Pagkatapos ng ilang buwan halos makalimutan ko na ang mga nangyari, hindi naman nag paramdam ang binatang detective. Naiayos ko na rin yun mga papel ng ampunan dahil yung isang assistant ko na ang pinalakad ng mga papers. Ngunit sa pagkuha ng permit ay ako na dapat ang siyang personal na kukuha. Kaya pagkatapos ng ilang buwan pamamalagi sa home ay ngayon na lang muli ako luluwas. Hinatid ako ng isa sa mga supporters ng home na dumalaw ng araw na yun. Si Mr. Tony and Mrs. Leila Dominguez. Isa sa pinaka kilalang mayaman sa aming lugar.
" Salamat po at makasabay na lang sainyo.. "
"Naku walang anuman yun. Paluwas lang naman talaga kami. " Ngumiti sa akin si Mrs Leila nasa unahan sya at si Mr Tony naman ang nag drive. Maaga kami umalis. Doon kase sila nag overnight para maka bonding ang mga bata. Walang anak ang mga ito. Dahil natanggalan na ng matris si Mrs.Leila dahil sa myoma. At dahil ayaw naman nilang mag ampon ay ibinuhos na lang nila ang pag supporta sa mga ampunan katulad sa lifechildren homes.
Nakaka limang minuto palang sila sa biyahe at masukal pa ang daan ng may pamilyar na sasakyan akong nakita. Tila nasiraan. Ngunit halos lumuwa ang mata ko ng makita ko si Detective Maki. Pinakiusapan ko huminto muna kami. At pumayag naman ang mag asawa.
" Detective !! " tawag ko. Nakita ko ang biglang pagsilay ng ngiti ng binata.
" Miss Cute!! Haha" sabay kindat nito. Sumimangot ako.
" Anung nangyari ? Saan ka ba pupunta? Nasiraan ka ba ?" Sunud sunod na tanong ko.
" Hep, isa isa lang Miss, yes, nasiraan ako, actually pupunta ako sayo dahil kailangan ko ng ilang reports mula duon sa insidente sa munisipyo. Kaya buti na lang ay naabutan kita. Pwede ba sumabay na lang ako at saka ko na lang pag pick up itong sasakyan ko " paliwanag nya.
" Ayus lang Sir" sumagot si Mr Dominguez kaya't sumakay na ang binata. Tahimik.kami sa loob. Dahil maaga pa nga. Halos ma.idlip na ako. Pero naririnig ko nag simulang mag kwentuhan ang mag asawang Dominguez kay Detective Maki.
" Salamat po sa pagpapasakay sa akin" ani nito
" Walang anuman sir, buti nga at nasalubong ka namin, mahirap makakuha ng sasakyan duon. At saka paluwas din talaga kami. "
" Salamat po talaga. "
Tahimik ang mga sumunod na oras. At naramdaman ko tumigil ang sasakyan. Nakatulog kase ako at si detective nakita ko naka idlip din. Sumenyas sa akin si Mr. Dominguez.
" Saglit lang. SIon, baba lang kami saglit ni Mrs. May kukunin lang kami dito saglit. Hindi ko na papatayin ang sasakyan ha "
" Sige po.. " bulong ko, natutulog kase ang katabi ko, mataman ko syang tinignan mukhang pagud din ito, well what do you expect police officer/detective marami siguro kaso hinawakan. Nanunuyo ang lalamunan ko kaya ng makita ko may candy sa dashboard ng car, umurong ako sa aking kinauupuan at inabot ang candy na biglang bumukas ang pintuan ng driver seat. Akala ko si Mr. Dominguez na pero isang lalaking nakabonnet at may hawak na baril at tinututok sa akin. Hindi ako makagalaw sa sobrang takot at shock, sobra na ako na trauma sa ganitong eksena ng ma hostage ako. Binuksan ng lalaki yung mga lock ng pinto at bumukas ang mga pintuan at nagsipasok ang ilang pang lalaki may mga takip sa mukha at may mga hawak na baril. Tinapik ko ng malakas si Detective. Wala itong kaalam alam sa nangyayari. Pupungas pungas pa itong nagmulat pero lumaki rin ang mata sa nakita nya. Instinct bilang isang alagad ng batas, nakita ko ang pagkapa sa armas nya pero bago pa sya nakakilos ay nakita ko pagpukpok ng baril sa ulo nito
" Maki !!!" Napasigaw ako sa takot. Ang lalaki naman sa likod ko at tinapalan ako ng panyo sa mukha at naka amoy ng tila gamot at naramdaman ko ang pag dilim ng aking mata.
" oh my God, "Note : salamat sa.pagbabasa at pagsubaybay...ulitin ko po. Sobra appreciate ko ang nag vote nag basa even comment at follow. Isa lang po amateur ito..
BINABASA MO ANG
the DETECTIVE and I
RomanceI am Sion, pronounced Shawn, twenty seven year old, isa akong social worker and managing a Home or bahay ampunan. Maayos at simple lang na umiikot ang aking buhay, Nagaasikaso sa mga pang araw araw na needs bilang admin ng LIFECHILDREN pero dahil sa...