#3 How To Dethrone A Prince & Breaking The Gem

353 1 3
                                    

Kilig story ba kamo? Eto basahin mo. From the super-duper-merga-hyper lupet na imagination ni miss BlackLily, here’s How To Dethrone A Prince and Breaking the Gem.

Eto yung story na napa-wow talaga ‘ko nung binasa ko. Na-encounter ko kasi ang story na ‘to nung mga panahong ang nababasa ko pa lang ay yung typical boy-meets-girl-and-they-fall-in-love chorva, mga stories na predictable ang kilig moments, parang PBB teens pa lang kumbaga. Kaya naman nung sinuggest ‘to sa’kin ni friend, title pa lang nacurious na ‘ko. Ang pumasok agad sa isip ko ay kaharian na tipong Aladdin and Jasmine ang peg. Pero hindi naman pala.

Modern day ang setting at nasa college na ang pareho nating bida. Puro high school themed pa naman yung mga nauna kong binasa kaya bago sa’kin yung dating. Akala ko nung una boring kase isa ‘ko sa mga naniniwalang high school life ang pinakamasayang part ng buhay ng tao. But I was proven wrong by this story.

Hanga ako sa character ni Era, yung pagiging b*tch nya at yung trip nyang pangaasar kay Enzo. Ang strong ng personality nya at isa talaga sya sa mga tinitingala (naks!) kong female characters. Sa lahat ng ginawa nya, natuwa ako at kinilig. Yung simpleng pagsosorry nya lang kay Enzo sa pamamagitan ng pagtutulug-tulugan, ikinahagalpak ko ng tawa. Lalo na yung pagsayaw nya ng Bad Romance sa bar. Most of all, ay yung decision nya sa ending ng book 1.

Kay Enzo naman, grabe. Define ‘kilig’. Ang astig ng personality nya, strong pero may chilidish side. Ang cute nya kapag naiinis sya dahil kay Era lalo na dun sa ‘Panginoon-Alipin’ thing nila. Ewan ko pero sobrang kinikilig ako na tipong napapasigaw ako minsan sa kwarto habang binabasa yung mga part nila.

Gusto ko yung writing style ni miss author, hindi ganung ka-formal at lalong hindi jeje. Hindi sagana sa spaces at sa mga exclamation points. Kumbaga, hindi nakakairitang basahin. Sakto lang, sakto lang para madama mo yung flow ng kwento.

Nung natapos ko ang HTDAP, di pa ‘ko aware na may Breaking the Gem palang kasunod ‘yun so nagmistula akong namatayan. Sabi ko pa, never na ‘kong magbabasa ng mga stories kase naiwanan akong bitin at stuck pa rin sa sakit na dinulot nung ending. Kaya naman nung sinabi ni friend na may book 2 pa pala, agad akong nagmakaawa kay mama na loadan yung tattoo ko at hinanap ko agad sa Wattpad. Tinapos ko yung story in just one sitting at na-satisfy ako sa ending. Actually, okay na sa’kin kung tinapos yung story sa line na “Truly, our hearts beat as one.” Feeling ko ‘pag dun kase pinutol ‘yun, nandun yung bitin feeling at the same time yung satisfaction. Pero since may kasunod pa ‘yun, medyo di ko na na-feel yung last moment pero atleast nalaman kong masaya sila.

Overall, ang story na ‘to ay pwedeng pang-TV. Seryoso. Ang cute kase nung love team, ang kwela nila at ang mature ng dating ng story. Pag may kissing scene sila, aba’y talaga namang nahu-hook ako magbasa. Chos! Enzo and Era’s love team is one of the best love teams na kayang magpakilig ng kahit sino.

Para sa’kin, nakakainlove ang story na ‘to and at the same time, nakakadurog ng puso.

Reviews & ThoughtsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon