//9

41 4 0
                                    

Maaga kaming pumunta sa MOA Arena para bumili ng tickets. At kahit maaga kami, may mga mas maaga parin samin.

Siguro around 50 people ang nauna samin sa pila.


Kasama ko ngayon si Rome at Jane.


"Ohmygosh. Sana hindi tayo maubusan ng VIP tickets."

Sabi ni Jane.


"Kaya nga eh. Sayang naman lahat ng effort natin kung hindi rin naman tayo makaka-avail ng VIP ticket."

Sabi ko naman.


"Wag kayong nega. I'm sure we'll get VIP tix."

At nagpapaka-optimistic naman daw si Rome.


"Naiihi na nga ako eh. Pero syempre, di pwedeng umalis sa pila. Kahit pwede naman akong magpabili nalang sainyo, gusto ko ako mismo ang bibili ng ticket ko. Mas masarap sa feeling."

Natawa naman kami sa sinabi ni Jane.


Unti-unting umusad ang pila.

At habang palapit kami sa cashier, mas lalong bumibilis ang tibok ng puso ko.


This is it.


After around an hour, kami na ang bibili.

Fortunately, hindi pa kami naubusan ng VIP tickets. Yay!


Pagkabigay nila sa ticket namin, ohmygoodness, kulang nalang umiyak na ako sa sobrang tuwa.

Hindi ako makapaniwala. Pupunta ako sa concert ng EXO. Makikita ko na sa wakas ang EXO.

 Nakita kong emosyonal na rin si Jane.


Isa ito sa mga pangarap namin at ngayon, natupad na. Well, maghihintay pa kami ng halos isang buwan pero yung feeling na eto, may hawak kang ticket, iba parin talaga ang feeling kahit na hindi mo pa sila nakikita in person.

Just by the thought of it, hindi ko na maexplain ang feeling.

And I'm sure, iiyak ako sa moment na makikita ko na ang EXO.


"Pero bago pa man ako maiyak, wait, naiihi na talaga ako. Tara sa C.R. Aisel. Rome, hintayin mo nalang kami sa kung saan tsaka mo kami icontact."

Biglang sabi naman ni Jane.

Panira naman ng pagdradrama sa isipan tong si Jane. Tss. Hahaha.


Medyo maraming tao ang nasa loob ng C.R. kaya hindi kagad nakaihi tong si Jane. Nag-ayos naman ako ng itsura habang naghihintay na may mapasukang cubicle tong si Jane.


"Sa labas nalang kita hintayin."

Pagpapaalam ko na nung hindi ko kinaya ang dami ng tao.

Ka-OA'an naman kasi tong dami ng tao sa C.R. ngayon.


So habang naghihintay ako sa may labas ng C.R., naka-lean lang ako sa wall at tsaka ko nilabas yung phone ko.

Tinext ko na rin si Rome na matatagalan kami dahil sa maraming tao sa C.R.


Feeling ko sobrang tagal ko nang naglalaro ng Four Letters habang hinihintay si Jane na lumabas sa C.R. kaya binalik ko nalang sa loob ng bag ko yung phone ko tsaka nagtingin-tingin nalang sa paligid.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 22, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

OMG (ChanDara)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon