Pumasok na kami sa isang tila mamahaling restaurant " Seafoods " .Nauna na si Maki pumasok kaya' t dali dali ko syang hinila.
" Teka, Huwag dito.. " sabi ko.
" Hmm, bakit ? Ayaw mo ng pagkain dito?
" H-hindi, kasi.... kasi mahal dito, hindi kaya ng budget ko.. " nahihiya kong sabi. Alam ko naman may kaya ang lalaking ito pero sympre ako, hindi naman ako magpapalibre sa kaniya, anu ? Ayoko magkaroon ng utang ng loob sa kaniya.
" Tsk, Tara na nga,!! " bigla nya na akong hinila papasok at sinenyasan ang waiter na nag aabang sa amin.
" Table for two sir ??"
" Yes, .. "
SO wala na rin akong nagawa, kaya hinayaan ko na sya pati ang pagorder, tutal gutom na talaga ako, Sion wala ng hiya hiya kapag gutum sinasabi ko sa sarili ko.
" O-okey ka lang ba ?? " tinitigan nya na naman ako, naramdaman ko na naman ang pamumula ng aking pisngi. Hay, lahat ata ng kagandahang lalaki ay kinuha nya at binuhus sa kaniya ng langit.Dumating ang waiter at dala ang mga inorder ni Maki, puro seafood ito, isang alimango pagkalaki laki at ginataan hipon.
" Naku , mga favorite ko " kaya nagsimula na kaming kumain. Okey kapag kainan wala munang usapan. Galit galit muna, nilantakan ko na, wala ng tinidor at kutsara mahirap kase kumain ng seafoods ng naka spoon at fork. Habang busy ako sa.pagkain kanina pa pala na nakatingin saken ang mokong na ito, hay naku wala na akong pakielam sa kaniya. Gutum na ako...
" Mabuti naman at wala kang arte sa pagkain ?" Ngingiti itong nakatingin muli sa akin.
" Huh? Huwag sayangin ang biyaya, maraming tao ang nagugutum at walang makain. "
Sa wakas nakatapos din kami kumain at nagpatuloy sa biyahe hangang sa makarating na kami Lifechildren home. Sinalubong na ako ng mga labinlimang bata at kaniya kaniyang pagyakap sa akin
" Mama Sion!!!"
" Anu ba kayo mga bata ito parang hindi tayo nagkita ng matagal. Tara na sa loob " yaya ko sa mga bata. Ngunit natigil ang lahat ang pinakamaliit at pina cute sa lahat si Macey
" Papa!! Sya ba ang papa ko? " Bigla tumakbo ang batang two years old at yumakap kay Detective Maki.
Natatawa naman si binata at kinalong ang bata at biniro.. " Ako nga ang Papa Maki mo.. cute baby " sabi nito at inaya na ang lahat ng bata papasok sa loob ng home. Maaliwalas naman ang lugar may dalawang kwarto na may mga double deck na higaan at may mga bintana. May malaking salas ito na may mga mahabang upuan at lamesa. Sa tabi nito ay may kahon ng mga laruan. May maliit na kusina at may mahabang dulang para sa pagkain ng mga bata. Maganda ang lugar kung tutuisin kung ikukumpara sa mga dati nilang squatter na tirahan." Maganda ang inyong lugar. Maganda sa kalusugan ng nga bata" papuri ni Maki.
" Salamat, sa awa naman ng Diyos ay may patuloy na nagsupport sa home para matugunan ang mga pangangailangan ng mga bata.
" Sige kailangan ko ng umalis, hopefully okey ka na talaga iwan ko sayo ang aking number kung sakali may kailangan ka.
" Sige, salamat sa pagligtas, sa paghatid sa akin. Magingat ka sa biyahe "
" Sila magingat sa akin haha "
" Tsk, mayabang ka talaga!!"
" Papa Maki aalis ka na ? Tanung ni Macey
" Ah eh, oo di bale baby babalik ako"
" Pramis??"
" Promise!! "
" Wala ba akong goodbye kiss ?" Maktol nito. Kaya hinalikan ng binata ang bata sa pisngi. At aalis na tuluyan nito ng biglang pinigil sya ng bata.
" Si mama Sion dapat may goodbye kiss din !!"
Nagulat ako kay macey. At pinadilatan ko ang bruhong detective at magsasalita na sana ako ng bigla itong...
" Tsup!!"
"WAAHH!! Ninakawan ako ng halik. Bago.ko pa sya mahabol ay mabilis itong umalis agad.Lagot ka sa akin detective ka !!!!
Note: Salamat sa patuloy na suporta. Pasensya na po at medyo lame pa ang Ud pero need po kase sa story..
Thank u sa pag vote comment at pag follow ;-) :-)
BINABASA MO ANG
the DETECTIVE and I
RomanceI am Sion, pronounced Shawn, twenty seven year old, isa akong social worker and managing a Home or bahay ampunan. Maayos at simple lang na umiikot ang aking buhay, Nagaasikaso sa mga pang araw araw na needs bilang admin ng LIFECHILDREN pero dahil sa...