M.U05

11 3 0
                                    

#M.UK9+Doberman=Takbo!

Nasa labas na ako ng school ngayon,kanina pa ako nakatayo dito,hinihintay ko kasi ang sundo ko,nilalamig nadin ako dahil sa lakas ng ulan,basa narin ang sapatos ko dahil sa mga talsik ng tubig na tumatama sa lupa.

Tinawagan ko nalang si Manong John para malaman ko kung nasaan na siya pero hindi ko ma contact kaya nagsend nalang ako ng message.

"Ayyy nako naman oh,bakit ngayon pa umulan bwesit!!"

Galit na sabi ng lalaki sa gilid ko na kadadating lang,hindi ko na tinignan kung sino,masyado akong busy kate-text.

"Sino hinihintay mo??"tanong nung lalaki sakin.

Tinignan ko kung sino,si James lang pala,tinaasan ko siya ng isa kung kilay,MALDITA LOOK.

"Driver ko."tipid kung sagot habang nagte-text parin.Wala akong gana makipagkwentuhan sa lalaking toh,mainit ang dugo ko sa kanya,remember.

"Hindi na darating yun,sa lakas ng ulan ngayon for sure tumirik na ang sasakyan nun dahil sa baha,kaya naghihintay kalang sa wala."

sabi niya,nilagay ko muna CP ko sa bulsa ko bago ako nagsalita,wala kasi akong bag na dala ,iniwan ko sa locker baka kasi mabasa.

"Paki mo,eh ikaw sino hinihintay mo??"tanong ko naman sa kanya,wala rin siyang dalang bag baka iniwan niya rin.

"Driver ko rin."sagot naman niya.

"Eh tanga ka pala eh,eh for sure hindi narin darating yun dahil sa ulan."

"Kaya umalis nalang tayo."
hinila niya kamay ko at naligo kami sa ulan.

"Hoy hoy hoy James!!bitiwan mo ako JAMES!!"sigaw ko,pero patuloy lang siya sa pagtakbo,saan naman ako dadalhin ng ugok nato??.

"Hoy saan mo ako dadalhin??"tanong ko sa kanya at patuloy parin kami sa pagtakbo.

"Sa inyo."

"Eh ang layo nun mula dito."

"Mas malayo yung amin,kaya sa inyo nalang tayo."

Basa na kami pareho pero hindi parin kami tumigil sa pagtakbo kahit ang lakas ng ulan.

Takbo

Takbo

Takbo

Takbo

Tumakbo lang kami ng tumakbo hanggang nakarating kami,take note magkahawak pa talaga kami ng kamay.

Nakarating na kami sa subdivision namin pero maling gate ang napuntahan namin,nagshort cut kasi kami,south gate ang napuntahan naming gate eh nasa north gate malapit ang bahay namin.

Pinapasok naman kami agad ng guard na nagbabantay sa gate kasi minsan dito ako dumadaan pagtumatakas ako sa bahay.

"Guard papasok po."utos ko dun sa guard.

"Oh ma'am bakit po kayo nagpaulan.??"tanong ng guard sakin.

"Wala kasi ang driver ko,sige guard salamat."

pagkapasok namin agad kami tumakbo ni James,padilim narin kasi.

Liko sa kanan liko sa kaliwa puro liko lang ang ginawa namin.

"Malayo pa ba ang inyo??."tanong ni James sakin.

"Malapit na."sagot ko,pagud na ako katatakbo.

Napadaan kami sa isang malaking bahay at nasa labas ng gate nila ang anim na aso.

Tumigil ako para hindi kami habulin ng mga aso,kaya napatigil din si James.

"Oh Jayn bakit ka tumigil?hindi naman ito ang bahay niyo ah."

"James tumahimik ka wag kang tumakbo o lumikha ng ingay at kung pwede wag kang gumalaw."

utos ko kay James para hindi kami habulin ng mga aso.

"Sh*t."gulat na sabi ni James pagkakita sa anim na aso,apat na k9 at dalawang doberman,bakit kaya hindi chihuahuaang inalagaan nila eh mas cute pa yun eh.

"Rrrrrrrrrrrr"ongol ng mga aso.

Nako po...

"AAAAAAAAAHH!!"sigaw ni James at biglang tumakbo kaya tumakbo narin ako,ayaw ko pang mamatay noh.

"HOY JAMES HINTAYYYY!!"sigaw ko kay James ang bilis niyang tumakbo.

"BAHALA KA DIYAN!"sigaw naman niya,napaka ungentle talaga ng lalaking toh,AAAAAARRGHH!!!JAME PATAY KA TALAGA SAKINNNNN!!!!

M.U(misunderstanding)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon