The Order

3 2 0
                                    

Sa Pretty Boys Flower Shop naman ay nagkakasiyahan sila.  Nakabalik na si Sendo sa shop at nagpapasikat sa mga customer na babae.  Maganda kase ang tugtog kaya biglang napasayaw si Sendo sa harap ng flower shop.  May isang babae na panay ang pacute sa kanya at di naman sinayang ni Sendo ang pagkakataon na makipag flirt dito.  Hinayaan lang ni Red ang ginagawa ng kaibigan.  Nakahatak pa kase sila ng ibang kustomer dahil sa ginawang pagpapasikat nito. Kaya ang nag che-cheer na si Sam sa kaibigan na si Sendo ay biglang naging abala sa pag asikaso ng mga customers na biglang dumagsa.

     "Hi, miss! Did you like it?," bati ni Sendo sa babaeng nagpapacute sa kanya pagkatapos na pagkatapos nitong sumayaw.

     "Impressive!," nakangiting sabi ng babae na hindi inaalis ang tingin kay Sendo.

     "Bago ka lang ba dito? I think ngayon lang kita nakita dito sa lugar namin,"si Sendo.

     "Yah, actually, i'm from Manila! I just visit a friend who live here. I noticed your shop so I decided to drop by. I'm planning to buy flowers for my mom," explain ng girl.

     "Red, tingnan mo, bumabangka na naman si Sendo," sabi ni Sam kay Red habang inaabot dito ang bayad ng isang customer na inasikaso niya.

     "Sus, inggit ka naman diyan," sabi ni Red habang pinapunch ang bayad ng customer sa cash register nila.

     "Bakit si Sendo hindi nagtatrabaho?," reklamo ni Sam.

     "Thank you po mam! Come again!," pasalamat ni Red sa isang customer.

     "Hoy, Red! Pagtrabahuin mo rin si Sendo!," sabi ni Sam habang nakatingin ito kay Sendo na kausap ang babae.

     "Nagtatrabaho yan. Tingnan mo, mamaya, bibili na ng bulaklak yang girl!," sabi naman ni Red na iiling-iling dahil sa pagiging inggitero ng kaibigan.

     "Yo, Sendo! You have your next delivery!," tawag ni Red kay Sendo ng may binigay sa kaniya ang isang crew nila na notice for delivery.

     Nilingon ni Sendo si Red at sumenyas na sandali lang.

     "You're an employee here?," tanong ng babae kay Sendo. 

     "Part employee, part owner! I'm one of the owners. Anyway, I need to go. Need to have express delivery. By the way, I'm Sendo!," pagpapakilala ni Sendo at inabot ang kamay nito para makipagkamay.  Pansin sa mukha ng babae na humanga ito lalo kay Sendo.

     "I'm Catherine," pakilala naman nito.

     "Nice meeting you Catherine! Choose whatever flowers you like! My staff will take care of you! I need to go," paalam nito. Tinawag nya ang isa nilang staff para maasikasuhin si Catherine bago sya pumunta kay Red.

     "Wait!," habol ng babae.  Napalingon si Sendo.

     "Are you not going to get my number?," nahihiyang tanong ni Catherine. Napangiti ng tagumpay si Sendo.

     "Can I have it?," nakangiting tanong ni Sendo na bumalik kay Catherine.

     Mabilis namang binigay ni Catherine ang kaniyang calling card.  Hinalikan muna ni Sendo ang calling card bago niya ito nilagay sa bulsa ng kaniyang polo shirt.

     "I'll call you later!," sabi ni Sendo habang patalikod na naglalakad.

     "I'll wait for your call!," sagot naman ni Catherine.

     "Ang tindi mo tol! Nakaisa ka na naman!," bulong ni Sam sabay akbay kay Sendo.

     "Ganyan talaga ang guwapo!," hirit naman si Sendo sabay lingon kay Catherine na kausap ang isa nilang staff. Narinig niyang sinabi ng kaniyang staff na isa talaga sya sa owners at tinuturo silang tatlo. Malamang ay tinanong ni Catherine kung totoo ang sinabi nya.

     "Ang yabang mo!," sabi ni Sam sabay suntok sa braso ni Sendo.

    "O, eto na ang delivery mo," abot ni Red sa isang basket ng white roses.

     "Salamat pare ha! Ang galing mo tumayming noh! Pwede mo naman ipadeliver ito kay Sam o sa iba," reklamo ni Sendo.

     "Hindi puwede pare, ikaw ang nirequest na magdeliver nyan eh! Di daw yan tatanggapin pag di ikaw ang magdeliver!," paliwanag ni Red.

     "Bakit? Sino ba umorder nyan?," tanong ni Sendo bago tingnan ang address nito.

     "Kay Victoria Zubiri! Yung Sexy Star! Sama ako!," sabi ni Sam ng mabasa ang address na hawak ni Sendo.

     "Anong sama? Hindi pwede, maraming customer dito!," tanggi ni Red.

     "Red naman, sama ako! Pre, Sendo, sama mo ako!," pangungulit ni Sam.

     "Mamatay ka sa inggit!," tukso ni Sendo.

     "Yabang mo! Nahawa ka na sa kayabangan ni Sendo!,"si Sam.

     "O, tama na yan! Sige na, Sendo, hinihintay na yan!," pagpapaalis ni Red kay Sendo.

     "Oo sige na, aalis na ako! Pero bigyan mo ng discount yung isang yun ha!," paalala ni Sendo kay Red na ang tinutukoy ay si Catherine.

     "Oo na, sige na!," si Red.

     Bago umalis ay kinawayan muna ni Sendo si Catherine.


PRETTY BOYS FLOWER SHOP: The AnniversaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon