//1

132 3 0
                                    

"OMG, look at Nate. Ang gwapo gwapo niya diba? Matangkad, maputi, hot, gwapo. Gusto ko nalang kumanta ng nasayo na ang lahat."

Sambit ko habang pinagnanasaan, I mean, pinagmamasdan si Nate.


"Too much, it's Nate, your love. That is overdose."

Pakanta namang sabi ni Jane sakin.


"Naoverdose ka na naman ng Nate vitamins mo. Wag mo namang masyadong titigan."

Dagdag pang sabi niya.


"I don't care eh eh eh eh -are."

Pakanta ko din namang sabi.


"Hanggang titig na nga lang ako eh. Eto naman, pakontrabida pa. Tss."


"Eh kasi naman, ang daming ibang lalake dyan. Bakit sa halos pipi at isnabero ka pa sobrang nabaliw?"


"Love is blind!"

Mabilis kong sinabi kahit na wala naman talagang connect yun.


"Hayy. Ewan ko sayo."

Bumuntong hininga pa si Jane as a sign of defeat.


Kasi kahit ano pa talagang pilit niyang gawin, hinding hindi magbabago ang pagtingin ko kay Nate my lovess. Kahit isang Adonis pa siya sa gay bars, tanggap ko padin siya.


Saktong nagring yung bell. Pumasok na yung instructor namin.


"Okay class. We will have an activity today."

Sabi ng instructor namin. Halos naghiyawan ang lahat at kabilang na ako dun, Nakakabore kasi ang puro discussion.


"You will be working in pairs."

Dagdag na sabi nito.


OMG. Sana si Nate ang kagroup ko. Cross fingers, cross legs, Cross Sandford. Charaught. Siningit ko talaga si Cross Sandford no? Ate Denny, minention ko lang po yung gwapo niyong character. Wag niyo sana akong kasuhan ng plagiarism o kung ano pang kaso na pwedeng ikaso sakin. Huhuhu.


So ayun nga.

"Ms. Tagorda, your partner will be ..

*drum rolls*

*churva epek epek* 

.. Mr. Rivera."


YES!

Literal na tumalon yung puso ko sa sobrang tuwa. Meant to be na itey! OMG.


Tapos minention pa ni sir yung iba pang magkakagroups.


"Go to your partners now."

Sabi ni sir.


"OMG bes. I'm so lucky."

Bulong ko naman kay Jane bago ako umalis at sumugod kay Fafa Nate. Ahihihi.


"Hi."

Sobrang lively kong bati sa sobrang gwapo kong partner. Hihihi.


Pero kahit na tinignan niya lang ako, keleg much na ako dun. Atleast dumapo yung tingin niya sakin diba? Hihihi.


"Para mas madali yung gawain natin, hahatiin nalang natin sa dalawa. One to ten sayo, eleven to twenty sakin. Pag tapos mo na, tsaka mo lang ako kausapin."

KYAAAAAH! Ang husky ng boses niya. Boses palang, ulam na. Jusko. At infairness, ang haba nung sinabi niya sakin. Mygoshhh.


"Sige."

Ngumiti ako sakanya pero tinalikuran na niya ako at nagsimula na siyang sumagot.


Dahil sa medyo nilulubos ko na ang pagkakataong ito.


"Nate."

Pagtatawag ko sakanya.


Nakakunot ang noo niyang tumingin sakin.


"Hindi ko magets tong number five eh."

Sabi ko kahit na alam na alam ko naman talaga ito. Derivative palang naman kasi. Calculus class pala to. BS Math siya samantalang BS Physics naman ako. Meant to be diba? Hihihi.


"Ang dali lang niyang. Product rule tapos magchechain rule ka."

Sabi niya sakin. And again, pinagnasaan ko yung boses niya for mga two seconds lang naman. Ahihihi.


"Okay. Kamsaaa~"

Sabi ko. Medyo feel ko ang mag-Korean. Hihihi. Ganun talaga ako pag inspired at sobrang saya.


"Anong kama ang pinagsasabi mo dyan?"

Tumaas konti yung boses niya.


Bigla akong napatawa sa sinabi niya. HAHAHAHAHA. As in laugh HARD talaga. AHAHAHA.


"Hindi kama. Kamsa ang sinabi ko. Thank you yun sa Korean."

Pagpapaliwanag ko.


"Ganun ba yun. Sige, ipagpatuloy na natin ang pagsosolve. Sayang ang oras."

At tinalikuran na niya ulit ako.


Natapos na naming sagutan yung mga items. Nag-exchange kami para icorrect ang answers ng bawat isa.


"Okay, please pass your papers so you can already leave."

Sabi na ni sir.


Pinasa na namin ni Nate yung amin.


At bago kami lumabas sa room,

"Nate, ang gwapo mo."

At tumakbo na ako papalabas ng room.



OMG (ChanDara)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon