"Good morning," masayang bati ni David sa kapatid at sa pamilya nito.
Si David ay nakatira sa kanyang nakakatandang kapatid na may sarili ng pamilya sa Bulacan. Mula sa Baguio na kanilang Hometown, sumunod siya sa kanyang ate ng magpakasal ito at magdesisyong dito manirahan. Dalawa lang silang magkapatid at very close sila kahit walong taon ang agwat ng edad nila. Sobra niyang namiss ang kanyang ate kaya sumunod siya dito. Kahit malungkot ay pinayagan naman siya ng kanyang mga magulang ng sumunod sa kanyang ate at masuwerte naman sila at napakabait ng naging asawa ng ate nya na si Lance at pinayagan syang tumira kasama nila.
Nasa second year high school na siya noon kaya nagtransfer din siya ng school at doon niya nakilala ang apat na naging matatalik niyang kaibigan at naging kasosyo niya sa kanilang flower shop.
"Good morning David! Magbreakfast ka na," yaya ni Dolly, ang kanyang ate, na nasa dining table na kasalo ang asawang si Lance at panganay nitong anak na si Lalaine, walong taong gulang.
"Magkakape lang ako, ate," sabi ni David na sumalo sa dining table.
" Good morning, Tito David," bati ng pamangkin niyang si Lalaine.
" Good morning, baby! Why are you up so early? It's Saturday, you don't have class, right?," tanong ni David sa bibong pamangkin habang nagtitimpla ng kape.
"Yes, tito! I'm going to my dentist with papa today!," sagot ni Lalaine bago kinagat ang kinakaing hotdog.
"Oh, so you're going to your dentist! How about Joey? He's not coming with you?," tanong ni David habang umiinom ng kape.
"No, tito! He's still sleeping upstairs. His schedule with his dentist is next week," sagot naman nito. Si Joey ang bunsong kapatid ni Lalaine, anim na taong gulang.
"Ah, ok!," tatango-tangong sabi ni David habang inuubos ang iniinom na kape.
"David, congrats! Very successful ang shop nyo! It's very popular in town," bati ni Lance na binaba ang binabasang dyaryo at nakikinig sa usapan ng magtiyuhin.
" Hindi naman po, pero salamat!," nakangiting sabi ni David.
"Naku, pahumble pa 'to! Eh, usap-usapan ang success ng shop nyo. At tuwing dadaan ako doon, laging maraming tao. Hindi yata nawawalan ng tao ang shop nyo lalo na ng mga babae," natatawang sabi ni Lance na may halong panunukso.
"Hindi naman po lahat bumibili. Karamihan eh, nakikiusyoso lang," si David.
"Ang sabihin mo, sinisilip lang kayong lima. Very popular kayo sa mga babae dito sa atin. At for all ages pa ha! Pati kase mga kaklase ni Lalaine, naririnig ko na may mga crush sa inyo. Ang babata pa eh alam na ang crush-crush. At karamihan sa mga customer namin sa restaurant kayo ang pinag-uusapan. Pag nakita nga nila yung mga flowers na nakadisplay sa restaurant, kayo agad ang naiisip nila dahil alam nilang sa inyo galing yun," sagot naman ni Dolly. Si Dolly at asawa nitong si Lance ang nagmamay-ari na isang bar and restaurant na 24 hours ang operation.
"Mama is right, Tito David. Marielle tell me that she has a crush on you! She always ask her mommy to buy her flowers on your shop whenever they passed by the shop," singit ni Lalaine sa usapan.
"Talaga? Hindi ko alam yun ah!," natatawang sabi ni David.
"Asus, kunyari ka pa! Eh isa ka sa marami pong fans!," tukso sa kanya ng kapatid.
"Fans? Sus, wala yun! Di ko kailangan ng fans, mas maganda kung bibili sila," sagot ni David at inubos na ang kape.
"Napakasungit mo talaga,David! Ba't di mo kaya gamitin 'yang charm mo para makaakit ng mga customers. Kung mas magiging approachable ka sa mga customer, mas dadami ang bibili sa inyo," payo ng kanyang ate.
"Bahala na sina Sendo at Jigger dun. Sila ang magaling sa mga ganyan. Sige na ate, mauna na ako! Baka nagkakalat na naman sila dun," sabi David na tumayo na at dala ang ginamit na cup at dinala sa lababo.
"Tapos ka na?," tanong ng kanyang ate.
"Kailangan ko na pumunta sa shop, ate Dolly," paalam ni David na humalik sa kapatid.
"Tito David, can I go to the shop after I go to my dentist?," tanong ni Lalaine.
"Not now Baby! Next time na lang, okay? Tito David is so busy right now! Now, kiss Tito David!," lumapit ito sa pamangkin.
"David, dalhin mo na 'yung kotse. 'Yung van na lang gagamitin namin ni Lalaine," alok ni Lance.
"Salamat na lang, Kuya Lance! 'Yung scooter na lang dadalhin ko, mas madaling dalhin ang scooter eh. Sige, alis na po ako!," paalam ni David.
![](https://img.wattpad.com/cover/2401886-288-k365984.jpg)
BINABASA MO ANG
PRETTY BOYS FLOWER SHOP: The Anniversary
General FictionThe beginning of a Wonderful story of 5 friends on their Flower Shop.