Chapter 4

15 1 0
                                    

Pagpunta namin sa parking area ay agad siyang pumunta sa driver seat kaya di na ko aasa pa na pagbuksan niya ko ng pinto. Chivalry is dead!

Pumasok na ko at umupo sa shot gun seat. Paglagay ko ng seatbelt ay nagsalita siya.

"Care to explain what's the craziness is running on your brain woman?" Di naman niya ako pinagtaasan ng boses pero may diin ang pagkakasabi niya. Ano na naman ba ang ginawa ko?!

"What do you mean?!"

"Your crazy sh*t childish plan will be ruined the wedding! It's not like your parties with insane theme it's a wedding for pete's for sake!"

Sinigawan niya ko. Wala pang nakakasigaw sakin ng ganun. Siya palang. Di ko palalagpasin iyon!

"Para sabihin ko sayo! Yung dream wedding ko na yon para sakin yun ang pinakamagandang kasal na mangyayari. Eh ano naman kung wierd 'yon?! Wala nang pakialam yung iba dun dahil gusto ko 'yon at plinano ko yun hindi para sa iba kundi para sakin! Wala ka na ring pakialam dun! At wag na wag mo kong sisigawan dahil at the first place di kita kaano-ano at ikaw palang ang unang beses gumawa nun sakin!" Anong akala niya, siya lang marunong sumigaw?! Kahit naiiyak na ko pinipigilan ko lang ang sarili ko. Wala pa talagang nagtataas ng boses sakin kahit ang daddy ko. Ganun ba talaga siya kawalang galang sa babae?

He's holding his temples kaya alam ko na naiinis talaga siya. Nanahimik nalang ako para wala nang gulo

Nagbyahe kami parehas na walang umiimik. Nakatanaw lang ako sa labas ng bintana. Iniiwasan ko talaga na humarap sa kanya kasi naiiyak lang ako pag naaalala ko yung pagsigaw niya. Bakit ang sakit? Gusto ko mag sorry para bati na kami pero wala naman akong ginawang mali at kilala ng lahat na mataas ang pride ko. Pero bakit pag sa kanya willing ako mag sorry?

Tumigil ang kotse at pagkapatay niya ng makina agad siyang lumabas. Wala siyang balak pa na pagbuksan ako ng pinto. Expected ko na yun.

Nandito pala kami sa boutique ng pinakasikat na fashion designer worldwide.

"Desiree Valle" How am I supposed na di siya makilala. She's my friend.

"Oh my Ashlene! It's been a long time"

Nagbeso-beso kami tapos tinignan niya si Kenzo.

"Good morning Mr.Flores. Di ko alam na kilala mo pala si Ashlene at sinabay mo pa siya dito. Oh, where's the woman of yours?"

"She's the girl Ms.Valle"

Nanlaki ang mata ni Desiree dahil sa sinabi ni Kenzo sa kanya.

"Omo! Yan na ba yung pakulo mo ha Ashlene? You're one lucky b*tch seriously" She said to me jokingly kaya nagkatawanan pa kami.

"Surprise friend hehe. Hell yeah I'm engaged" At pinakita ko sa kanya yung singsing na bigay ni Kenzo na balak ko sanang itapon.

"Huh? Engaged?" Nagkamot pa ng ulo si Desiree "I thought you guys are—"

"Ms.Valle can you give me the details of your designs" Singit ni Kenzo kaya napatingin kami sa kanya. Bastos talaga nito!

"Yeah sure Mr.Flores" Kinuha ni Desiree yung folder sa table niya at inabot iyon kay Kenzo "Here"

Nakakunot yung noo ni Kenzo nung binuksan niya yung folder. Bakit, may mali kaya?

