DANGER ZONE

1.4K 55 1
                                    

Nakalabas na kami ng ospital, mas naging mabuti ang aking pakiramdam lalo't alam ko na hindi ako pababayaan ni Maki.
" I have to be strong... " yun ang paulit-ulit kong usal sa sarili ko, not for me but for my baby. Hindi ito panahon para mag breakdown ako.
Maki was supportive and I am so grateful kase nandiyan siya at umalalay sa akin, hindi katulad noon. Mag-isa at malungkot, Ang pinaka-aasam kong kakampi ko ay hindi ako pinaniwalaan. Namuhay ako may takot at pangamba. Ngunit dahil sa pagkupkop sa akin ng orphanage ay nagkaroon ako ng pamilya at nagkaroon ako ng pag-asa. Ngayon magkakaroon ako ng sariling pamilya, hindi ko hahayaan ang takot at ang nakaraan ang muling manaig sa aking sarili.
Hindi biro ang magkaroon ng pangit na karanasan ng abuso. Lalo sa isang bata. Nakita ko ng iba't ibang klase ng abuso. Hindi lang yung usual na rape cases ngunit yung salita at mga pisikal na sakit, maging ang abandonment. Hindi makakaila na maraming kaso ng abuso ay nangagaling sa ibang tao ngunit mismong kadugo at sariling magulang nito.
Makalipas ng ilang buwan at tila napawi na ang aking pangamba, bumalik na muli ang usual na routine ng buhay ko. Kaya't napasyahan kong dumalaw sa orphanage. Na-miss ko na ang mga bata. Napasyahan kong magpunta ngayong araw at hindi na sinabi kay Maki. Ayokong mag-alala ito at ma-istorbo sa mga napakarami nitong inaasikaso sa trabaho. May operation sila ngayon. Isang sindikato ang matagal nilang na surveillance. At dahil nakakalap na sila na mas matibay na ebidensya ito na ang araw ng kanilang entrapment. Laging may kaba sa aking puso ngunit naintindihan ko ang nature ng trabaho ng aking magiging asawa. Ito ang kabuoan ng pagkatao nya.
Hindi umuwi si Maki kagabi kaya mas maaga ako umalis. Ang mga bodyguard naman ay kasama ko kaya kampante ako sa aking paglakad, naglagay na lang akong note sa bahay.
" Mahal, pasyal lang ako today sa home ha? Ingat ka. Do not worry kasama ko ang mga bodyguard mo.

Maki POV
" This is it! " usal ni Maki sa sarili. Napag-alaman nya ang likaw ng bituka ng tiyuhin ni Sion. Kasapi ito sa isang sindikato na mga nangunguha ng mga bata at ginagamit sa lahat ng klase ng kasamaan at itong pinaka huli ay ang pag-kuha sa mga bata at kinukuha ang mga vital organs para ibenta sa merkado. Nasa likod nito ang isang prestigious na sindikato na kasabwat ay mga doctor na pinagkakitaan ay pagbenta sa mga mayayaman na desperado sa pagsalba ng buhay ng kanilang pamilya na nangangailangan ng transplant. Ang sa pag lalim ng kanilang imbestigasyon. Si Sion ang puntirya nila dahil sa ampunan na hawak nito. My isang bata ang nakatakas na nanganganlong sa orphanage nila Sion. Si Safia 11 years old , ito pala ang hinahanap nila dahil na test na ang batang ito at sya ang ka match ng kidney ng mayaman kliyente ng sindikato. Nagpadala na siya ng
mga pulis na magbabantay sa orphanage. Si Sion naman. " Thank God! At nakakarecover nito sa trauma na naranasan nito sa amain." Matapos lang ito. Ako mismo ang nag prisinta sa operation na ito dahil una't involved ang aking mahal at hindi ako matatahimik if may naka-ambang panganib sa aking soon-to be wife.
" Let 's go men!!! "



Note : Hi thanks sa patuloy na pagbabasa malapit na po ito promise. Salamat sa mga nag votes at nag follow. Overwhelm po ako sa suporta ng mga reader. Isa rin akong reader kaya sobra g appreciated ko ang lahat. Sana patuloy po ang supporta nyo. God bless u
My fb account ako add nyo ako if you like ayiegrace WP

the DETECTIVE and ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon