"Sir, David...," mahinang tawag ni Liza kay David ng mapansin nito na tapos na kausapin ni David ang isang trabahador nila. Si Liza ang anak ng katiwala nina David sa hacienda at flower farm na sina Mang Rufing at Aling Flor.
"Liza, may kailangan ka?," si David.
"Um, namitas po ako ng mga prutas sa hacienda para may madala po kayo ng mga kaibigan niyo pabalik," sabi ni Liza na inangat ang hawak na basket na punong-puno ng iba't-ibang prutas.
"Naku, salamat Liza! Nag-abala ka pa! Akin na, ako na magdadala nyan!," sabi ni David ng mapansin na mabigat ang dala ni Liza.
"Ako na po sir! Dadalhin ko na lang po sa sasakyan niyo para hindi niyo makalimutan! Kaya ko na po ito!," pag-iwas ni Liza sa hawak na basket para hindi makuha ni David.
"Hindi, ako na! Papunta na rin ako sa sasakyan! Paalis na rin kase kami! O, nandito na pala kayo, Jigger, Nadine, aalis na tayo!," yaya ni David sabay kuha ng basket na hawak ni Liza.
Hindi na nakatanggi si Liza at ibinigay ang dalang basket ng prutas. Napansin ni Nadine ang biglang paglungkot ng mukha ni Liza.
"Aalis na po kayo agad?," tanong ni Liza.
"Oo,"sagot ni David.
"Kuya David, aalis na tayo agad? Ni wala pa tayong isang oras dito ah!," reklamo ni Nadine.
"Oo nga naman, David! Mamaya na tayo umalis," si Jigger.
"Jigger, alam mo naman na hindi puwede di ba? Kailangan na nating bumalik at marami pa tayong gagawin sa shop dahil sa celebration mamaya. At isa pa, baka nagkakalat na sina Sendo at Sam sa shop. Balik na lang ulit tayo next week!," sabi ni David na nagsimula na maglakad papunta sa sasakyan.
Nagkibit balikat si Jigger nang tumingin sa kanya si Nadine. Wala silang magagawa pag si David ang nagdesisyon. Sumunod na sila kay David at naiwan ang malungkot na si Liza.
"Kuya David, mukhang ang daming prutas nyan ah! Si Ate Liza po ba ang nagbigay sa inyo ng lahat ng yan?," tanong ni Nadine na sumabay sa paglalakad ni David.
"Oo, at para sa ating lahat yan! Kumuha na lang kayo mamaya para mauwian mo si Tita Babes," si David.
"Naku, wag na Kuya David! Kasi siguradong pinitas lang yan ni Ate Liza para sa'yo!," panunukso ni Nadine.
"Anong ibig mong sabihin?," nakatingin kay Nadine na sabi ni David.
Sasagot na sana si Nadine nguni't bigla siyang inakbayan ni Jigger at tinakpan ang bibig.
"David, si Kapitan yung parating di ba?," sabay turo ni Jigger sa parating na lalake.
"Oo nga noh! Sandali, salubungin ko lang! Hawakan mo muna ito!," sabi ni David na inabot kay Jigger ang basket ng mga prutas.
"Nadine, ano ka ba! Mag-iingat ka naman sa mga sinasabi mo! Alam mo namang pikunin yang si David," saway ni Jigger kay Nadine pagkaalis na pagkaalis ni David.
"Bakit po? Ano po ba nag sinabi ko?," iwas ni Nadine na nagsimula na maglakad palayo.
"Uy, wag kang aalis! Hindi pa kita tapos kausapin! And don't pretend na di mo alam ang sinasabi ko," malumanay na sabi ni Jigger nguni't may himig na galit.
"Ok, i'm sorry! I just want him to realize that Liza likes her," si Nadine.
"Nadine, wag mo na silang pakialamanan! Mas maganda na ang ganyan! At least, hindi iniiwasan o sinusungitan ni David si Liza. Do you think na may gusto rin si David kay Liza? I don't think so 'coz makikita mo yun kay David kung meron. So, I think, it's better they stay that way. At least, walang masasaktan," paliwanag ni Jigger na napatingin sa puwesto ni Liza na nakatanaw kay David.
Biglang tumunog ang cellphone ni Jigger kaya binaba muna nya ang dalang basket ng prutas bago kinuha ng cellphone sa bulsa ng pantalon.
"Hello, mom!," tuwang-tuwang sagot ni Jigger. Out of the country ang parents ni Jigger for business and vacation trip.
Tahimik lang na nakinig si Nadine ng marinig niya na mommy nito ang kausap ni Jigger.
"Yes, iho! Kamusta na ang aking unico hijo? Happy anniversary sa shop nyo," bati ng kaniyang ina.
"Thank you mom! I'm fine and the shop is doing great. Successful ang first year anniversary namin this week, andaming tao sa shop. But right now, nandito ako sa farm with David and Nadine. We're having a celebration later. Are you already here in the Phils? Are you coming?," tanong ni Jigger sa ina.
"No, iho! I'm sorry, we're still here in L.A.! I'm really sorry! I just called to greet you and your friends for the success of your shop! I'm so proud of you iho! And of course, to know if you're doing fine," halata sa boses ng mommy ni Jigger ang lungkot.
Nalungkot din si Jigger, nakita ito ni Nadine pero tinago niya ito dahil masiglang boses ang narinig ni Nadine ng sunod siyang nagsalita.
"It's alright mom! So, how's your trip? Where's dad?," si Jigger na tumalikod kay Nadine ng mapansin niyang pinagmamasdan siya nito. Ayaw niyang ipakita kay Nadine na malungkot siya.
"His here iho, wait...," narinig niyang sabi ng ina bago niya narinig ang boses ng ama.
"Hello, iho! How's my favorite handsome son?," bungad ng ama.
"And you're only son Dad! I'm very very much fine! And how's my favorite handsome dad?," balik ni Jigger sa ama.
"And your only dad, son! Of course, I'm very much fine. You know your mom takes care of me very well. Dapat maghanap ka na rin ng katulad ng mommy mo, iho! Meron na ba?," panunukso ng ama.
"Dad!," natatatawang sabi ni Jigger.
"Bakit natatawa k? I'm serious iho! Okay lang na magkaroon ka ng maraming girlfriend sa ngayon. Syempre hindi maiiwasan yan dahil lahi tayo ng mga habulin! Hehehehe! Pero tatandaan mo, wag na wag ka mananakit o maglalaro ng mga babae! O magsabay-sabay ng girlfriend. Maraming karma ang balik sa'yo nyan," paalala ng ama.
"Yes, dad! I know that! I always keep that in mind," si Jigger.
"Okay, that's good! We're coming back soon! Marami kaming pasalubong sa'yo! Mag-iingat ka diyan palagi ha! Tandaan mo, we always love you! And we miss you!," sabi ng dad ni Jigger.
"I miss you too dad! Both of you, mom! And I love you po! Ingat din po kayo diyan!," si Jigger.
"Of course, iho! Mag-iingat kami dito dahil gusto pa namin makita ang magiging apo namin sa'yo!," tukso ulit ng ama.
Natawa si Jigger sa biro ng ama.
"Congratulations pala sa shop niyo! I'm very proud of you son!," sabi ng kaniyang ama.
"Thanks Dad!," si Jigger.
"O, sige na iho! Tatawag na lang ulit kami mamaya! Mag-iingat ka diyan palagi!," paalala ulit ng ama.
"Yes dad! I love you Dad! I love you Mom!," paalam ni Jigger.
"I Love You too iho! Bye!," narinig niyang paalam ng ina bago naputol ang linya.
"Bye, mom!," mahinang sagot ni Jigger bado ibinaba ang cellphone at itinago sa bulsa niya. Namiss niya bigla ang mga magulang.
"Kuya Jigger, lagi na ata out of the country ang parents mo?," si Nadine.
"Okay lang yun Nadine. Hindi na sila bumabata kaya tama lang na mag enjoy sila ngayon habang kaya pa nila! Matagal na naman sila nagtatatrabaho. It's their time to enjoy! Tara na!," paliwanag ni Jigger sabay akbay kay Nadine.
Hindi na umimik si Nadine at sinabayan na lang ang paglakad ni Jigger.
BINABASA MO ANG
PRETTY BOYS FLOWER SHOP: The Anniversary
General FictionThe beginning of a Wonderful story of 5 friends on their Flower Shop.