"Let me see it" Kinuha ko yung folder at nung makita ko yung wedding gown ay maganda naman. Backless yung gown hanggang sa may parteng taas ng balakang kaya kita ang kabuuan ng likod ko. Yung harap naman ay kita ang cleavage ko panigurado pag sinuot ko. Maganda din ang design. All in all wala naman akong nakitang mali "Maganda naman ah. Desiree, I really really like your masterpiece"

"I'm so disappointed on the gown" Ayan na naman siya, kala mo siya yung magsusuot diba? Masyadong pakialamero "Ashlene you're not attending an academy award or some fvcking party that dressed almost your private part only"

"Eh anong gusto mong isuot ko, longsleeve?!"

"Why not? As long as it's not provocative" May pagka conservative pala 'to?

"Desiree palitan mo nalang yung design. Ikaw na ang bahala. May tiwala naman ako sayo eh" I smiled at her at nung mahagip ng mata ko si Kenzo ay binigyan ko siya ng nakakamatay na irap. I'm mad at him!

"So we're going back here when you already finish the design Ms.Valle"

"Ok. Ahm Mr.Flores, susukatan kita. Please proceed on that room" Tinuro ni Desiree yung pinto kung saan susukatan si Ken "Ashlene alam ko naman yung sukat mo dahil sakin ka lagi nagpapagawa ng damit mo kaya di na kailangan na sukatin ka" I nod at her at pumasok na sila sa room kung saan sila magsusukatan.

After a minute ay lumabas na din sila. Medyo natagalan sila siguro ay pinag usapan pa nila yung details ng damit ni Kenzo.

Paglabas nila, nag usap pa kami ng kaunti at di nagtagal nagpaalam na rin kami kay Desiree.

Marami pa kaming inasikaso na kung ano-ano at di ko namalayan na gabi na pala. Kaya pala pagod na pagod na ko, wala rin pala akong matinong tulog kaya pipikit pikit na ko.

Habang nasa kotse ni Kenzo...

"Ken. Dun mo nalang ako ibaba sa office ko nandun yung car ko"

Di ako tinignan ni Kenzo at patuloy lang siya sa pagdadrive "I'll drive you home"

I nod at him. Hayy...pabor din naman sakin dahil pagod at antok na talaga ako. Mukhang di ko na rin kaya mag drive eh *yawns*

"Ugh!" Nagising ako dahil sa sunlight na tumama sa mukha ko. I slowly open my eyes dahil nakakasilaw. Napansin ko na nandito na pala ako sa kwarto ko, ang alam ko kasi nasa kotse ako ni Kenzo. Oh yes nasa car ako! Siya kaya nagdala sakin dito? Ayieeee may tinatagong pagka gentleman ito si Kenzo haha

Pagkatapos ko mag ayos ay bumaba na ko sa dining room para mag breakfast.

"Manang Babes?"

"Bakit baby girl?" Ang saya talaga ni Manang Babes kasama, laging nakangiti nakaka goodvibes din. Siya na ang tumayong ina ko nung mawala si Mom at Dad.

"Sino po ang nagdala sakin sa kwarto kagabi?"

"Ay! Si kuyang pogi buhat ka kagabi. Bridal style pa nga kaya ang sweet niyo tignan. Mukhang pagod na pagod ka kaya di ka na niya ginising. Bagay na bagay kayo baby girl! Maganda plus gwapo equals love hihi"

A little smile formed on my lips nang marinig ko ang kwento ni Manang Babes. I'm loosing my sanity now.

"Kayo talaga Manang Babes masyadong malisosyo. Yan ang nagagawa sa inyo ng kapapanood niyo ng teleserye eh haha"

"Eh nako, dun lang naman ako nagiging happy inlove sa panoood lang love story. Pwera biro naman baby girl, bagay talaga kayo ni Sir Kenzo. Baka maging totoo na yung kasal niyo niyan ah. Masaya ako para sayo"

Napangiti nalang ako kay Manang Babes. Gusto ko siyang kontrahin kaso baka masira ang araw niya dahil sakin. Di naman kasi magiging totoo yun. Dahil iisang tao pa rin ang laman ng puso at isip ko. I will be waiting for him even it tooks a hundred years. I will be waiting for Brent, my love of my life.

Unedited

Wanted: HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon