#8 What Lies Beneath by Kattcupcakes

167 2 1
                                    

Isa ‘to sa mga stories na masasabi kong ang professional ng pagkakasulat. Realistic? Check. Unique? Check. Enjoy basahin? Nakakathrill? Nakakakilig? Check, check and check. Halos perfect na nga ang story na ‘to e.

Ang ganda ng pagkakasulat at halatang matalino ang writer nito- si ate Katt. Alam mo yung para kang nanonood ng series? Yung flow ng kento nito parang pwede nang i-level sa mga American series like Gossip Girl, Pretty Little Liars, etc.

The story itself, wow talaga. Ang comment lang ng friend ko ay yung pagdating sa mga story ng ibang characters. Gusto nya kasi kwento lang mismo ng bidang si Trina. Pero para sa’kin hindi e. Mas nakumpleto nga yung takbo ng kwento dahil sa mga twists na dala ng iba’t ibang characters. Ang ganda ng pagkaka-connect ng bawat kwento nila. Parang sa reality, laging may consequence yung bawat pangyayare in a sense na malaki yung magiging effect nito sa buhay ng ibang tao.

The best yung masquerade. Super duper mega hyper kilig ako dun. Darcy and Bennet. Naimagine ko yung mismong scene at pinilit kong maging detailed talaga ‘yun sa isip ko. Though nabitin ako dun sa pinili nilang hindi muna magpakilala sa isa’t isa, okay lang. Mas lalong naging exciting yung kwento nila.

Yung characters dito, hands down. Napaka-real nila. Ang astig ng mga personalities nila at ang tatalino nila. Parang dahil sakanila, nainspire akong mag-aral nang mabuti. Favorite ko sina Trina(of course), Duke(mahal ko sya), at si Jewel. Yes. Si Jewel. Napaka-effective nyang kontrabida. Ang sarap nyang sakalin at sabunutan. But at the same time, naawa din ako sakanya. See? Ang galing lang kasi dito na-state talaga yung reason kung bakit ganun yung isang character. Hindi yung basta b1tch lang sila dahil yun ang role nila sa buhay ng mga bida. Nabigyan sila ng justice at kahit naiinis ka na, di mo pa rin maiiwasang i-consider yung background nila.

Sa love triangle, Truke shipper ako pero minsan nagwewaver yung support ko sakanila at parang gusto kong magpaka-Triguel. Iba pa rin kase talaga ang dating ‘pag love story ng mag-best friend e. At ang galing ni author dahil pinakita nya kung gaano ka-solid yung friendship nila Trina at Miguel.

Ang alam ko hindi natapos ang book 2 nito? At oo nga, medyo mabibitin ka kung book 1 lang ang mababasa mo. Pero masasabi kong worth it naman yung oras na gugugulin mo ‘pag biansa mo ‘to. Hindi kasi ‘to basta story lang na tungkol sa love e. About sya sa life. Nami-mirror talaga ang realidad.

Kung nabasa nyo yung mga nauna kong reviews, halos lahat e pino-point out ko yung pagiging realistic nung kwento. Oo nga’t Wattpad is a place for fiction pero kahit na, does it mean basta-basta na lang tayo gagawa ng kwentong parang wala namang substance? Yung parang hindi man lang pinagisipan? Yung walang ibang tinuro kundi ‘Life is all about love and kalandian’? Well, to each his own pa rin naman. Haha.

So balik tayo, What Lies Beneath. Basahin mo ‘to kung feel mo yung story na para kang nanonood ng TV, yung story na halatang pinagisipan, yung hindi gasgas. Eto ‘yun.

Reviews & ThoughtsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon