#SlayPretty

242 16 10
                                    


Isa lang naman ang gustong mangyari ni Hannah. Ang maging miyembro ng clique ni Sek. Kaya habang pinagmamasdan niya ang sarili sa salamin ng banyo, iniisip na niya ang kailangang gawin para mapabilang sa grupong 'yon.

Hinawakan niya ang pisngi at hinusgahan ang sariling mukha. Sa tingin niya'y malaki para sa payat niyang pisngi ang kanyang ilong. Maski ang kanyang tenga ay pinagmumukha siyang parang isang kuneho. Ang mga mata niya ay medyo mabilog. Ang sa tingin niya lang na maayos sa kanya ay ang kanyang mga labi. Kissable ang mga 'yon, isang bagay na gusto sa kanya ng mga kalalakihan.

"Magpa-plastic surgery kaya ako? Magmumukha ba akong maganda kung gagawin ko 'yon?" tanong niya sa sarili.

Napasinghap na lang siya nang makarinig siya ng isang inidorong nag-flush. Napatingin siya sa cubicle sa kanyang likuran. Nandoon nagmumula ang ingay. Nanatili lamang ang tingin niya roon. Sa malamang, may nakarinig ng sinabi niya. Dahan-dahang bumukas ang pinto. Sa bawat segundo na gumalaw ito, nabibilang na rin ni Hannah ang bawat pintig ng kanyang puso.

"S-sino 'yan?" kabadong tanong niya.

Isang kamay ang lumabas mula sa likod ng pinto. Napasigaw si Hannah nang isang ulo ang lumabas mula rito. Napadiin ang likod ni Hannah sa lababo. Halos tumalon na palabas ng kanyang dibdib ang kanyang puso sa sobrang takot.

Isang babae ang lumabas mula sa cubicle. May magulo itong buhok na animo'y hindi pa siya nakakapagsuklay. Nakasuot ito ng school uniform, isang bagay na ginagawa lamang ng iilang tao sa campus. May dala itong malaking bag na mukhang may lamang kung anong mabigat. Nang mapagtanto niya kung sino ito, doon na siya nakahinga nang maluwag.

Napasapo siya sa dibdib at ilang beses na huminga nang malalim. Kilala niya kung sino ang babaeng 'yon. "Collie! Huwag ka namang manakot nang ganyan!" sigaw ni Hannah.

"Sorry! Nahihirapan lang akong isuot ang panty ko," aniya habang inaayos ang kanyang buhok. Tumabi ito kay Hannah at inayos ang sarili sa salamin.

Napansin ni Hannah ang kulay pulang likido sa kaliwang kamay nito. Agad niya itong tinuro. "Uhm, Collie? Regla ba 'yang nasa kamay mo?"

Napatingin si Collie sa kanyang kamay. Napansin ni Hannah na nanlaki ang mga mata nito. "Oh, hindi! Pintura 'to. Busy kasi akong nagpipintura sa Arts Room. Hindi ko na namalayan na nabahiran pala ako ng pintura," agad niyang paliwanag.

"Okay."

Umatras na si Collie, animo'y nagmamadali. "O siya, kailangan ko nang umalis. May gagawin pa kasi ako. Bye!"

Kumaripas na ito ng takbo kahit hindi pa nakakapagpaalam si Hannah. Huminga na lang nang malalim ang dalaga at saka muling ibinaling ang tingin sa salamin. Saktong pagtingin niya ay dalawang babae ang pumasok sa loob ng banyo. Hindi niya maiwasang marinig ang pinag-uusapan ng mga ito. May pagkalahing tsismosa pa naman siya.

"Nabalitaan mo ang nangyari kay Miss Tutsi?" narinig niyang sabi ng isa sa mga babae na mukhang bavarian ang mukha dahil sa kapal ng make-up.

"Grabe ang gumawa sa kanya nito. Sa mismong cubicle niya pa sa faculty pinatay!" wika naman ng isa pang babae na sa tingin ni Hannah ay kamukha ni Caitlyn Jenner. "Ang daming pulis ngayon sa campus. Pinapauwi na nga lahat ng estudyante ngayon, eh."

Hindi mapigilan ni Hannah na makisali sa dalawang kapwa niya tsismosa. Humarap siya sa dalawa na kasalukuyang katabi niya sa harap ng malaking salamin. "Totoo ba ang narinig ko? Pinatay si Miss Tutsi?" tanong niya.

Tumango ang babaeng bavarian. "Ang brutal daw ng pagpatay sa kanya. Halos maligo na sa dugo ang cubicle niya. Ang malala pa, nawawala raw ang ulo nito!" nanginginig na paglalahad ng ng babae.

Hashtag MurderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon