Chapter 7

16 1 0
                                    

"Let's go on stage" Hinawakan niya ang kamay ko paalis. Sanay na kong lagi niyang hinahawakan ang kamay ko

Binuksan naman ulit ang ilaw nung makarating kami sa stage. Tuloy-tuloy pa rin ang tugtog ng orchestra at lumapit yung emcee para bigyan ng microphone si Kenzo. Lahat ng tao nakaabang sa sasabihin niya...even me

"Good evening everyone" Paninimula niya "First, I want to thank you all for coming to this most special event and to witness the most awaited part of this program so I wouldn't make this speech any longer" Humarap si Kenzo sakin. Sh*t! Alam ko na magpoproposed siya sakin pero kinakabahan pa rin ako! "Ashlene, I'm not really good at this and let me straight it to the point..." He lay down on his knees and he offer me the Harry Winston ring "Please be my queen, be my life...AND BE MY WIFE" Boom panes!

Alam ko na dapat na di na ko magulat dahil alam ko na mangyayari 'to. Pero nakakaloka yung proposal line niya ah

Please be my queen, be my life...and be my Wife

Dafuq sarap kiligin! Kaso ang seryoso ng mukha niya eh

"Love?" Tawag sakin ni love ay este Ken kaya bumalik ako sa ulirat

"Ay love! H-huh?" Tanga ko syempre kailangan niya ng sagot ko "I can be your q-queen, y-your life...a-and your WIFE. Yes, I'll marry y-you" Nakakapanginig ng tuhod. Huling nangyari 'to noong...

Flashback...

"Ashlene, I really really love you. Please let me be your forever...marry me..."

"Yes Brent I will marry you"

"I love you so much Hon"

"I love you too"

End of flashback...

Di ko namalayan na sinusuot na ni Kenzo yung singsing sakin. Sinuotan din niya ko ng crown. Ok na eh, kinikilig na ko. Bakit kailangan ko pa maalala yung mga bagay na yun. Nakaraan na yun eh

Kenzo cupped my face "You're crying. Stop that. I don't wanna see your tears" And he hugged me so tight

Masakit kasi Kenzo eh...masakit maalala ang nakaraan

Pinunasan niya ang luha ko kaya napangiti ako sa ginawa niya

"Awww...the bride to be are too being emotional" sabi ni Charlotte na naka microphone pa kaya tumawa yung ibang bisita. Inabutan niya kami ng champagne "To our newly engaged couples, cheers!" At sabay-sabay naman kaming lahat uminom. Di naman ako naiyak sa proposal ni Kenzo eh, sa naalala ko

"Congratulations Kenzo. Alagaan mo yung bestfriend ko ha" Sabi ni Charlotte at tumango naman si Ken na sinasabi niyang oo

Madaling araw na nung matapos ang party. May mga nang aasar pa samin na mag kiss pero sa noo lang talaga ako hinahalikan ni Kenzo. Palusot nalang namin na as an act of respect kaya sa kasal nalang ang kiss sa lips. Alam naman ng lahat na walang namamgitan sa amin but they're pretending that we're really a couple kaya sakyan ang trip nila, feeling couple kami. Bagay naman daw kasi. Mga malisosyo nga naman

Nandito na ko sa suite ko. Siguro bukas nalang ako uuwi ng bahay, dadamahin ko muna dito sa hotel

Paghiga ko sa kama. Tinignan ko yung engagement ring sa daliri ko "Infairness sosyalin talaga ah" I mutter to myself. Kinikilatis ko ng maigi yung sing-sing ko nang mapansin ko na may naka engrave sa likod na salitang "Love" Mukhang pinasadya niya lagyan ng ganun. Talagang pinanindigan niya ang endearment huh? Sa tuwing naririnig ko ang salitang yun siya agad ang pumapasok sa isip ko. I really can't believe na dahil sa walang kwentang plano ni Charlotte ay aabot sa ganitong punto. Sa totoo lang ayoko talaga pero nawalan ako ng choice nung bayaran ni Kenzo lahat ng utang ko. But on the other hand, I'm very thankful dahil sa paghahanap ko ng asawa ay kay Kenzo ako napunta. Kahit napaka sungit niya ay keri na!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 16, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Wanted: HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon