#M.USlave
(JAYN)
"Promise gagawin ko kahit ano."
Kahit ano daw,tignan lang natin."Kahit ano?" Tanong ko sa kanya.
"Oo promise kahit ano."
May promise-promise ka pang nalalaman,tignan lang natin kung saan mapupunta ang promise mo ngayon.
_____________________________________
"James,umayos ka nga mahuhulog na ako."
"Ang bigat mo kasi eh." Reklamo niya,gagawin niya daw kasi kahit ano eh kaya ginawa ko siyang slave ko.
Yes,utusan ko siya at ang unang utos ko sa kanya ay ang kargahin ako.Piggy back ride^__^
"May reklamo ka?."
"Wala po,boss."
"Good." Sabi ko at tumahimik naman siya.
Ilang minuto pa ang lumipas ay nakarating na kami sa 'min,binaba na ako ni James
"Hoo! grabe ang sakit ng likod ko."
Ani ni James at humiga pa sa daan.Yuck.
"Ang ingay mo umalis ka na nga." Pagtataboy ko sa kanya binuksan ko naman ang gate namin para makapasok na.
Tumayo naman siya at hinubad ang hod niya,nakauniform parin siya,ibig sabihin hindi pa rin siya umuuwi??
"Nakauniporme ka parin?" Tanong ko kay James.
"Ah Oo,kanina pa nga kita sinusundan sa mall eh,boyfriend mo ba yung kasama mo??."
"Oo,kaya pwede ba umalis ka na?." Taboy ko ulit kay James at pumasok na ako ng Gate.
"Wee,talaga boyfriend mo yun?sa lagay mong yan nagka-boyfriend ka pa!." Well hindi ko naman talaga boyfriend si Kent pero sure ako na doon din papunta yun,ang sweet-sweet niya kaya sakin.
"Ang feeling mo din noh,akala mo kung sino kang gwapo,Oo nga boyfriend ko yun,diyan ka na nga." Sabi ko at agad ni lock ang gate aalis na sana ako pero bigla na naman nagsalita si James.
"Hindi ka man lang ba magte-thank you sakin sa pag hatid ko sayo?"
"Sino ba ang servant sa atin,diba ikaw?kaya bakit naman ako magte-thank you sayo,at wag mong kalimutan one month servant kita at uutus utasan kita kung kailan ko gusto."
"Ang harsh mo naman,makauwi na nga lang." Sabi ni James sabay talikod sa 'kin.
Buti naman naisipan niya pang umuwi sa kanila.Umalis na siya at pumasok na rin ako,ilang hakbang pa lang ako mula sa gate namin ay tinawag ako ulit ni james.
"Jayn!Bye!" Sigaw niya.Ang ingay niya super,at sa sobrang ingay niya ay nakuha niya ang atensiyon ng isang aso,aso ito ng kapitbahay namin.
"Rawrr!rawrr!"
"Wahhhhhh!" Sigaw ni James sabay takbo at hinabol naman siya ng aso.
Napangiti na lang ako sa kinatatayuan ko,ang kulit niya talaga.
Nagulat nalang ako ng biglang may kumalabit sa paa ko pagtingin ko si sunny pala,ang aso namin na nine weeks pregnant,malabong ang mga balahibo niyang puti.
Pinat ko siya ulo.
"Hi sunny,ang laki na ng tiyan mo." Sabi ko kay Sunny at pumasok na ako sa loob ng bahay namin.
