Simula nang umalis sila sa tinutuluyan nila ni Rim, napansin ni Lance na hindi na nagsasalita si Collie. Maski pagtitig sa kaniya ay hindi na nito magawa. Naisipan ni Lance na sa isang magandang restaurant sa Bonifacio High Street sila kakain. Sa kabila ng magagarbong istilo ng restaurant at malalaki nitong chandelier, pakiramdam ni Lance ay wala sa mood si Collie.
Lagi itong nakatingin sa kaniyang phone na animo'y may hinihintay. Napapansin niya rin ang parating pagtapik ng hintuturo nito sa mesa. Mukhang kinakabahan ito at malalim ang iniisip.
Hinawakan ni Lance ang kaliwang kamay ni Collie. "Okay ka lang? Hindi mo ba gusto itong restaurant?" tanong ni Lance.
Agad na inialis ni Collie ang kaniyang kamay. Pakiramdam ni Lance ay sinuntok ang kaniyang puso. Isa lang ang pakahiwatig ng ginwa ng kaniyang napupusuang babae.
"I don't think this is a good idea," ani Collie. Tumayo ito mula sa kaniyang kinatatayuan.
Hinarang siya ni Lance para hindi siya makaalis. Nasaksihan niya ang pag-atras ni Collie at isang emosyong ang rumehistro sa mukha nito—takot.
"Collie? Ano'ng problema?"
"It's not you, it's me," ani Collie.
Napakunot ng noo si Lance. "What? Nasa chick flick movie ba tayo?" tanong niya.
"It's just, hindi ko alam kung mapagkakatiwalaan ba kita, Lance," sagot ni Collie.
Mas lalong naguguluhan si Lance. "May nagawa ba ako? Tell me. Sabihin mo sa akin kung bakit nagkakaganito tayo," pagmamakaawa niya.
"I know who you are," ani Collie. Nang makita ni Lance ang galit sa mga mata nito, mas lalong nakaramdam ng pagkalito si Lance.
Tinuro ni Lance ang sarili. "Kilala mo naman ako. Wala akong itinatago sa 'yo!"
"Talaga? Wala kang tinatago sa akin? Bakit pakiramdam ko'y ang dami mong sikretong tinatago sa akin? Bakit pakiramdam ko'y may kinalaman ka sa lahat ng nangyayaring ito?" tanong ni Collie.
"Ano ba'ng pinagsasabi mo? Hindi na talaga kita—"
Naputol ang pagsasalita ni Lance nang marinig niyang natunog ang cellphone sa kaniyang bulsa. Kinuha niya ito at nakita niyang may tumatawag sa kaniya. Nanlaki ang kaniyang mga mata nang mapagtanto niya kung sino 'yon.
"ViVi?" bulong ni Lance.
"ViVi? Siya ang tumatawag sa 'yo?" tanong ni Collie.
"Hindi!" agarang sagot ni Lance. Hindi niya maiwasang tumaas ang tono ng kaniyang boses.
"That's it! You're lying again!" sigaw ni Collie. Nagpaikot-ikot siya'y nagpameywang. May namumuong luha mula sa kaniyang mga mata na nais punasan ni Lance ngunit nang makita niya ang galit sa mukha ng babaeng gusto niya, hindi na niya alam ang gagawin. "You're talking to a dead girl? How absurd is this?!" tanong ni Collie.
"It's not—"
Pinutol ni Collie ang kaniyang pagsasalita. "I knew it. I didn't realize it sooner. You are all behind this! You're a delusional maniac!"
"Collie! Ano ba'ng nangyayari sa 'yo?"
Itinuro ni Collie si Lance. Halos madurog ang kaniyang puso sa pagkamuhi na nakikita sa mukha ng babae. "Nakita ko ang kasuotang 'yon sa maleta mo. I know you are the one who caused this chaos. You are the Grim Reaper!"
Nanlaki ang mga mata ni Lance. Nagsimulang bumilis ang tibok ng kaniyang puso. Huli na nang napansin niyang nanginginig na ang kaniyang mga kamay. Tumingin siya sa paligid at nakita niyang nakatingin ang mga tao sa kanila—ang iba'y nagbubulungan at ang iba nama'y galit na.
BINABASA MO ANG
Hashtag Murder
Terror"Don't take life too seriously. You'll never get out of it alive... especially when you're murdered."