#M.U.
(JAYN)
Tinignan ko ang sarili ko sa fullsize mirror,wala namang nagbago,maganda padin ako.
Pero ang suot kung uniform iba na,nakasuot ako ngayon ng Black na palda,maiksi above knee kasi,white polo na sinapawan ng checkerd na black.
Ito daw kasi ang uniform ng bago kung school.
Tinignan ko ang sugat na nasa braso ko,hindi parin naghihilom ang kalmot ni Natasha.Kapag nakabalik ako dun,talagang sasabunutan ko siya hangang makalbo.
Bumaba na ako at para kumain.
Nadatnan ko si Kuya Yael at si Gelo,sila nalang ang nasa mesa.
"Saan sila??"tanong ko kay kuya at umupo sa harap niya.
"Sino??"tanong ni Kuya.
"Kayo,kayo,sige nga,nasaan kayo??"
pilosopo ko.Ang shunga kasi.
"Malamang sina Mama at Papa"
"Malamang umalis na,shunga din nito."
Wow maka shunga naman to,akala mo hindi member.
"Cheee"sabi ko sabay irap.
Ilang minuto pa ay tapos na akong kumain.Tumayo ako at nag toothbrush.
Lumabas ako ng bahay at sinalubong naman ako ni Manong John,driver namin,siya ngayon ang maghahatid sakin sa bago kung school.
"Aalis na po ba tayo ma'am"tanong niya.
"Oo kuya alis na tayo."sabi ko sabay pasok sa loob,agad din naman siyang pumasok,pinaandar ang sasakyan at umalis na kami.
_____________________
Habang nasa byahe ay naisipan kung mag maglagay ng beri beri layt lang naman na make up.
Inuna ko muna ang Lipstick,pinahid ko sa labi at...
*prooooooot*(sound effect yan ng biglaang pag preno ni Manong John)
"AY palaka!!"nabigla din ako sa biglang pagpreno ni Manong John at dahil hindi ako nag seatbelt ay nahulog ako sa kinauupuan ko.
"Ano bang nangyari kuya??"
"May bigla po kasing tumawid na lalaki ma'am ayan oh."turo ni Manong John sa lalaki na nasa harap ng sasakyan.
Dali-dali naman akong bumaba at hinarap ang lalaki.
"Hoy gago! kung may plano kang tapusin ang buhay mo wag mo kaming isali."sigaw ko dun sa lalaki.
"Pfft...ahaha..."tinawanan lang ako,ay talagang baliw na tung lalaking toh.
For sure nakahithit to ng SHOE GLUE,ang lakas ng tama eh.
"Bakit ka tumatawa,may nakakatawa ba sa sinabi ko ha??"sigaw ko ulit sa lalaki.
"Pfft...Sa sinabi mo wala,p-pero sa mukha meron AHAHA..."malakas niyang tawa at naluluha pa.
Nakakatawa daw ang mukha ko.Agad kung tinignan ang mukha ko sa mini mirror na hawako ko kanina.
"Kyaaah!!"sigaw ko.kumalat ang lipstick sa mukha ko,nag mukha na tuloy akong Clown.Binalik ko ang tingin ko dun sa lalaking tumawa sakin na mukhang nakahithit ng Shoe Glue.
Tumakbo ito at pumasok sa itim na sasakyan,pero bago ito pumasok ay nag bye bye sakin at sinagawan ako ng "SEE U LATER" at umalis na ang sasakyan niya.
