"Whatheck. Seryoso ka ba dyan Jane? Baka naman rumor lang. Baka naman hindi reliable yung source mo. Baka joke lang yan."
Dere-deretso kong sabi. Hindi kasi ako makapaniwala.
Pupunta na naman ang EXO dito sa Pilipinas. Magcoconcert sila. At hindi lang basta concert, first solo concert nila yun dito sa Pilipinas. Grabeeeee.
Next year na siya. Sa January 23. Tas sa December 5 na ang bentahan ng tickets. Juskooo. Kelangan ko ng himalaaaa. Huhuhu.
"Oo nga. Legit to. Ano na? Ibebenta na ba natin mga internal organs natin? Huhuhu."
Pagcoconfirm ni Jane.
"Tara na. Saan ba? Kahit buong katawan ko na basta itira nila tong mga mata ko para makita ko pa naman ang EXO. At pati tong mga kamay at paa ko, itira rin nila para makapaglakad pa naman ako papunta sa venue tsaka baka sakaling makahawak pa ako sa abs ni Suho. Ahuhuhuhu."
Halos maiyak-iyak kong sabi.
"Yung abs ni Suho, gusto kong makita. Ahuhuhu."
Maiyak-iyak na rin si Jane.
"Sana naman magkahimala. Sinuko na nga natin ang fan meeting ng Got7, hindi na nga rin tayo pupunta sa concert ng BTS. Pati rin ba to?"
"Pati sa abs ni Jimin, sinuko na natin. Hindi ko kakayanin. Ahuhuhu."
Nagyakapan kami ni Jane.
Nagulat nalang kami nung biglang may nagsalita.
"Ano bang drama niyong yan?"
Tanong ni Nate.
"EXOOOOO~"
Sabay naming sabi ni Jane.
"Pupunta kayo sa concert nila?"
Biglang sulpot naman si Rome.
"Fan ka rin?"
Tanong ko sakanya.
"Hindi naman fan na fan. Sakto lang. Ang astig nila sumayaw eh. Hanga rin ako sa high notes ni Kyungsoo."
Sabi ni Rome.
"He called him Kyungsoo. Not D.O. Uwaaaah."
Tuwang-tuwang sabi ni Jane.
Natawa naman si Rome sa naging reaction ni Jane.
"At swabe sumayaw si Jong In. Sino ba bias niyo?"
Tanong ni Rome.
"Si Kai my loves."
Sagot ni Jane.
"Si Chanyeur sakin. Ahihihi."
Sagot ko naman.
"Gusto ko rin si Chanyeol. Ang galing niya magrap. Ang dami rin niyang alam na tugtugin na instruments. Natatawa nalang ako pag sumasayaw na siya ng freestyle."
Natawa si Nate at Jane.
"Don't you dare. Wag niyo ngang tinatawa-tawanan ang bias ko kung ayaw niyong ibenta ko kayo para makapunta ako sa concert nila."
Pagbabanta ko sakanila pero mas tumawa lang sila.
"Eh ikaw Nate, mahilig ka rin ba sa KPop."
Tanong ko kay Nate nung bigla ko siyang napansin na tahimik na lang.
"Tss."
Yan lang naman ang sinagot niya. Nabobother siguro sa presence ng crush niyang si Rome. Tss.
"Ano bang genre ng pinapakinggan mong music brad. Sa totoo lang, curious ako eh."
Tanong naman ni Rome kay Nate.
Naku, kilig much na tong si Nate for sure.
"Wala ka ng pakialam dun brad."
Aba, pakipot pala ang peg nitong si Nate. Bigla akong natawa.
"O, anong nakakatawa?"
Tanong ni Nate sakin.
"Wala. Nadedepress nga ako oh."
Ginawa kong seryoso ang mukha ko.
"Pwede naman sigurong tulungan kita financially."
Sabat ni Rome.
"Jjinja? Jjinjaru? Omoo."
Napa-Korean ako ng wala sa oras dahil sa sobrang tuwa.
"Ne. Seryoso ako dun."
Ne as in yes. Waaaah. Nakakaintindi at nagsasalita rin pala ng Korean itong si Rome.
"Ohmygosh. Love na kita niyang Rome."
Kulang nalang yakapin ko si Rome dahil sa sobrang tuwa ko. Grabe talaga. Hindi naman kami ganun kaclose nitong si Rome pero willing siyang tulungan ako para makapunta sa concert ng EXO. Pareho pa kami ng bias. Hihihi.
"Excuse me."
Sobrang supladong sabi ni Nate tsaka siya nagwalk out.
"Anong problema nun?"
Natanong ni Jane.
"Ewan ko."
Sagot ko naman.
Napuno na ba si Nate dahil sa sobrang pagseselos? Hahaha.
![](https://img.wattpad.com/cover/19156923-288-k393269.jpg)
BINABASA MO ANG
OMG (ChanDara)
UmorismoOMG. Hindi ko aakalain na ang gwapo at hot kong crush na isnabero ay isa palang gay. OMG talaga. Oh My Gay.