M.U08

12 2 0
                                    

#M.UBuntiska!?

(JAYN)

"Hmmmm" ako at  gumulong,hinahanap ko yung hotdog pillow ko ang lamig kasi.

"Hmmmm" ako ulit at niyakap ko ang hotdog pillow ko ng mahigpit without opening my eyes.

Mainit,mabango,at…at matigas??

May yumakap din sakin ng mahigpit this time binuksan ko na ang mata ko ,nanlaki mata ko,tumambad sakin ang katawan ng isang shirtless na lalaki. O.o

"Aaaahh!" Sigaw ko tinulak si James pero ako yung nahulog sa kama.

"Aray." Ang sakit ng likod ko.

"Ano ba Yaya ang aga-aga ang ingay niyo." Si James in husky voice at gumulong ito patalikod sakin.

Tumayo ako.

"Hoy unggoy ano akala mo sakin Yaya mo?." Ako at hinila ko ang kumot palayo sa kanya.

Umuulan parin sa labas at malakas ang hangin,madilim parin,tinignan ko ang digital clock ko sa side table,4:10 palang,kaya naman pala nakakaantok parin.

Humiga nalang ako sa kama ko at natulog ulit.

Nabigla ako ng may yumakap sakin mula sa likod ko.

"James ano ba lumayo ka nga!" Sigaw ko kay James at tinulak ko siya palayo sakin.

"Babe kumot ang lamig." Nanginginig na sabi ni James.

Ano daw,BABE??kami na pala bakit hindi ako nainform.

Hinarap ko siya,nanginginig siya at niyayakap niya sarili niya.kinapa ko ang leeg niya pati narin ang forehead niya,mainit siya,may lagnat siya!

Dahil may awa naman ako ay agad ko siyang kinumutan baka mamaya matigok to pagkamalan pa akong killer,nagulat ako ng bigla niya akong niyakap,mainit talaga siya at naging mas mahigpit pa ang yakap niya sakin wala na akong nagawa kundi ang yakapin din siya at hindi ko namalayan nakatulog na ulit ako.

___________________________________

(JAMES)

nakatulog ako ng mahimbing dahil kay Jayn,nawala na din ang lagnat ko.6:56 na ng umaga pero hindi parin tumitila ang ulan.Since nag text sakin ang advicer namin na wala daw pasok ngayon kaya Ok lang malate kami ng gising.

Tinitignan ko si Jayn habang tulog,yung halik ko sa kanya kagabe,nabitin ako JOKE!, nagulat ako ng bigla niya akong niyakap at inamoy pa talaga ang dibdib ko.

"Hoy Jayn Chansing ka ah,gising na uy."

Agad naman niyang minulat ang mata nya at agad kumalas sa pagkayakap sakin.Umupo siya.

"Sorry." Sambit niya.

Bakit ba siya sorry ng sorry??

"Ok lang,alam ko naman na hindi mo talaga mare-resist ang kagwapohan ko." Ako at sinuot ang damit ko.

"Asa ka." Siya sabay tayo at pumasok sa banyo.

Natawa nalang ako sa kanya.

______________________________________

Nasa kusina ako ngayon,naghahanap ng pagkain sa ref nila,hindi ako magnanakaw ah sabi kasi ni Tito,feel at home dapat ako kaya ito hinahalungkat ko Ref nila.

Kanina pa umalis sina tito at tita pag ka baba ko,ako nalang daw muna ang bahala kay Jayn at Gelo dahil wala naman daw pasok ngayon uuwi nalang daw ako mamaya kapag tumila na ang ulan.

M.U(misunderstanding)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon