Malaki ang flower farm nina David. Marami silang empleyado na nangangalaga sa mga tanim nilang bulaklak. Ang mommy ni David ang nagturo sa kaniya sa pagtatanim at pag-aalaga ng mga bulaklak. Magaan ang mga kamay ni David sa pagtatanim ng mga bulaklak kaya nabubuhay at lumalagong magaganda ang mga ito.
Noong bata pa si David ay madalas siyang tinutukso ng mga kapwa niya bata sa kanila lugar na isang bakla dahil sa pagkahilig sa pagtatanim ng mga bulaklak. Nguni't ng makita nila ang galing ni David sa taekwando ay nabawasan ang mga nanunukso sa kanya hanggang sa tuluyan na itong nawala.
Habang kausap ni David ang katiwala nila sa flower farm ay sinamahan naman ni Jigger si Nadine na mag-ikot sa farm.
"Wow, Kuya Jigger, tingnan mo! Ang gaganda ng mga bulaklak!," nangingislap ang mga mata na sabi ni Nadine sa sobrang katuwaan.
Napapalibutan sila ng iba't-ibang kulay ng mga rosas.
Nakasunod lang si Jigger at pinagmamasdan ang parang batang si Nadine na patalon-talon pa habang naglalakad at pinagmamasdan ang mga bulaklak. Walang suot na salamin si Jigger kaya mukhang bata siya tingnan ngayon. Sinusuot lang niya ang kaniyang salamin pag nagbabasa o gumagamit ng computer.
Habang pinagmamasdan ni Jigger si Nadine ay parang ngayon lang niya ba-realize na dalagang-dalaga na pala ito. Dati-rati ay binubuhat-buhat at nilalaro pa niya ito tuwing pumupunta siya sa bahay nina Red nung high school pa lang sila. Nasundan ni Jigger ang paglaki ni Nadine dahil parang kapamilya na siya nina Red. Lagi kase siyang nakatambay sa bahay nina Red pag walang pasok. Solong anak si Jigger kaya wala siyang makalaro sa bahay nila. Nang maging kaibigan ni Jigger si Red ay parang nagkaroon na rin siya ng dalawang kapatid.
Biglang napangiti si Jigger ng maalalang dati ay mahilig humingi sa kaniya si Nadine ng piso o kaya ay yayayain siya nito sa tindahan para magpabili ng paborito nitong chocolate. Minsan naman ay dinadalhan na lang niya ito ng isang supot ng mga paborito nitong chocolate. Pero buti na lang, kahit naging mahilig ito sa chocolate ay naging maayos naman ang mga ngipin nito.
Bigla tuloy namiss si Jigger ang mga panahon na yun. Ngayon kase ay dalagang-dalaga na ito.
"Kuya Jigs, anong ginagawa mo dyan? Halika dito, may ipapakita ako sa'yo!," mahinang tawag ni Nadine.
Biglang natauhan si Jigger sa pagmumuni-muni. Hindi niya napansin na malayo na pala si Nadine at sya naman ay napatigil sa paglalakad.
"Ano ba yan?," curious na tanong ni JIgger habang papalapit kay Nadine.
Nakupo si Nadine at nay tinitingnan sa isang halaman.
"Tingnan mo Kuya Jigs, bilisan mo!," sabi ni Nadine na hinila paupo si Jigger.
Ang tinitingnan pala ni Nadine ay isang butterfly na palabas na sa pupa nito. Pinanood nila ito hanggang sa tuluyan itong makalipad.
BINABASA MO ANG
PRETTY BOYS FLOWER SHOP: The Anniversary
Fiction généraleThe beginning of a Wonderful story of 5 friends on their Flower Shop.