"Gusto mo bang batukan kita?"
Inis na inis na sabi ni Jane sakin. Naiinis kasi sinabihan ko si Nate na gwapo siya. Eh ano namang masama dun diba?
"Paano kung napapansin na niyang may HD ka na sakanya aber?"
Sabi niya ulit. HD as in hidden desire.
"Eh sorry na. Hindi ko napigilan eh. Rare lang na nakikita ko at nakakausap ko si Nate. Pagbigyan mo na ako."
Nagpout pa ako.
"Hayy. Ewan ko sayo. Anong mukha nalang ang ihaharap mo sakanya pag nagkita kayo ulit ha?"
Still, highblood padin ang lola niyong si Jane.
"Eh di ihaharap ko sakanya tong mukha kong sobrang ganda."
Nagbeautiful eyes pa ako.
"Hayy. Ewan ko talaga sayo. Tara na sa caf. Nagugutom na ako."
Pagda-divert niya sa usapan.
Nagtungo na nga kami sa cafeteria at sobrang daming tao.
"Anong ganap dito?"
Tanong ko.
"May dalawang babae kasing nagpapansin kay Nate pero they end up fighting. Kaya ayan."
Sagot nung katabi ko.
Mas lumapit ako para matignan ng live ang nangyayari. At may dalawang babaeng ni hindi naman maganda na nagpapansin daw kay baby Nate KO, na nagsasabunutan ngayon.
"AKIN SIYA!"
"AKIN LANG SI NATE!"
"WALANG SAYO NICOLE! AKIN LANG ANG BIAS KO!"
Bangayan ng dalawa.
Napatingin naman ako sa usual spot ni Nate. Sa may malapit sa glass wall. At ayun, nakaupo lang siya na nakahead set.
Hayy. Bakit ba kasi ang gwapo gwapo ng nilalang na ito? Yan tuloy, pinag-aagawan siya.
"Grabe naman sila. Ikaw ba, kaya mong makipagsabunutan para kay Nate?"
Tanong sakin ni Jane.
"Syempre naman."
At confident akong pumagitna sa dalawang babaeng nagsasabunutan.
"TUMIGIL NGA KAYO!"
Sigaw ko.
"WALANG SAINYO. AKIN LANG SIYA. AKO ANG LEGAL WIFE!"
Dagdag ko.
Napatigil sila. At maya-maya pa, nadamay ako sa cat fight nila. OMG. Eotteokhae? What to do?
May sumabunot sa buhok ko. May kumakalamot din sa mukha ko. UWAAAAH! ANIYOOO. Not my face. JEBAL.
BINABASA MO ANG
OMG (ChanDara)
HumorOMG. Hindi ko aakalain na ang gwapo at hot kong crush na isnabero ay isa palang gay. OMG talaga. Oh My Gay.