Chapter 5

11 1 0
                                    

Three days ago nang makilala ko si Kenzo. Magpapakasal ako para makuha ang mana at the same time para mabayaran ko siya. Tinititigan ko lang siya habang nagtatype lang siya sa laptop niya at buklat ng buklat ng mga folders sa table niya para sulatan. He's a busy man kaya pala kahit pag ngiti di na niya magawa. Minsan nga tuturuan ko to ngumingiti para naman di sayang ang kapogian niya.

I'm at his office here in Flores' group of companies. At the age of 18, nakuha na niya ang company kaya ngayon gamay na niya ang pagpapatakbo nito. Nalaman ko din na tinulungan siya ni Dad nung mga panahong nalulugi na ang kumpanya niya kaya di na ko magtataka kung bakit pati ang kumapanya namin ay sinasalba niya.

"Stop staring at me just do your work" Paano niya nalaman na tinitignan ko siya eh kahit pagsulyap sakin di niya magawa? Ano yun, 360 degrees yung peripheral vision niya? Tsaka malay ko bang sa office ang punta namin? Di tuloy ako naka corporate attire at buti nalang dala ko ang flashdrive ko na naglalaman ng ginagawa kong mga proposals. 

Bumaling na ko sa laptop na pinahiram niya sakin at nagsimula na ko gumawa ng plano para sa ipopromote ko sa board. 12 months from now ilalaunch na 'tong ginagawa ko pag na approved na kasabay ng pagkuha ko lahat ng aking mana and another half of a year ay aasikasuhin na namin ni Kenzo ang annulment kaya maraming mangyayari sa loob ng 18 months. Feeling ko tuloy malolosyang ako ng bongga!

"Are you done?" Sobrang busy ko yata at di ko namalayan na 3 hours na pala ang nakakalipas. Nakatingin si Kenzo sakin at inaabangan yung sagot ko.

"Uh, yeah" Dinala ko yung laptop sa kanya para makita niya. Tinutulungan niya kasi ako para sa hotel and resort na gusto ko ipatayo sa Batangas. Paulit-ulit niya 'to pinagawa sakin dahil may mga mali siyang nakikita. Sana ok na 'tong ginawa ko...

"Much better compare to your last presentation" Pangiti na ko nung bigla pa ulit siyang nagsalita "But if I'm the one of the investors I'm not still convince so I won't approve that. It's like wasting my time and money so I wouldn't singning that piece of junk" The fvck! Tinutulungan niya ba talaga ako o nilalait niya lang yung gawa ko?! Bakit ba siya ganyan magsalita?! Ang sakit na... "Kaya ang dami niyong investors na nag pu-pull out, walang kwenta ang mga presentations niyo"

Pinipigilan ko na wag umiyak sa harap niya. Grabe na siya magsalita. Pero kahit ganun, napansin ko na nagtagalog siya huh?

Balik ulit sa pag e-emote. Nilapag ko yung laptop sa table niya at humarap sa kanya "Please excuse me"

Dumaretso ako sa ladies room at nagkataong walang tao kaya nilock ko ang pinto. Unti-unti nang nag iinit ang mga mata ko at di ko na napigilan pa ang pagtulo ng luha ko. I let myself cry cause I can't resist it no more. He's very harsh to me, I don't know why. Ganyan talaga siguro siya pero di na tama yun. Ngayon lang may nakapagsabi ng isang bagay na ikasasama ng loob ko. Pinaghirapan ko yun tapos sasabihin niya na basura lang yon?!

Pagharap ko sa salamin. Nakita ko na nagkalat yung mascara ko kaya naghilamos ako. Wala na kong balak mag retouch at nag pulbo nalang ako, para san pa eh wala namang makaka appreciate ng beauty ko. Uuwi nalang din ako ng bahay para magpahinga. Akala ko pa naman aalis kami ni Ken yun pala dito lang niya ko dadalhin para lang insultuhin at laitin!

Naiiyak pa rin talaga ako at ang hirap pigilan kaya sumisigok sigok pa ko. Pagbukas ko ng pinto, nabangga ako sa dibdib ng kung sino. Pagtingala ko si...

"Kenzo"

Bigla niya kong hinila at niyakap ng mahigpit "Sorry" He said with full of sincerity. I don't know why but I see myself crying again. I hugged him back and I hear his heartbeat concurrent in mine. It's like they're going on a duet to make a pleasing and harmonious music. Nawala lahat ng sama ng loob ko sa kanya at gusto ko magtagal pa. No, I mean di na matapos ang moment na 'to. I feel safe with his loving arms. 

Wanted: HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon