#2 548 Heartbeats

387 3 2
                                    

Isa ‘to sa mga unang stories na nabasa ko. Hindi pa nga ako aware sa Wattpad nung panahong ‘yun e. May nagsabi lang sa’kin ng tungkol dito then dinownload ko na sa Google. So eto na nga.

Buhay high school na light at walang arte. Eto ‘yun.

Simple yung story pero maganda. Para bang ikaw mismo kikiligin ka and you’ll just find yourself smiling while reading the part na kinikilig si Xei kasi nakita nya si Kyle.

Dugdug.

Sa pagkakaalam ko kasi, based ang story na ‘to sa reality kaya talagang dinama ko ‘to habang binabasa. Dito kase, kahit pinagsisigawan na ng buong mundo na “OO! KAYO NA! MAHAL NYO NA ISA’T ISA!” Parang hindi pa rin enough kase taken si kuya at palihim na nagmamahal si ate. Ikaw mismo maguguluhan ka kasi unpredictable yung characters. One moment nagpapakita sya ng motive then biglang wala. Parang enebe be telege kuya?

Gusto ko yung writing style ni Peachxvision aka Jessamine aka Ate Peach. Kahit formal, hindi nasira yung kwento. Natural pa rin yung dating. Though may times na predictable yung ibang scene, kikiligin ka pa rin kapag nandun na sa mismong revelation, masasaktan ka pa rin kapag nasa drama-slash-iyakan moments na.

Yung characters, simple pero hanep. Parang minsan sana ako na lang si Xei na maganda ang boses at ang mga mata. Haha. Bilib ako sa pagkakagawa ng characters lalo na dun sa background ng pinsan ni Xei, na nakalimutan ko na ang name, na hindi na virgin. Lol. Sorry about that pero nagustuhan ko ‘yun, it only shows na maraming pwedeng maging personality ang isang character, hindi lang yung porket kontrabida sya e eto na, mayaman, maganda, malandi tapos okay na dun. Hindi e, dito kahit good girl si Xei ay may friend pa rin syang Marj na ex ng lahat. Pati syempre, si Kyle. Alam mo yung lalaking nakakainis pero nakakakilig? Sya ‘yun e. Para bang yung character nya e nandyan para mang-asar ng reader at the same time, kumumpleto ng araw mo.

Gusto ko yung plot nito kahit walang masyadong twists. Nakakarelax sya basahin pero talagang ‘pag kinilig ako dito parang nililindol yung laptop ko. Haha. Yung ending nito, iniyakan ko na talaga. Hindi kasi talaga mawawala dito yung mga kanta and talagang naaamaze ako kung pano nagfifit yung song sa bawat scene. Yung iba kasi parang trying hard or minsan may mailagay lang na kanta. Pero dito, parang galing talaga sa puso nung mismong character.

What I like most in this story ay yung narration. Ang ganda kasi ng pagkakadescribe ng bawat eksena na feeling ko napapanood ko mismo yung nangyayari. May mga story kasi na sagana lang sa dialogue, pero kulang sa narration. Dito, kahit puro narration, di ka mabobore kasi dun ka pa mas kikiligin at dun mo mas maaappreciate yung moment.

548 to this story.

Reviews & ThoughtsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon