The Chickboy

23 4 0
                                    

Pagkatapos makapagdeliver ay sa flowershop muna nag-stay si Sendo at nakihalubilo sa mga babaeng customers. Ang ibang empleyado naman nila ang nagdedeliver. Maraming customer ang nagdagsaan sa flower shop oara magpapansin sa kanilang magkakaibigan. Nguni't lahat ay abala kaya si Sendo lang ang nakikipagbolahan sa mga babae.

Sa may counter naman ay panay pagtatalo ng magkapatid na Red at Nadine. Panay ang saway ni Red sa pangungulit sa kanya ng kapatid na nagpapaalam na gustong sumama sa flower farm. Natigil lang si Nadine sa pangungulit ng tumunog ang telepono at sinagot ito ni Red. Bumalik naman si Nadine sa pagtulong sa pag-aayos ng mga bulaklak at kinalimutan na ang antok.

"Hello, Pretty Boys Flower Shop, Good Morning! How can I help you?," bati ni Red sa pagsagot ng telepono.

"Hello, good morning! May I speak to Sendo Guevarra please?," sagot naman ng nasa kabilang linya.

"May I know whose on the line please?," tanong ni Red kahit nabobosesan na nya ang nasa kabilang linya.

"Red, ikaw ba yan? Si Sheryl, 'to! Pakausap naman kay Sendo oh!," pakiusap nito.

"Ah, Sheryll, ikaw pala 'yan! Oo, si Red nga ito. Teka lang ha, icheck ko kung nakabalik na si Sendo," sabi ni Red na medyo nilakasan ang boses para marinig siya ni Sendo na napatigil naman sa pakikipag-usap sa ilang babae at lumingon sa puwesto niya. Sumenyas naman si Red na si Sheryl ang nasa kabilang linya.

Sumenyas naman si Sendo na sabihing wala siya.

"Kausapin mo na, kawawa naman!," mahinang sagot ni Red na tinakpan ang mouthpiece ng telepono.

"Ang kulit nyan eh! Sabihin mo na lang na nagdeliver ako!," bulong rin ni Sendo na nagpaalam muna sa mga kausap at lumapit kay Red.

"Sendo, kausapin mo na! Araw-araw na 'yan tumatawag dito pero lagi kang wala. Ngayong nandito ka, kausapin mo na!," sabi ni Red na pinilit iabot kay Sendo ang telepono.

Wala nang nagawa si Sendo kundi abutin ang telepono na pinipilit sa kanyang iabot ni Red.

"Hi, Sweety!," biglang lambing ng boses ni Sendo.

"Hi, sweety ka diyan! Why are you not answering my calls? Hindi ka rin nagrereply sa mga text ko! What's happening to you? Are you avoiding me?," sunod-sunod na tanong ni Sheryl na halatang galit.

"Honey, di ba nag-usap na tayo na cool off muna tayo. Kanya-kanya muna tayo! And besides, alam mo naman na anniversary ng flower shop ngayon kaya masyado kaming busy," mahinahong sagot ni Sendo.

"But Honey, ang sabi mo cool off muna tayo for one month and it's been a month na. Bakit hindi ka pa rin nagpaparamdam sa akin?," may pagtatampong sabi ni Sheryl.

Napansin ni Red na pinipilit lang ni Sendo magoakahinahon kahit inis na inis na ito. Kung tutuusin, si Sheryl ang lumapit kay Sendo para maging girlfriend nito. Masyado pa itong aggressive. Alam ni Red na hindi talaga tumatagal si Sendo sa mga babaeng sila mismo ang lumalapit sa kanya para maging girlfriend nito kaya hindi na siya nagulat ng naghiwalay sila after two weeks. Ang ayaw sa lahat ni Sendo sa isang babae eh yung sinusundan-Sundan siya at minamanduhan. At pag sinabi niya na ayaw na nya, ayaw na talaga niya. Major turn off sa kanya ang mga naghahabol na babae pag brineak na nya.

Minsan na niya pinag sabihin ang kaibigan sa mga pinagtatawanan nito nguni't hindi talaga maiwasan ni Sendo dahil sa sobrang lakas talaga ng charisma nito sa mga babae. At pagdating sa diskarte nito sa mga babae ay ayaw nito nakikialam sila. Pero kahit kailan ay hindi naman nito nagawang mag sabay ng dalawang girlfriend.

At bihira naman na si Sendo ang nakikipagbreak sa mga girlfriend nya dahil madalas ay yung mga babae ang unang nakikipagbreak. Pag ayaw na nito kase sa babae ay gumagawa eto ng mga bagay na ikaka-turn off ng girl. Kaya ang resulta, yung mga babae ang nakikipagbreak. At hindi pa naman na experience ni Sendo na seryoso din sa kanya ang babae kaya wala pa syang nagiging malaking problema pagdating sa kanila.

"Honey, di ba ikaw ang unang nakipag cool off? Let's find peace muna without each other. Kung tayo talaga, sa huli, siguradong tayo rin di ba?," sagot ni Sendo hanggang maya-maya pa ay ibinaba na ang telepono.

"Hey bro! Uwi muna ako," paalam ni Sendo sa kaibigang si Red pagbaba ba ng telepono.

"Ha? Sendo naman, alam mo namang maraming delivery ngaun di ba?," reklamo ni Red.

"Siguradong pabalik na naman ang iba at si Sam. Sa kanila mo na lang muna ipadeliver. Babalik din ako agad," sagot naman ni Sendo na dire-diretso palabas ng shop. Ni hindi na nito pinansin ang mga babaeng kanina lang ay kausap niya. Napansin ni Red na ilang mga estudyanteng babae na sinundan pa si Sendo sa nilikuan nito. Nag lakad lang si Sendo at di dinala ang scooter.

"San pupunta yun?," tanong ni David ng makita ang papaalis na si Sendo. May dala itong kahon na may ilang maliliit na stuff toys na giveaways nila sa mga bumibili at nagpa padeliver ng mga bulaklak.

"Uuwi na muna daw. Mukhang babad trio sa kausap niya kanina," sagot ni Red.

"Bakit, sino ba kausap nya kanina?," tanong ni David at ipinatong ang kahon sa counter.

"Si Sheryl," si Red.

"Ah... Naku Red, pagsabihan mo nga sina Sendo na wag nila patawagin yung mga babae nila dito sa shop kase istorbo lang yan sa trabaho natin. Business telephone eto at hindi personal phone kaya hindi dapat ginagamit sa kanyang mga tawag. Hay naku, ang hirap talaga pagsabihan ng mga yan," pager reklamo ni David.

"Hayaan mo na sila!," si Red.

"Nasaan nga pala si Sam?," paghahanap ni David.

"Hindi pa nakaka balik from delivery. At kakaalis lang din nung iba. David, may problema tayo. Kailangan na ni Sister Anna itong mga flowers ngayon pero walang magdedeliver. Kay Sendo ko sana ipapadala kaya lang...," si Red.

"O sige, ako na lang magdedeliver. Sa susunod, Red, kontrolin mo na yung mga tawag sa kanila. Pag may naghanap sa kanila at hindi importante, wag mo na ibigay sa kanila, ok?," sagot ni David sabay tanggal ng suot na apron at binigay kay Red. Inabot naman sa kanya ni Red ang helmet nya at mga dadalhing mga bulaklak. Kumuha na rin ito ng stuff toy mula sa kahon.

"Yes, sir! Ako na po ang bahala dito!," nakangiting sabi ni Red sabay salute pagtalikod ni David.

***********************************^_^**************^_^***********^_^******************************************************

PRETTY BOYS FLOWER SHOP: The AnniversaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon