Halos araw-araw na kaming magkasama ni Rome.
Naisipan kasi naming magbenta ng graham balls para makagenerate ng pera pambili ng concert ticket.
Actually, ang gusto talaga ni Rome is bigyan na ako ng pera pero syempre tinanggihan ko. Gaga na kung gaga pero hindi naman ganun kakapal ang mukha ko para tanggapin nalang basta basta yung alok niya.
Buti nalang at naisipan ni Jane ang pagbebenta ng graham ball.
So far, so good naman.
Gwapo rin kasi talaga tong si Rome. At naging first runner up din pala siya nung first year kami sa isang pageant dito sa university.
Ang daming girls ang bumili dahil gusto nilang makamoment si Rome.
Minsan din, nag-aaccept kami ng tutors sa lower Math like Algebra and Trigo. Minsan, Physics din naman pero sa Mechanics na part palang since hindi pa naman kami ganun na nakakalayo sa electromagnetism.
"1, 675 ang total sales natin for today."
Masayang balita samin ni Jane.
"Wow. So bale ilan na lahat ang nalikom nating pera?"
Tanong ni Rome.
"Bale 8, 750 na."
Medyo alanganin ang ngti ni Jane nung sinabi niya yun kasi hit ang EXO. Pwedeng mahal ang tickets. Baka gen ad lang ang makuha naming tickets kung ganyan.
"Pero may kanya-kanyang ipon pa naman tayo diba? Tsaka malayo-layo pa ang Dec 5. Okay na rin to. Makakalikom pa tayo ng pera."
Pagiging positive ni Jane.
"Oo nga eh. Halos 4K naman yung naipon ko. Kung hindi talaga aabot sa VIP, okay na ako sa lower box. Ang importante, makita ko sila, lalo na si Chanyeur myloves. At para maexperience ko na rin yung feeling na makanood ng live sa concert nila at hindi yung puro livestream nalang napapanood natin."
Sabi ko naman.
"Aisel, sabi ko naman sayo, pwede kitang--"
"Rome. Diba sabi ko ayoko? Ayokong isipin mo na pera lang ang habol ko sayo or na makapal ang mukha ko."
Pagpuputol ko sa sasabihin ni Rome.
"Pero hindi naman ganun--"
"Okay na ako dito sa pagtitinda natin ng graham balls. Okay na ako sa tulong mo bilang taga-motivat ng mga girls para bumili."
Ngumiti ako sakanya at ngumiti rin siya sakin.
Infairness, never ko talagang inexpect na magiging close kami ni Rome.
I mean, okay, classmates kami, pareho kami ng course, pero hindi kami ganito kaclose dati.
Bigla-bigla namang dumating si Nate.
"Isang box nga ng graham balls."
Suplado niyang sabi.
BINABASA MO ANG
OMG (ChanDara)
HumorOMG. Hindi ko aakalain na ang gwapo at hot kong crush na isnabero ay isa palang gay. OMG talaga. Oh My Gay.