#M.UYouAgain??
Kaya ang laki ng galit ni Daddy sakin sa ginawa ko kaya nilipat niya ako ng ibang school.
"Ok lang ba ang new school mo??"
tanong ni Kent sakin habang nakatingin siya sa daan."Ok naman,mababait naman ang mga kaklase ko."except lang dun sa isa.
Naalala ko na naman ulit ang nangyari sakin sa firstday of school ko.bwesit kasi ang lalaking yun eh,sarap itulak sa rooftop habang may kadina ang leeg niya at may nakakabit na bomba.
Misan nagkakasalubong kami ng tingin,tapos bigla nalang siya tawawa,Baliw=.=.
Inihinto ni Kent ang sasakyan at dali-daling bumaba,bababa narin sana ako pero pinagbuksan niya ako ng pinto.
Meron pa palang Gentleman na lalaki ngayon.
Nag "thank you" naman ako sa kanya.
Kinuha niya number ko at umalis na siya at pumasok naman ako.Pagkapasok ko sa gate namin ay agad akong nilapitan ni Sunny,aso namin.Buntis ito,pinat ko naman ang ulo niya at agad pumasok sa loob.
Nakita ko agad si Daddy sa sala may kausap siya si tito Max,kaibigan ni daddy,kilala ko siya dahil always siya nandito pag may party.
"Hi dad."bati ko kay daddy.
"Oh tito Max,bakit po kayo nandito??"tanong ko kay tito Max.
"May pinag-uusapan lang kami ng daddy mo."sabi tito Max.
Bakit dito,pwede namang sa office nalang nila diba.
"Ahh..."sabi ko nalang.
"Have you meet my son yet??"
tanong ni tito Max sakin."May anak po kayo??"taka kung tanong.
Kapag pumupunta kasi siya dito ay wala naman siyang dinadalang bata o kaya asawa man lang.Wala rin siyang naikwento sakin about sa family niya,kaya malay ko ba kung may anak siya.
"Oo, kasama ko siya,siguro nandiyan lang yan sa paligid."sabi ni tito Max sakin.
"Sige po mga daddy,punta muna akong kusina."paalam ko sa kanila at agad tinungo ang kusina,kumuha ako ng tubig sa ref kumuha din ako ng baso at uminom.
Nakaramdam ako ng sakit sa bandang baba ko.Naiihi ako,pumunta ako sa banyo na malapit sa kusina,nakakapagud kasing umakyat pa sa kwarto ko para umihi lang e pwede naman dito.
Agad kung binuksan ang pinto.
At sakto may palabas din.
"KYAAAAAAAAAAAAHHH!"
"AAAAAAAAAAAAAAHHH!"
sabay naming sigaw.
Ano na naman ba ang ginagawa ng impaktong yan dito.>:|
