Samantala, nakarating na si Sendo sa bahay nila. Mga katulong lang ang kaniyang naabutan. Nag grocery daw ang kaniyang mama. Ang papa naman niya, as usual, kung hindi busy sa mga tungkulin nito bilang congressman sa kanilang lugar ay abala ito sa iba nitong pamilya. Sina Sendo ang pangatlo ng pamilya ng kaniyang ama. Minsan lang ito dumadalaw sa kanilang bahay nguni't kahit kailan ay hindi pumalya sa pagbibigay ng sustento sa kanilang mag-ina.
Nguni't kahit kailan ay hindi humingi si Sendo sa ama. Kung tutuusin, kahit hindi magbigay ang ama ng sustento sa kanilang mag-ina ay kaya nilang mabuhay. Sikat na modelo ang kaniyang ina nung kapanahunan nito at hanggang ngayon. May sarili na rin modeling agency ang kanyang ina at nung kabataan niya ay napipilit din siya ng kanyang ina magmodelo. At bago pa siya naging busy sa flower shop, dati rin siyang naging gym instructor.
Hindi malapit si Sendo sa kaniyang ama. Nguni't sabi ng kaniyang ina ay siya ang paborito nito dahil magka mukha sila noonn kabataan nito. Dalawa lang silang anak na lalake ng kaniyang ama. Ang isang anak na lalake nito ay mula sa unang pamilya at matanda lang siya dito ng dalawang buwan.
Dahil siya ang paboritong anak kaya kumpleto siya sa mga mateyal na bagay na hindi nman niya hiningi nguni't kusang binigay ng ama. Binigyan nga siya ng kotse ng kanyang ama nun nag graduate siya ng high school nguni't bihira lang niya ito gamitin. Madalas ay nakaparada lang ito sa bahay nila dahil may sarili namang kotse ang kaniyang ina. Ang kaniyang motorsiko na binili nya mula sa kanyang ipon ang lagi nyang gamit. Dahil dito ay lalo siyang kinaiinisan ng mga kapatid sa unang pamilya. Hindi maganda ang trato sa kanya ng mga ito kaya kahit kailan ay hindi siya nagtangkang pumunta o makalapit man lang sa bahay ng mga ito. Hindi rin siya pumayag na mag-aral sa pribadong paaralan na pinag-aralan ng mga ito.
Dumiretso si Sendo sa kaniyang kuwarto. Malaki ang kaniyang kuwarto. Pagpasok mo sa kaniyang kuwarto ay masasabi mo agad na lalaki ang may-ari nito. Mula sa kulay asul na pintura hanggang sa mga gamit na nakapaloob dito ay lalaking-lalaki. Ang bed cover ng kaniyang kama ay si Superman na paborito nyang cartoon hero. May mga posters din ng paborito niyang NBA players sa kaniyang kuwarto.
May sarili siyang laptop at desktop computer at kumpleto ng accessories. May sarili siyang TV, DVD player at stereo. May dalawang rack siya ng mga paborito niyang dance music at iba pang klase ng music. At bilang isang lalake, may mga men's magazine din sya sa kaniyang kabinet.
Kumuha siya ng isang cd at pinatugtog ito ng malakas. Habang napapasayaw sa tugtog ay binuksan nya ang kabinet kasing laki rin ng isang kuwarto kung san nakalagay ang napakadami niyang damit at Sapatos.
Nagpalit siya ng kulay blue na jogging pants at white sando bago lumipat sa kabilang kuwarto na extension ng kaniyang kuwarto. Dito makikita ang lahat ng gym equipment niya at dito rin nakadisplay ang lahat ng kaniyang trophies at medals sa lahat ng sports na sinalihan niya. Ang gusto ng kaniyang mama ay sa sala ang mga ito idisplay pero hindi siya pumayag kaya dito na lang ito nakadisplay. Dito rin makikita nakadisplay ang pictures nilang magbabarkada. At kahit marami na ring naging girlfriend si Sendo ay wala kang makikitang picture ng babae sa kuwarto niya maliban sa picture ng mama niya.
Sinimulan niya sa footwork ang pagwowork-out. Pagkatapos ay sinimulang suntok-suntukin ang isang malaking punching bag tapos ay sinipa-sipa ito. Pagkatapos ay sinunod na niya ang iba pa niyang routine sa work out. Ganito ang madalas niyang ginagawa pag hindi siya busy at feeling exhausted sa trabaho, pamilya at pati na rin sa babae.
Paminsan-minsan ay hindi pa rin nawawala ang emptiness na nararamdaman nya dahil hindi niya solo ang atensyon ng ama. Hanggang ngayon ay hindi pa rin niya matanggap na pangatlong pamilya lang sila ng kaniyang ama kaya kahit kailan ay hindi siya nagpilit na maging malapit dito dahil iniiwasan niyang may masabi ang mga anak nito sa una at legal nitong pamilya. Ayaw niyang akusahan siya ng mga ito na sumisipsip sa ama at humahabol sa kayamanan nito. Kahit kailan ay hindi niya naramdamang welcome siya sa mga ito. Hindi maalis kay Sendo ang hindi mainggit sa mga kapatid sa unang pamilya dahil araw-araw nilang nakakasama ang ama at nakakapunta sa kanilang mga school gatherings and activities.
![](https://img.wattpad.com/cover/2401886-288-k365984.jpg)
BINABASA MO ANG
PRETTY BOYS FLOWER SHOP: The Anniversary
General FictionThe beginning of a Wonderful story of 5 friends on their Flower Shop.