END

1.6K 59 14
                                    

TINAKPAN nila ng piring ang aming mga mata. Isang oras yata kami bumiyahe ngunit hindi ko sigurado dahil sa kaba at takot para sa buhay namin ni Safiya at ang baby namin ni Maki. Alam ko hindi kami pababayaan ng Dios. Kailanman hindi nagtatagumpay ang mga masama. Kailangan ko lang magtiwala at magdasal. At sa wakas, inialis nila ang takip sa aking mata, nagulat ako sa taong bumungad sa aking paningin. Si Tiyo Berto! Isa siya sa mga sindikato!
" Sion " ngumisi ito. Hindi ko na makapa ang sobrang takot ko sa lalaking ito. Siguro ay dahil may mga mahal ako sa buhay na kailangan ko protektahan. Tinignan ko siya ng matalim.
" Hindi ko akalain magtatagpo pa ang landas natin ngunit mukhang sa aking kamay ka talaga babagsak. "
" Hindi ikaw ang may hawak ng buhay ko Tiyo Berto! Ililigtas ako ni Maki! "
" Alin? Ang asawa mo pulis ? Ha!ha! Tatanga tanga nga sila hindi nila alam na itong ampunan ang target namin, gumamit lang kami ng decoy. Kaya ayun maghanap sila at kung matunton naman nila huli na ang lahat dahil magiging malamig ka ng bangkay."
" Kailangan man ang masasama ay hindi nagtatagumpay! " Matapang kong sabi. Hindi na ako magiging mahina.
" Ah, mas maganda nga makarating ang pulis patola na yun para sabay sabay na kayo ilibing ! "
Bigla tumunog ang cellphone nito at bigla umalis.
Naramdaman ko ang takot lalo sa aking dinadala at ang batang si Safiya ano ang mangyayari sa amin kung hindi darating sa tamang oras ang mga pulis. Taimtim akong nanalangin para sa kaligtasan namin. Habang patuloy akong naiiyak sa aming kalagayan ay may narinig akong biglang putukan ng baril.
" Sa wakas, maliligtas na kami, Safiya lakasan mo loob mo nandiyan na ang mga magliligtas sa atin. Naghintay kami na may dumating sa amin pinagkukulungan. Mas lalong lumakas ang putukan sa paligid kaya nagsumiksik kami ni Safiya sa isang gilid ng kwarto. Maya maya pa ang biglang lumabas si Maki at mga kasama nitong pulis.
" Maki!!! "
" Sion!!!" panabay kaming nagsalita at nagyakap. Sobra ang aking pasasalamat dahil akala ko ay hindi na kami magkikita. Halos ayaw na namin naghiwalay paglabas ng lugar na yon. Si Safiya naman ay halos umiyak din sa tuwa dahil sa pagkakaligtas sa amin.
Isa isang lumabas at nakaposas ang mga kasama sa sindikato. Nakita ko si tiyo Berto nakangisi pa rin. Dumaan ito sa kinauupuan namin.
" Sion, Hindi pa tayo tapos..."
" Wala ka ng magagawa sa amin, hindi na ako takot sayo tiyo berto. Mabubulok ka na sa bilangguan. Ngumisi muli ang taong walang halang ang kaluluwa at bigla nitong inagaw ang baril ng katabi nitong pulis at tinutok sa akin. Halos lahat at nagulat maging si Maki. Ngunit hindi ko inaasahan ang ginawa ni Maki. Dahil sa protective instinct nito ay bigla nya akong niyakap at narinig ang dalawang putok ng baril.
" Maki?!!!!" Sigaw ko. Doon lang nagkaroon ng kilos ang mga nagulat na pulis. Nabaril nila si Tiyo berto. Pero unti unti ko naramdaman ang higpit ng yakap ni Maki. Dugo, napakadaming dugo.
" Mahal na mahal kita Sion, I -Ingatan mo ang sarili mo " at pinikit nito ang kaniyang mga mata at tuluyan na bumagsak.
" Noooo!!!!"

the DETECTIVE and ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon