Nagising ako masakit ang aking katawan. Naramdaman ko ang paginit ng pisngi ko dahil sa pagbalik ng alala sa nangyari kagabi. Its done. Wala na dapat pagsisihan. Mga adult na kami, alam na namin ang ginagawa namin. Wala na si Maki ng tumayo ako. Inayos ko ang aking sarili. Ayoko ng magisip dahil lalo lang ako ma stressed. Bumangon na ako at nakita ang binata nag aayus na aming kakainin. Tila hindi ito makatingin ng direkta sa akin. Pinagsisihan nya ba ??
"S-sion...I'm sorry.. " nagpigil ako ayokong makita nya na masyado akong affected. Ipapakita ko sa kaniya na hindi sya dapat mag alala. Baka feeling guilty lang sya lalo't virgin ako ng makaniig nya.
" please. Huwag ka ng mag sorry ginusto nating dalawa ito. It takes two to tango. Halika na kumain na tayo..". aya ko para maiba na lang ang aming usapan. Nagpatuloy lang kami sa aming pag lalakbay na tila kami nag trekking, masukal ang lugar lubhang napakalayo talaga sa kabishanan pero mas nagpapasalamat ako dahil hindi na kami naabutan ng mga kidnappers, kailangan lang namin makabalik at ma ireport ang lahat
" We need to go.. " aya ng binata. Nagmadali na kami mag ayus ng mga gamit. At sinimulan maglakbay. Masukal pa rin ang lugar. At napadaan din kami sa isang batis na may napakalamig na tubig. Kung sa ibang pagkakataon sobrang appreciated ko ang lugar na ito ngunit hindi nandoon ang pag aalala sa isip ko hangga't hindi kami nakakarating sa city proper. Mga tatlong oras na paglalakad, hindi kami masyadong nag uusap ng binata awkward feeling nandun sa amin. Mas mabuti na yun dahil hindi ko alam ang isasagot sa tanong nya. Ayokong pagusapan. Tapos na ang nangyari kagabi.
Sa wakas nakakita na kami ng ilang bahayan. Dali dali kaming lumapit at kinausap na binatang detektib ang magasawang tila mga magsasaka. Tumango tango ang mga ito. Ako naman ay naghintay sa hindi kalayuan na upuan sa ilalim ng isang puno. Napakasakit na kase ng aking paa. Kinawayan ako upang lumapit sa bahay. Tumayo ako at sa unang hakbang ko at bigla narinig ko ang putok. Narinig ko ang sigaw ni Maki tumakbo ako patungo sa kaniya. Nakita ko ang takot sa kaniyang mukha. Yumakap sya sakin at duon ko napagtanto tinamaan pala ako. Shock siguro kaya hindi ko agad namalayan. Dugo.. Dugo sa may bandang balikat ko.
" S-Sion.., Oh my God.." Namutmutla anas ni Maki. Hindi ko na alam ang sumunod ng nangyari dahil sa pagdilim ng paligid.Note :
Salamat sa pagbabasa pag vote and sa pag hihintay ng update pasensya na at now lang nakapagupdate medyo maikli pa. Advance Merry Christmas sainyo lahat. Spend your holiday with your families and friends. And sympre be thankful sa dahilan ng Pasko. Si God. God bless u all
BINABASA MO ANG
the DETECTIVE and I
RomanceI am Sion, pronounced Shawn, twenty seven year old, isa akong social worker and managing a Home or bahay ampunan. Maayos at simple lang na umiikot ang aking buhay, Nagaasikaso sa mga pang araw araw na needs bilang admin ng LIFECHILDREN pero dahil sa...