Ito at marami pang ibang mga kwento ang lolo ko tunkol sa Gia at sa mga kakaibng nilalang na paulit ulit kinukwento sa akin at talaga naming kinagigiliwan ko. Madalas pa ngang magaway sina Papa at lolo dahil dito, Nadadala ko daw kasi ang mga ito pati sa pagtulog ko. Sa lawak ba naman kasi ng imagination ko parang kilala at nakita ko na ang mga tauhan sa kwento ni lolo lalong lalo na si Ibalon at ang iba pang mga Tungkong Langit. Minsan nga naiisip ko na sana ako ang Sugong hinahanap ng mga Utanawa at Babaylan pero hindi, ang kwento kasi sa akin ng lolo ang sugo ay makikilala lang sa kanyang marka at sa kasamaang palad wala ako noon.
Dumaan ang ilang taon 20 na ako at ang mga kwento ni lolo ay unti unti ko nang nakakalimutan. Minsan ay sumasagi pero din a katulad dati na akin tong pinaniniwalaan na tatawa na nga lang ako kapag naiisip ko ang mga ginagawa ko nung bata pa ako, paniwalang paniwala ako na may mga taong may kakayahang kausapin ang mga hayop, mga taong may kakaibang itsura at mga naglalakihang nilalang na may ibat- ibang parte ng hayop at kayang magsalita. Hay mga bata nga naman ang bilis maniwala sa mga kwento. Lahat ng kwento ni lolo ay puro katang isip lang at ang iba ay mga napapanuod niya sa mga amerikan movie si lolo talaga....
September 12. Nasa school ako "Library" nagbabasa ng isang novel book ng biglang nagring ang phone ko. Ring! Ring! Ring!!! Si Mama, bakit naman kaya ano naman kaya ang papabili niya?
"Hello Ma? Nasa library ako an.." hindi ko na natapos ang pagsasalita ko narinig ko si Mama na umiiyak. "Ma?" muli kong tanong sa kanya. "Ang Lolo mo.....hu hu hu ..... pumunta ka na lang sa hospital ngayon dali...." Hindi ko alam kung ano ang nanyari pero piñata ko na ang telepono ko at agad na tumakbo papunta sa hospital.
Nasa Ospital na ang lahat. "Ma, Pa! ano pong nanyari kay lolo? Ano maayos nab a siya?" sunod sunod na tanong ko sa kanila pero wala silang maisagot tahimik lang si Papa at si Mama naman ay pinapakalma ako. Lumabas ang Doktor sa kwarto ni Lolo at malungkot nyang ibinalita na hindi daw nila alam kung anong sakit ang dumapo sa kanya at pinag disisyon kami kung iuuwi na lang naming sya o ang pinaka masakit ay kung papa... papa....hindi ko alam kung angong salita ang pwede kong sabihin na hindi ganong kabigat para sa akin..... kung papalayain na papahingahin na naming si Lolo.
Humagulgol si Mama na pa mura naman si Papa. umalis muna ang Doktor upang hayaan kaming makapagpasya. Pumasok ako sa loob ng kwarto ni Lolo, hindi ko siya namukaan nagkaroon siya ng mga pasa sa katawan humihinga sya ngunit hindi nya na maigalaw ang kanyang mga kamay at paa. "Lo! Lo gising na" malumanay na tawag ko sa kanya "lo giding na, malapit na ang Birthday ko mag iinom pa tayo eh. Lo, Lo maggagala pa tayo pag natapos ko yung course ko diba." Mga salitang sinasambit ko habang tumutulo ang luha ko."Saka Lo! Gusto ko sana ulit marinig ang kwento ng Gia...... paano na lang yon hindi pa natin nakikita ang Sugo Lo di ba pangarap nyo yon?......Lo......!" na patungo na lang ako sa tabi niya. Pumasok na si Papa nakapagpasya na raw sila uuwi daw naming si Lolo susubukan kung may makakapag pagaling sa kanya.
Buwan na ang lumipas maraming mga Doktor na ang tumingin sa kanya ngunit walang nagtagumpay. Habang tumatagal parang lalong humuhirap ang kalagayan ni Lolo para na siyang buhay na bangkay unti unti siyang na aagnasat tagaang napakabaho na rin. Ayaw naman naming kami ang magpasya na sumuko na si Lolo kaya kahit ganon tuloy pa rin kami sa pag-aalaga sa kanya naka ilang tagapag-alaga na rin ang dumaan sa kanya. Hindi mga tumatagal kaya si Mama na ang nagpasyang mag-alaga sa kanya.
December 13, 10:34pm. Ilang araw bago ang kaarawan ko. "Ma ako na po muna ang magbabantay kay Lolo" sabi ko sa kanya at ibinigay naman niya ang unan umupo ako sa harap ni Lolo pinagmasdan ko siya di ko inaasahang tutulo ang luha ko.
Si Lolo ang nag-alaga sa akin, sa tabi niya ako natutulog tuwing wala ang mga magulang ko, siya ang nagturo sa akin at nagmulat tungkol sa mundo. Maraming ibat-ibang bakay kaming pinagsamahan tawanan,iyakan, asaran. Siya na ang long time bestfriend ko at ngayon eto siya isang matandang lalaking nakahiga sa kama at unti unting namwmalan ng pag-asa.
BINABASA MO ANG
The Guardians
FantasyLa guardia tara sa mundo nila at tuklasin ang mga lihim sa likod ng mga kababalaghan.