"May crush pala siya eh. Crush niya si Rome. Paano na yan? Susuko na ba ako? Maglalaslas na ba ako? Magpapatiwakal na ako?"
Sabi ko kay Jane nung habang kumakain kami.
"Whaaaat? Aba teh, mahirap iconvert sa lalaki kung ganyan na may crush siya. Kailangan pa natin ng konting push."
At mukhang nag-iisip na naman ng bagong plano tong si Jane.
"Hoy, ayos-ayusin mo yang iniisip mong plano ha?"
Pagbabanta ko.
"Oo. Wag kang mag-alala. Pero yang pananamit mo, i-adapt mo na yan ha? Mas bagay mo eh. Mas bagay mo ang feminine. Tsaka malay mo, baka nagagandahan talaga si Fafa Nate mo dyan sa ayos mo ngayon."
Dahil sa sinabi niya, tsaka ko lang naalala na naka-pambabaeng ayos pala ako.
Naging comfortable naman ako so okay na rin kung ipagpapatuloy ko to.
"Ano kaya kung maging clingy ka sakanya? Tutal, BFF naman kayo dibuuh?"
Sabi ulit ni Jane.
Napangiti naman ako ng malaki dahil sa sinabi niya.
Clingy? Sure. Libre tsansing kay Fafa Nate. Ahihihi.
"Susss. No sweat needed. Ahihihi."
At nagtawanan kami ni Jane.
~~
Pumasok ako sa klase namin na naka-dress. Yung longsleeeves na peterpan collar dress. Naka-knee socks naman ako tsaka black shoes. Pero hindi yung shoes as in parang school shoes. Yung parang boots, ganun. KPop style.
Bigla namang lumapit sakin si Rome.
"Hi Aisel. Mas lalo ka yatang gumaganda ah."
Sabi niya.
"Wag ka ngang ganyan. Wala akong panlibre sayo."
At nagtawanan kaming dalawa.
Natigilan nalang kami nung may biglang padabog na nag-open sa door.
Pagtingin ko, si Nate.
Halaaaa. Crush niya pala si Rome. Nagseselos siya for sure. Ang sama ng tingin eh.
"Anong problema nun?"
Tanong ni Rome.
"Baka bad mood. Sige ha?"
Sabi ko tsaka ako umupo sa tabi ni Nate.
"Nagseselos ka ba?"
Tanong ko kay Nate. Hindi siya sumagot.
"Uyy."
Pangungulit ko. Wala, no effect parin.
"Nate naman. Walang pansinan talaga?"
"Uyyy."
"Hindi ako titigil sa pangungulit sayo."
"Papansin na yan. Papansin na yan."
"Naaaaaate."
"Doon ka sa Rome mo. Tutal, mukhang masaya naman kayo. Nagtatawanan pa nga kayo eh. Tss."
Hindi ko alam kung matatawa ako or ano.
At kung hindi ko lang sana alam na bading tong si Nate at na crush niya si Rome, iisipin kong may gusto siya sakin eh.
Mukha kasing nagseselos siya dahil kay Rome at hindi yung nagseselos siya dahil sakin. Gets niyo yun? Bastaaaa. Hahaha.
Pero soon. Magiging akin ka rin Nate. Wahahaha.
"Anong nginingiti-ngiti mo dyan?"
Pasupladong tanong ni Nate.
Hindi ko namalayan na napangiti na pala ako dahil sa pinag-iisip ko.
"Wala naman. May naisip lang ako."
Sagot ko naman habang nakangiti ng malaki. Ayokong sabihin sakanya yung naisip ko. Hahaha.
Sinamaan nalang ako ng tingin ni Nate tsaka niya sinuot yung head set niya.
"Nate, johahae."
Pabulong kong sabi.
Alam ko naman kasing hindi niya maririnig kasi nakikinig na siya ng music at alam kong hindi naman niya alam ang ibig sabihin nun eh.
Maya-maya, biglang pumasok si Jane.
"AISEEEEEEEL! O to the M to the G! UWAAAAAAAAAAAAAAAAH!"
Huh? Anong meron?
BINABASA MO ANG
OMG (ChanDara)
HumorOMG. Hindi ko aakalain na ang gwapo at hot kong crush na isnabero ay isa palang gay. OMG talaga. Oh My Gay.