Iniharap ni Shy ang phone sa kanyang mukha. Kasalukuyang nakabukas ang kanyang camera habang nakabukas ang application na Dubsmash. Mayamaya'y tumugtog ang kantang "Twerk It Like Miley." Paulit-ulit na inilapit ni Shy ang phone sa kanyang mukha para makunan ang kanyang ngalangala, gayon na rin ang butas ng kanyang ilong. Ilang anggulo ang kanyang ginawa para makagawa ng magandang video.
Kasalukuyan siyang nasa kusina habang gumagawa ng pancakes na hugis saging. Muli siyang kumuha ng video gamit ang naturang app hanggang sa makarinig siya ng yabag sa kanyang likuran. Nang lumingon siya'y napasinghap siya sa kanyang nakita.
Si Sek, nakapameywang habang nakatingin nang masama sa kanya.
"Sek?" tanong niya.
Lumapit ito sa kanya. Agaw-pansin ang fur coat na suot nito, sumasabay ang balahibo nito sa bawat galaw niya. "Sinabi ko sa 'yo na tawagin mo akong Ma'am, 'di ba?"
Tumango si Shy. Tumingin siya sa sahig para titigan ang heels ni Sek na gawa halos sa diyamante. Nagniningning ang mga ito na parang kukunin na siya. "Sorry, Ma'am."
"Good. Anyways, bakit ka nagda-Dubsmash sa kantang 'Twerk It Like Miley'? Bakla ka ba?" tanong ni Sek. "Gusto mo bang sumikat? Kasi 'yan ang ginagawa ng mga famewhore."
"Hindi po. Sinusubukan ko lang ang kinahihiligan ng mga tao ngayon," paliwanag ni Shy.
"Hindi na uso 'yan, Shy. Uso na ngayon ang Dessert. Favorite song 'yan ng boyfriend ko. Lagi siyang na-split habang sumasayaw sa kantang 'yon," nakangiting sabi ni Sek. Bigla ay nagbago ang ekspresyon ng kanyang mukha. Nabahid na ito ng kalungkutan. Umupo siya sa kalapit na upuan at nagsimula muling umiyak.
"Huwag na kayong umiyak, Ma'am," bulong ni Shy.
"Paanong hindi ako iiyak? Patay na ang boyfriend ko! Hindi ko na makikita ang kanyang pag-split! Hindi ko na matitikman ang saging niya! Wala nang magdadala sa akin sa Antartica every birthday ko! Hindi ko na makikita na ang polar bears!" bulyaw ni Sek.
"Ma'am, sa Arctic po nakatira ang mga polar bear, hindi po sa Antartica," komento ni Shy.
Tinitigan siya nang masama ni Sek. "Tanga ka ba? Ipinalipat ko na sa Antartica ang mga polar bear!" sagot niya. "Wala ka talagang sense kausap, Shy. Lagi mo na lang akong kino-correct kahit na mali ka. Pasalamat ka na lang ay masarap kang gumawa ng banana pancakes."
Napakuyom na lang ng kamao si Shy. Nagawi ang kanyang tingin sa isang malaking kitchen knife na nakalagay sa tabi ng electric stove. Nate-tempt siyang kunin ito pero pinigilan niya lang ang sarili. Huminga siya nang malalim at pinilit ang sarili na ngumiti.
"Thank you, Ma'am," wika ni Shy. Bumalik siya sa ginagawa niyang pancakes at inilipat na ito sa isang plato. Kumuha siya ng isang tinidor sa drawer ng utensil at inilagay ito sa plato. Inihanda niya ang banana pancake para kay Sek.
Nilagyan niya ang hugis banana na pancakes ng banana syrup saka ibinigay ito kay Sek. Pumalakpak naman ang kanyang amo sa tuwa at sinimulan na itong kainin. Pinagmasdan lamang siya ni Shy. Napapaisip ng dalaga kung ano ang nakita ni Ken sa babaeng 'yon.
"Uhm, Ma'am, puwede pong magtanong?"
Puno na ang bibig ni Sek at halos sasabog na ito kakakain ng paborito niyang pagkain. "No aed," wika nito. Hindi na siya makapagsalita nang maayos dahil sa puno ang kanyang bibig.
Napakunot ng noo si Shy. "Uhm, puwede po ba akong mag-leave bukas?" tanong niya.
Nagulat siya nang biglang tumayo si Sek. Itinaas niya ang hawak na tinidor at itinuro ito kay Shy. "Iye ka uwe-e ag-lev!" bulyaw nito.
BINABASA MO ANG
Hashtag Murder
Horror"Don't take life too seriously. You'll never get out of it alive... especially when you're murdered."