THE UNTOLD
Sa simula’y puro mga malalaking bato lang ang nasa kalawakan, tahimik at walang ibang nilalang kaya’t binasag ni Bantala ang mga malalaking bato at hangang sa maging maliit na parang alikabok sa kanyang paningin at tinawag niya itong mga Bituwin. Namili sya ng mga Bituwin at ito’y kanyang binigyan ng buhay. Tubig, halaman, hayop sa lupa, hayop sa tubig, hayop sa himpapawid, tao at engkanto. Matapos ito siya ay nagpadala ng mga Gabay sa bawat Bituwin na kanyang na pili upang maging mata, tainga at bibig niya sa mga daing ng mga nilalang nya. Isa rito si Mimayuga ang pinadala ni Bantala sa Gia ( ang ating mundo ngayon) .
Sa Pamumuno ni Mimayuga sa nilalang ng Gia kanya itong pinagpangkat pangkat ayon sa kanilang uri. Ang sa lupa ay sa lupa ang sa himpapawid ay sa himpapawid at ang sa katubigan ay sa tubig. At sa bawat pangkat ay kanyang pinili ang bawat pinuno nito ang pinuno ng mga tao si Ibalon, sa mga Engkanto na si Esmir, sa Himpapawid na si Ilma, sa Kalupaan na si Satu at sa katubigan na si Wagan. sila ang hinirang ni Mimayuga upang maging Tungkong langit.
Si Ibalon ang naging pinaka malapit na tungkong langit kay Mimayuga. Mapayapa ang buong Gia ang lahat ay nagtuturingang magkakapatid dito ay maaaring makausap ng tao ang lahat ng hayop makalaro ang mga Engkanto sa mga nagdaang araw ay napansin ni Esmir na palaging si Ibalon ang pinapakingan ni Mimayuga tungkol sa pagaayos ng gulo sa buong Gia at di nga naglaon ay si Ibalon na rin ang naging kanangkamay ni Mimayuga, ganun din naman ang kanyang pangkat. Ang mga tao ang naging pinaka malakas o nakaaangat sa buong Gia ngunit dahil rin dito’y nagkaroon ng matinding ingit ang ibang mga nilalang sa kanila lalo na ang pangkat ni Esmir kaya’t may mga nagrebelde sa pamamalakad ni Ibalon. Sa pagkakataong ito’y hinanap ni ibalon ang kanyangpinaka matalik na kaibgang si Esmir upang humingi ng payo patungkol sa kaguluhan sa buong Gia at walang ibang na isip si Esmir kung di ihiwalay na ng tuluyan ang pangkat ng mga tao sa lahat ng ibang nilalang ang ibig sabihin ay ang tanggalin ang ugnayan ng mga tao sa ibang mga nilalang. Hindi man gusto ni Ibalon ang ediyang yon pero wala na syang ibang maisip na sulosyon para maibalik ang katahimikan sa Gia. At sa oras ding yon nagpunta na sya kay Mimayuga upang hilingin ang napag usapan nila ni Esmir. Sa unay hindi pumayag si Mimayuga ngunit dahil sa nakita niyang buo ang loob ni Ibalon kanya na itong pinagbigyan. Simula noon ay nahiwalay na ang tao sa ibang mga nilalang at naging mangmang sa tunay na mukha ng Gia.
BINABASA MO ANG
The Guardians
FantasyLa guardia tara sa mundo nila at tuklasin ang mga lihim sa likod ng mga kababalaghan.