Chapter 26: Miserable

114 6 2
                                    

Kaelyn

Grabe kapagod gosh for 3 days ako lang mag isa. Halos wala akong tulog. 12:00 a.m na ngayon then grabe nandito pa rin sko sa may pool, nililinis ko ang pool dahil bukas mag swi swimming daw ang señorito. Hay buhay parang life.

"Pst."

Sino yun?

"Pst."

Di ko na lang pinansin. Hay pano na ngayon? Ang hirap.

"Boo!"

Oh my mahuhulog na ko pool. Nakapikit yung mata ko pero di ako nabasa. Hawak hawak ni Matthew yung kamay ko. Muntik na kong mahulog.

Magsasalita na sana ako kaso naalala ko yung sabi sa akin ni señorito. Bawal daw. Edi bawal.

"Babe, gabing gabi na bakit nandito ka pa?" Nag aalalang tanong niya pero di ko siya pinansin.

"Grabe ang ganda ng sagot mo, very impressive. *insert sarcasm*"

"Oy babae wag mong insnobin ang kagwapuhan ko." Sa oras ngayon gusto kong ilunod si Matthew sa pool. Para lumabas lahat ng hangin sa katawan.

Nagpatuloy lang ako sa paglilinis ko. Nandito pa rin siya. Di ko siya kinakausap.

"Hay K----"

"Matthew! Inside!" Hay buti naman pinapasok na siya nung demonyo este nung señorito.

Naglilinis ako ng pool ng makaramdam ako ng pagod, umupo muna ko sa gilid ng pool, inisip ko kung ano na bang nangyayari sa buhay ko. Bakit kailangan ganito? Pagsubok ba to? Or forever ng ganito?

Then nagpatuloy na ko sa paglilinis ko, time check: 1:00 a.m still cleaning.

Kahit madilim wala akong pake basta matapos ko to. Kailangan eh. Kung di patay ako tatay ko nakasalalay.

Umupo ulit ako, nakakapagod eh. Iniisip ko tumalon na lang kaya ako sa pool tapos magpakalunod kahit alam kong best swimmer ako? Pakamatay? Wag na baka mabawasan ang maganda sa mundo noh. *yawn* antok na ko. Pero di pwede, lilini----

Zzzzzzzzzzzzzzzzzz...........



****************

"Kaelyn!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!" Nagising ako sa sigaw ng demonyo ayan ang tawag ko sa kanya. Pero wait? Sigaw niya? Shemz patay ako!!!!! Naku 10:00 a.m na.

Bumangon ako ang sakit ng likod at leeg ko. Sheez, sa pool side ako nakatulog.

Karakaraka akong pumunta sa demonyo.

"Señorito."

"You stupid girl! Bakit kagigising mo lang?! Alam mo ba kung anong oras na? Malelate na ko! Wala pa ring almusal!" Yung totoo? Tagabundok ba to? Lapit lapit sakin sigaw ng sigaw.

"Señorito, maghahanda na po ako nakatulog po kasi ako sa pag---"

"Pakikipaglandian sa anak ko?"

"Sir, hindi po----"

"Nakita ko kagabi sa pool side kung hindi ko pa siya tinawag di ka titigil kakalandi."

"Paghahanda----"

"No need dun na lang ako kakain. Tangang katulong. Sampid."

He is really getting into my nerves!!!!!!! Kapag ako di nakapagpigil.... chill K, chill. Mapupunta rin sa impyerno yan.

May tumulo na lang na luha sa mata ko. Nakaka discriminate eh. Pinunasan ko na lang agad at nagsimula na kong mag trabaho. Pansin ko na gustong gusto na kong lapitan ng 3 magkakapatid pero i heard na kapag ginawa nila yun papalayasin sila sa bahay.







Isang damakmak na house chores ang gagawin ko ng may tumawag sa akin.

Si Sophia.

"Mar? Bakit napatawag ka?"

[*sobs* Pim dito ka na lang tira. Please. Ayokong mahirapan ka.]

"Uy tama na, sophia. Kaoag dyan ako tumira edi kulong rin si papa. Malalagpasan ko to. Don't worry."

Nagkwentuhan kami hanggang sa matapos ang trabaho ko. Hay MISERABLE. That word describe me as well as my life.


The TwinsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon