Sendo's Dad

5 2 0
                                    

     "Sendo, anak! Ready na ang lunch! Bumaba ka na dyan!,"tawag ng kaniyang ina.

     "Coming, mom!," sagot ni Sendo.

     Nagmamadaling pumunta ng dining room si Sendo kung saan nakahain na ang ina.

     "Naku, mommy! Mukhang sisirain mo na naman ang workout ko kanina ah! Mukhang mapaparami na naman ako ng kain,"sabi ni Sendo sabay tikim sa mga niluto ng ina.

     "Hmmmm... ang sarap!," puri ni Sendo sa luto ng ina na naupo na sa harap ng lamesa.

     "Syempre, para yan sa pinakamamahal kong anak," lambing ng kaniyang ina na yinakap at hinalikan sya.

     "Ma, kain ka na rin!," yaya ni Sendo na inalalayan ang ina na umupo.

     "Oo,sige, kakain na rin ako!," sabi naman ng kaniyang ina na tumabi sa anak.

     Habang masayang kumakain ang mag-ina ay may narinig silang pumaradang sasakyan sa labas ng kanilang bahay.

     "Daddy mo yata yun ah! Sandali, tingnan ko!," sabi ng kaniyang ina na nagmadali sa paglabas ng bahay para salubungin ang dumating.

     Biglang nawalan ng gana si Sendo sa pagkain.  Gusto man niyang umalis ay hindi niya magawa dahil siguradong magtatampo sa kaniya ang ina.  Kaya pinilit na lang niyang sumubo pa ng pagkain habang naririnig niya ang masayang boses ng kaniyang ina.

     Hindi lang dalawang tao ang narinig ni Sendo na pumasok ng bahay papunta sa dining room.  Kasama rin kase ng kaniyang ama ang napakarami nitong bodyguard.

     " Sendo, anak! Tingnan mo, nandito ang daddy mo!, tuwang-tuwang sabi ng kaniyang ina.

     Labag man sa kalooban ay pinilit pa rin ni Sendo na tumayo para humalik sa ama.

     "Kamusta naman ang napakakisig kong anak?," bati ng kaniyang ama na bigla siyang yinakap matapos niyang halikan ito.

     "Ok lang naman po," sagot ni Sendo.

     "Hon, kumain ka na ba? Halika, nagluto ako! Maupo ka dito! Masarap yang mga niluto ko!," pagmamalaki ng kaniyang ina na inalalayan ang kaniyang ama na maupo.  Tinawag din nito ang kanilang katulong para utusang pakainin ang mga bodyguard ng kaniyang ama.

     Tahimik lang na pinagpatuloy ni Sendo ang pagkain habang pinapanood ang kaniyang ina na masayang inaasikaso ang kaniyang ama na minsan lang umuuwi sa kanila.  Masaya si Sendo pag masaya ang kaniyang ina.


PRETTY BOYS FLOWER SHOP: The AnniversaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon