Nagawa ring makahanap ng space para mag-park ng kotse si Sek. Paglabas niya ng Mistubishi Montero ay tumuon ang atensyon niya sa fastfood chain na nasa kanyang harapan. Ang McDonald's. Hinubad niya ang suot na mamahaling shades at nagmungot. Halatang nandidiri ang dalaga.
"Sa lahat ng lugar na puwedeng mag-meet, dito pa talaga sa cheap na fastfood chain? God," bulong niya.
Nang masiguro na nakasara na ang kanyang sasakyan ay naglakad na siya patungo sa entrance ng naturang establesimiento. Mukhang agaw-pansin siya dahil pagpasok niya pa lang ay nakatingin na lahat ng tao mula sa loob. Maski ang mga crew ay nakatuon ang atensyon sa kanya.
Hindi mapigilang magtaas ng kilay si Sek. "Ngayon lang ba kayo nakakita ng maganda?" sigaw niya sa mga tao sa loob ng fastfood chain.
Agad na inilayo ng mga tao ang tingin sa kanya. Huminga nang malalim si Sek at nagsimula nang maglakad para maghanap ng mauupuan. Sa tingin niya'y dahil sa kanyang suot na fur coat at fit na dress, gayon na rin ang kanyang dalang Louis Vuitton na bag, kaya siya pinagtitinginan ng mga tao. Kahit na hindi niya tingnan ang mga ito, alam niyang nakasunod ang mga mata ng mga ito sa bawat kilos niya.
"Ang hirap talagang maging maganda," bulong niya sa sarili.
Nang makahanap siya ng puwesto na malayo sa mga taong pinagtitinginan siya, umupo siya rito't tiningnan ang kanyang suot na relo. Labintatlong minuto na siyang nahuli pero wala pa rin si Hannah. Paulit-ulit niyang tinatapik ng kanyang mga daliri ang mesa sa paghihintay. Hanggang sa makita na niya ang dalaga na tumatakbo palapit sa kanya.
"What took you so long?" tanong ni Sek nang hindi man lang tumayo mula sa kanyang kinauupuan.
"Sorry, sumama kasi ang tiyan ko. Halos sirain ko na ang banyo ng McDo. Pasensya na," sagot ni Hannah na agad namang umupo sa kanyang harapan.
Napangiwi si Sek dahil sa pandidiri. "That's gross. Ano ba 'yang tiyan mo, tambutso?" baling niya.
Ngumiti na lang si Hannah na animo'y hindi naaasar sa sinabi ni Sek. Imbes ay si Sek ang naiirita sa ngiti ng dalaga.
Napabuntong-hininga na lang si Sek at hinarap ang talagang pakay nila sa pagkikitang 'yon. "So, sino sa tingin mo ang killer?" tanong niya.
Nanlaki ang mga mata ni Hannah na mukhang gulat sa kanyang natuklasana. Agad na nakaramdam ng kaba si Sek. Napalunok siya habang hinihintay ang magiging sagot ni Hannah. Hinihiling niya na sana'y hindi malapit sa kanya ang nakatago sa katauhan ng Grim Reaper.
"Si Collie," sagot ng dalaga.
"Si Collie?" pag-uulit ni Sek. Napakuyom ang kanyang mga kamao nang maalala niya kung sino ang babaeng 'yon. "Ang nerd na 'yon! Siya ang pumatay sa boyfriend at yaya ko! Buong pagkakaakala ko, ang emo na si Rim ang Grim Reaper!"
Tumango si Hannah. "Nabalitaan mo naman siguro ang nangyari kay Miss Tutsi. Pinatay siya kanina sa mismong loob ng cubicle niya sa faculty. Hindi pa rin daw mahanap ang ulo niya."
Nabalitaan niya ang nangyari sa naturang guro. Hindi niya maiwasang maalala ang naturang tagpo mula sa nakaraan. Ang dahilan kung bakit nagsisimula itong lahat...
Napatakip ng bibig si Sek habang nakatingin sa walang buhay na katawan ni Dina. Hindi siya makapaniwala na nakapatay siya ng isang tao, presidente pa ng Student Council. Hindi siya makagalaw, ang utak niya'y mukhang sasabog niya. Wala siyang ideya sa dapat gawin sa tagpong 'yon.
"Oh my God. Guys, may napatay tayo," narinig niyang bulong ni Chi.
Humarap si Sek sa kanya. "Technically, ako ang nakapatay! Nakatunganga lang kayo riyan. Don't take the credit, Chi!"
BINABASA MO ANG
Hashtag Murder
Horreur"Don't take life too seriously. You'll never get out of it alive... especially when you're murdered."