#M.UThierFirstKiss!
(JAYN)
naghahanap ako ng damit ko ngayon pampalit sa basa kung damit,ang tagal din kasing maligo ni James parang babae.
"James bilisan mo!"sigaw ko kay James habang naghahanap pa din ng susuotin ko,hindi ko kasi mahanap ang paborito kung pajama na Hello Kitty.
"Ah ito."sambit ko at tumayo nah siya rin ang paglabas ni James banyo.
"Ito na po."si James na pinapatuyo ang buhok niya gamit ang tuwalya,nakat-shirt siya na puti at naka boxer na brown.
"Hoy!baka mamaya nire-rape mo ako sa utak mo ha,nako baka mamaya manyakin mo ako."
Aba ang feeling din ng lalaking toh,para tinignan lang siya mamanyakin ko na agad.
"Ang feeling mo rin noh,tabi nga diyan."sabi ko at nagmamadaling pumasok sa banyo.
Pagkapasok ko agad ko itong sinarado.
"Ang feeling akala mo kung sino gwapo,mamanyakin?pssh ano akala niya sakin manyakis baka ako pa nga ang mamanyakin niya ang mukha niya na parang repis."
Parang baliw akong nagsasalita habang inaayos ang mga gamit ko.
"Narinig ko yun!"
"Paki mo!"
_______________________________
Yum yum yum ang sarap humigop ng mainit na sabaw pag ganitong malakas ang ulan at malamig ang hangin.
"Jayn mamaya pagkatapos nito inumin niyo ni James ang vitamins na nasa ibabaw ng ref."si Mama,tumango nalang ako tanda sa pagsang ayon ko.
"At James nai-text ko na ang Daddy mo ok lang daw sa kanya na dumito ka muna samin."si Mama parin,katulad ko tumango lang din si James,si Mama namam sinusubuan si Gelo,may 6 years old brother.
"Naalala ko tuloy nung mga bata pa kami ng Daddy mo,dati kasi pinapalabas namin sa mga magulang ng Daddy mo na samin siya matutulog pero ang totoo talaga niyan sa bahay siya ng Mommy mo natutulog."tumahimik bigla lahat,bakit??
"Ah sorry James kung nabanggit ko pa." Pahingi ng tawad ni Papa.
"It's Ok Tito I already move on at tsaka matagal na po yun." Si James,bakit?iniwan na ba sila ng Mama niya.
Gusto ko sanang mag tanong kay James tungkol sa Mama kaso baka magalit si Mama,siguro mamaya nalang.
______________________________________
Katatapos lang naming kumaing lahat at nasa banyo ako ngayon ng kwarto ko,nagto-toothbrush.Pagkatapos kung mag toothbrush ay may malakas na ingay,paglabas ko naka on na yung TV,ang lakas ng Volume tapos cartoons pa yung palabas,iisipin ko sanang si Gelo ang nanonood ngayon kaso pagtingin ko sa kama ko ay si James at tumalon talon pa sa kama ko habang kumakain ng Marshmallow.
Anong akala niya sa kama ko,trampulin??
"Hoy James bumaba ka nga diyan,ang lakas ng loob mong tumalon talon sa kama ko mamaya baka madumi yang paa mo kaya umalis ka diyan." Sita ko sa kanya,e isip bata eh.
"Hoy ka din Jayn,excuse me hindi madumi paa ko noh,oh oh amuyin mo pa." Si James at inilapit ang paa niya sa mukha ko,pweee ang baho!
"Ano bayan ang pangit ng paa parang mukha mo,ilayo mo nga yan ang baho." Sabi ko sa kanya at tinakpan pa ang ilong ko,hindi naman mabaho paa niya at hindi rin pangit,makinis at mabango pero dahil HINDI KAMI CLOSE PANGIT AT MABAHO PAA NIYA.
