//8

33 4 0
                                    

"LIKE OHMYGOSH. Jjinja? Seryoso ka ba? Bakit naman niya sasabihin yun? Bakit ka naman niya bibigyan ng graham balls? Ni hindi ka pa niya nagpapakaclingy sakanya, mission accomplished na ba itey kagad?

Halos hindi na makahinga si Jane habang tuloy-tuloy na nagsasalita.


I shrugged and said,

"Ewan ko nga. Ang weird. Pero diba nga crush niya si Rome? Baka naman kasi nagseselos lang kaya umiiwas dati."

Mahirap kasi ang umasa at masaktan, diba?


"Sabagay."

At mas lumapit si Jane sakin.


"Pero paano kung nagseselos siya hindi dahil sayo kundi dahil kay Rome dahil ikaw talaga yung gusto niya?"

Tanong ni Jane.


Again, I shrugged.

"Naisip ko na yan dati pero alam mo naman, mahirap umasa. Imposible."


"Tsaka mas mabuti na yung ganito. Less expectations, less yung chance na masasaktan ako."

Dagdag ko pa.


Tumango-tango naman si Jane.


After that graham ball, pinapansin na ulit ako ni Nate.


"Ang takaw mo namang kumain."

Kumento niya habang kumakain kami ngayon dito sa caf.


"Hindi ka ba naturuan ng dining etiquette?"

Dagdag pa niya.


""Masaya lang kasi talaga ako kaya napapadami ang kain ko."

Depensa ko naman.

Masaya ako kasi eto, kumakain kami ni Nate. Kaming dalawa lang.

The first time in history na may makikita kang kasama ni Nate na kumakain dito sa caf. Bukod akong pinagpala, I know. Hihihi.


"Masaya? Bakit naman? Kasi malapit na ang bentahan ng tickets at may pang-VIP ka na?"

Oo nga pala. Sa Sabado na ang bentahan ng tickets and it's already Tuesday.


"Oo naman. Sa wakas, makikita ko narin si Chanyeol myloves. Hihihi."

At feeling ko nagform pa ng heart heart ang mga mata ko dahil just by the thought na makikita ko na sa wakas ang EXO, after how many times na naging #TeamBahay ako, eto na, finally, makikita ko na sila at isa ito sa dreams ng mga EXO-L na kagaya ko.


I saw Nate smile in secret.


"Uyy, puno ang caf, pwede bang maki-table sainyo?"

Biglang may nagsalita.

Paglingon ko, si Rome pala.


"Ikaw pala Rome. Sure."

Sabi ko. Napansin kong nawala ang ngiti sa mukha ni Nate at ang seryoso na ng mukha niya ngayon. Far from his aura awhile back.

Nahihiya na naman siguro, naccoconscious ganun, kasi eto, kaharap niya ang crush niya.

Sa tabi ko pala umupo si Rome.


"Nasaan pala si Jane?"

Natanong ni Rome nung napansin niyang hindi namin siya kasama.


"Wala siya eh. May sakit."

Sagot ko naman.


"Sayang naman. Ipapakita ko pa sana sakanya tong dinownload kong offline video ni Kai. Sayo ko nalang ipapanood."

Nilabas ni Rome ang phone niya at nilagay sa offline video.


"Eto oh. Tignan mo."

Sabi ni Rome habang inaabot sakin yung phone niya.


Biglang umismid si Nate.

"Kumakain tayo. Pwede bang mamaya na yan?"

Sabi niya.


Nahiya naman ako.

"Sige Rome. Mamaya nalang."

At binalik ko na sakanya yung phone niya.


"Bukas na pala yung MAMA no? Nagvote ako kagabi, ang lakas lang talaga ng Big Bang."

Pag-oopen ni Rome ng panibagong topic.


"Kaya nga eh. Pero kung sabagay, deserve naman nila yun kasi magaling talaga sila. Lalo pa't may new album silang nirelease."


"Dibale, EXO parin naman ang the best para sakin."

Dagdag ko pa.


At kung anu-ano pa ang napag-usapan namin ni Rome tungkol sa ibang nominees ng MAMA 2015.



"Mauuna na ako. Mukhang aabutin pa kasi kayo ng isang araw bago matapos mag-usap."

And just like that, Nate walked away.


OMG (ChanDara)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon