing simbulo na ibinigay ng Gabay sa akin, Simbulo ng Pag-Asa.
Ang Gia ay isang Paraiso sa amin ngunit hindi namin alam kung bakit nga ba ang dalawang tinitingalang Tungkong langit at kanilang mga pangkat ay nagkagulo pati kaming ibang pangkat ay nagdamay sa kaguluhan, Ipinag bawal sa amin ng Gabay na magkaroon ng ugnayan sa mga Tao. matapos na ihiwalay ni Ibalon ang kanyang mga pangkat sa amin si Esmir na ang namuno sa lahat. si Esmir ang kababata ni Ibalon ngunit hindi ibig sabihin na lagi silang magkasama ay magkaugali na sila may kanya kanya silang karakter. Si Ibalon ay isang huwarang pinuno maaasahan at talagang madaling lapitan kaya hindi ako nagtaka nang siya ang pinili ng Gabay na maging kanyang kanang kamay ngunit dahil din siguro dito kaya nagkalamat ang samahan nilang dalawa. simula din nito nang nagkaroon ng mga rebeldeng nilalang sa pamumuno ni Ibalon bilang kanang kamay ni Mimayuga. may hinala ako na si Esmir rin ang nasa likod ng lahat ng iyon dahil gusto niyang mapatunayan at maangkin na mas magaling at kaya nyang maging kanang kamay rin ng Gabay sa kanyang pamamaraan, Di nga nagkamali si Esmir at madali niyang na paniwala ang kaibigan niya. Sa pamumuno ni Esmir pati ang pangkat ko ay naghirap nagdusa kaya't marami rin ang nagbago sa aming pangkat dito'y nahati rin ang aking pangkat sa maraming ibat ibang grupo may umanid sa mga rebelde may mga nagtago may mga nanatili sa aking pamumuno. talagang isang malaking kawalan ang pagkawala ni Ibalon sa amin kahit gusto na naming kausapin siya ay hindi namin magawang sumuway sa utos ng Gabay.
Mimayuga: Ilma nasaan ang iyong kakayahan? kumupas na ba ang taglay mong Arco Iris wala na ba ang Tungkong langit na aking napili? ha ha ha.... Ilma Ilma ..
Matapos akong kausapin ng Gabay ako ay lumipad at sa muling pagkakataon Ibinuka ko ang aking pakpak at muling ipinakita ang Arco iris sa lahat ng mga nilalang. naniniwala ako na may plano si Bantala sa amin naniniwala rin akong ang Gabay naming si Mimayuga ay hindi kami pababayaan.
Wagan's Story
Ako?? ah ako po si Wagan ang pinaka batang Tungkong langit ng Gabay. Isa akong KIAT ang Pinaka malaking uri ng nilalang sa karagatan dahil dito marami ang takot sa aming lahi. Lahi namin ang talagang kilala pag dating sa kaguluhan lahi namin ang iniiwasang makabangga ng ilang mga nilalang sa karagatan at ito ang dahilan kung bakit ko sinubukang maging Tungkong langit gusto kong baguhin ang tingin ng ibang nilalang sa amin at hindi nga po ako sumuko hanggang sa pinili nga ako ng Gabay upang maging Tungkong lanigt ng aking pangkat. tuwang tuwa ako sa pagpili sa akin ng Gabay dahil din dito nagbago nga ang tingin nila sa aming lahi. Iniatang din sa amin ang simbulo ng Kapayapaan. kapayapaan yan ang aming taglay na simbulo dahil sa aming laki at dating takot saamin ng ibang nilalang kami ay nirespeto nilang lahat at kami rin ang napili ng kanang kamay ng Gabay na magpanatili ng kapayapaan sa buong Gia
Sa pamumuno sa amin ni Ibalon ang Tunkong langit ng mga Tao itinuro nya sa akin kung ano at paano ipakalat at ipatupad ang kapayapaan sa buong Gia. PAGMAMAHAL ito ang itinuro niya sa akin at sa ibang mga nilalang.
Ibalon: Wagan tanawin mo ang buong Gia. Pakinggan mo silang lahat. damhim mo ang kamilang pagkakaiba-iba. ibat-ibang lahi ibat-ibang pangkat. maaaring marami ang hindi magkaunawaan maaaring marami ang magkasamaan ng loob magkakaalitan at mauuwi sa kaguluhan Wagan kayong dalawa ni Satu ang kailang unang nakaaalam kung ano nga ba ang Pinaka importanteng sangkap upang makamit ang kapayapaan..
BINABASA MO ANG
The Guardians
FantasyLa guardia tara sa mundo nila at tuklasin ang mga lihim sa likod ng mga kababalaghan.